Advertisement

Wednesday, July 21, 2010

The Secret

 Dear insansapinas,

Kung Kailangan Mo Ako Part 5

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Manny: Saan ka pupunta. tanong niya kay Nova na lumakad nang palabas pagkatapos makuha ang kaniyang bag.

Nova: Uuwi. Magsisimba rin.


Manny: Naku baka umulan ng apoy at kidlat pag nagsimba ka.


Hindi sumagot si Nova.


Manny: Paano pagbalik nina Tommy at Del. Marami pa tayong gagawin.


Nova: Hindi na ako babalik. Matutulog na ako.


Manny: Matindi talaga ang tumama saiyo ano. Ako ba ang dahilan? Naiinis ka na ba sa pagbibiro ko? promise hindi na kita bibiruin, aasarin na lang kita. Alam  mo namang magkakadiarrhea ako pag hindi kita nabuska sa isang araw.



Nova: Okay lang yon. Pinapatulan naman kita eh. hindi ikaw ang dahilan.


Manny: Yon nga ang namimiss ko. Team tayo. Magaling kang sumalo ng punchlines. Pag nawalan tayo ng trabaho baka pwede tayong maging komedyante.


Tahimik si Nova at binilisan ang lakad nang makitang parating kotse ni Tommy, sakay si Del.


Nagpara siya ng taxi at dali-daling sumakay. Sumakay din si Manny.


Manny: Sandali parang nakita ko na ang eksenang ito sa movie. Hoy babae, kung gusto mong magkaacting award, kailangan galingan mo. 

Nova: Bumaba ka na at bumalik sa kanila. 

Manny: Hoy Vilma Santos, nanalo na sa Famas yan.

Nova: pwede mama, hinto ninyo sa kanto. Ako na lang ang bababa.

Manny: okay, okay. You won. sige bababa na ako.

Balik si Manny sa grupo. Tahimik silang nagtrabaho at umuwi ng bandang hapon. Walang nagtanong sa kaniya tungkol kay Nova. Malungkot din siya. Parang alam na niya ang dahilan at kung sino ang minamahal nito.

 Isang Linggong walang balita kay Nova kaya pumunta siya sa opisina nito.


Manny: Miss na kita, I mean ng grupo. Araw-araw naghihintay sila saiyo. Wala akong masabing dahilan.


Nova: Sabihin mo na lang sa kanila na tinatapos ko na ang sarili kong project. May mga data na naman ako at kailangan ko na lang ang tamang organisasyon.


Manny: Nova, Gusto kong magtapat ka sa akin. Kahit ano o iling lang ang sagot.


Hindi kumibo si Nova.


Manny: Nasa grupo ba ang minamahal mo.


Hindi kumibo si Nova pero umiwas ito ng tingin kay Manny.


Manny: May asawa siya di ba?


Hindi ulit kumibo si Nova.


Manny: At palagay ko nagseselos ka sa babaeng malapit sa kaniya.


Hindi kumibo si Nova.


Tumayo si Manny at dahan-dahang lumakad papunta sa pinto. Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at pinunasan ang kaniyang salamin sa mata.


Tanong niya. Bakit siya pa?

Pinaysaamerika

No comments: