Advertisement

Sunday, July 25, 2010

The Wife and the Girl Friend

Dear insansapinas,
 
Kung Kailangan Mo Ako Part7


Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa


Dumating nga si Nova sa meeting. Merong kasamang lalaki na puno ng ginto sa katawan na siguro pag tinapat mo sa malaking magnet siya ay didikit  kaagad.





Umalis din naman kaagad. Parang naghello lang at naggood bye. Walang tuksuhan. Walang usapan tungkol sa lalaki kung sino ba siya. Si Manny ang bumasag sa katahimikan. Clang.

 Manny: Dinner na tayo, alam naman ninyo ako kapag di nakakain, bumubula ang bibig. Nagbibiro siya para ang mata niya ay malungkot.


Dino: Sandali na lang p're, malapit nang lumambot yong baka. 


Manny: Ikaw ba ang nagluluto, Dino?  Sana sinabi mo kaagad para nakapagdala ako ng maraming imodium. Toink.


Habang nagbibiruan sina Dino at Manny, nagkakagulo sa salas.
May dumating na babae at sinasabunutan si Del.

Babae: Walang hiya ka, mang-aagaw. May-asawa ka naman. 

Hala, asawa ni Tommy. Dumating. Sinasabunutan si Del. Si Tommy, nag-aawat. Ang asawa ni Dino, pinapasok sa kuwarto ang mga bata. 
Si Nova, nakatulala. 

Hinila ni Tommy ang asawa niya at isinakay sa kotse. Hindi na nagpaalam. 

Walang kibo ang grupong naiwan. Nagpaalam na rin si Del pagkatapos ayusin ang sarili.

Tuluyan nang  hindi siya nagpakita. 

Dahil sa nalalapit na presentation ng kanilang projects, nagmeeting ulit ang grupo. Minus one, si Del.

Matagumpay ang projects. Dahil dito ay nag-out of town sila, sagot ni Tommy ang gastos. Siya ang pinamayaman sa grupo. Dinala sila sa kanilang probinsiya, kasama ang kaniyang misis na by that time ay lagi nang nakakabit sa kaniya. Stay-at-home lang naman ang misis niya ay hindi pa nakapagtapos ng high school. Maaga silang nag-asawa. Si Tommy lang ang nagtapos at ngayon ay may mataas na position sa isang multinational. Hindi lang siya mayaman, may hitsura pa.

Balik ang  saya ni Nova. Balik ang biruan nila ni Manny.

Minsan ay nagmeeting sila ulit. Naging ugali na nila yon na pagkatapos ng opisina ay magkita-kita.

May kasamang babae si Manny. Ipinakilala sa kanila. Girl friend niya. Kapapasa sa Board.

 Kung nagulat si Nova, hindi niya pinahalata. Tuksuhan. Tahimik lang naman ang girl friend.

Nag-ooffer na ihahatid ni Manny si Nova. Okay lang sa girl friend niya. Pareho ang daan. Tumanggi si Nova. Alam ni Manny na hindi ito mapipilit.

Naiwanan si Nova.
Pasakay si Tommy sa kotse niya nang pakiusapan ni Manny kung pwedeng isabay si Nova. Ayaw sana niya pero hindi niya maiiwanan si Novang nag-iisa.


Bumalik si Tommy para kausapin si Nova. Tinanong siya kung saan papunta.

Saan nga ba siya pupunta.

Pinaysaamerika

No comments: