Advertisement

Monday, July 05, 2010

Independence Day and Fireworks

Dear insansapinas,
HAPPY INDEPENDENCE DAY

photocredit
Kung sa Pilipinas, ang mga aksidente na related sa fireworks ay nangyayari pag bagong taon, dito naman ay pag independence day. Last year, 6000 ang naireport na nasaktan dahil sa paputok 
at ngayon ay isa ang naputulan ang kamay sa NY. 


Bakit ko binabalita at sabihin ninyong oweno? Kasi may mga walang hiyang nagpapaputok sa harapan namin at tapat pa ng kuwarto ko. Tuwing sisilip ako, nagtatago. Hindi naman dahil galit sila sa akin o sa amin. Talaga lang gustong magpaputok at yong tabi namin ang medyo tago sa main road. Ang mga de puger (pahiram lee). Hindi na ako sanay sa paputok kaya nang marinig ko yong unang sunod-sunod na paputok ay muntik na akong mahulog sa bed. Bawal ang paputok. Mini kuwitis ang ginamit kaya akala ko may UFO na umaaligid sa aking bintana dahil sa liwanag. Sa Pilipinas din takot ako sa paputok. Pero at least inexpect mo na yon. Eh dito dapat wala kang naririnig na ganon dahil tahimik ang neighborhood.


Kasalukuyan pa naman akong nagbabasa ng nobela kung saan ang mga inaakala ng tao na banal na ministro ng simbahan nila ay ang mga ex-convicts pala at nagkaroon lang ng Divinity sa pamamagitan ng pag-enroll sa on-line classes. Ma take ninyo yon. Okay lang sana kung talagang nagbago na.*heh*,


Pinaysaamerika

9 comments:

Anonymous said...

hahaha
samin mam maraming gawaan ng paputok,at palagi rin may sunog dahil sa paputok.
kaya nga yung mga taga samin e di nabili ng mga paputok, ang mga mahihilig bumli ng mga paputok e yung mga taga menila.
kaming mga probinsyana bago pa mag 10pm ng new year mga tulog na at 12mn mahimbing na pati pwet naghihilik na habang nagpuputukan ang mga kamay at daliri ng mga tiga menila, yung mga nagbebenta ng paputok e nagbibilang ng mga kwartang pinagbentahan nila ng
paputok.
naku mam,kainggit ka,my binabasa ka nanaman ako wala, sa post mo nalang ako umaasa hahaha.
~lee

Anonymous said...

dito naman sa lugar ko ngayon natural yang mga tinamaan ng magaleng na putukang yan.
pag my ginagawang bahay, building, ibubukas na stablishments, stores, shops, e ako pa naman ang lugar ko e nasa gitna ng mga parang kabuteng nagsusulputang mga hotels,malls at mga bagong buildings kaya halos gabi gabi my putukan,kaya sanay nako,dina rin ako nagugulat.
~lee

cathy said...

lee,
isang libro yan isang araw, pag maganda, pag hindi ang tagal kong binabasa at tinutulugan. may bago si patterson at si max ngayon. hindi ko pa lang nakikita. nakaadvertise sa TV.

Anonymous said...

kaya nga inggit to death ako sayo e maniwala ka bang till now e diko pa rin nabasa yung swimsuit?
nagsisi pako kung bakit diko pa binili nung nasa pinas ako, hard bound kc e bibitbitin ko at babasahin sana habang pa byahe dito kasi di naman ako nakakatulog kahit kelan sa roplano,kaso nagsisi din ako,e hanggang ngayon wala akong mahiraman dahil yung hiraman ko na frend e nabasa na rin nya sa pinas kaya dina nya binitbit dito,muntik na nga akong makipag solian ng kandila sa kanya e, muwahaha.
~lee

Anonymous said...

so far naman isang story palang ni james ang nabasa kong super boring at inabot ng napakatagal bago ko natapos (kung my iba diko pagtityagaan).
~lee

Anonymous said...

sorry di pala hard bound (harry potter pala nung anak ko yung nasa isip ko) i mean yung unang labas na malaki yung book, hindi pocket book kungdi maleta book sa laki.
~lee

cathy said...

naku ang bigat noon. noong nagtatravel ako nagsimulang magbasa. mga paperback lang ang dala ko. madaling ilagay sa carry-on.

Anonymous said...

hmmm mam confirm, ikaw ang momo na naka invisible from outside jejeje
~lee

cathy said...

hindi naman ako nakaanonympous. may link ako dito.