Advertisement

Friday, July 02, 2010

The Budget

Dear insansapinas,


You know why I am not practically jumping for joy when the Aquino finance people announced that they are going to wipe out the budget deficit by 2010? I do not believe that they can perform a miracle. Tanungin pa ninyo ang mga misis na nagkakandahirap magbudget.

Now here is the news:

“Balancing the budget is not an important goal as far as I'm concerned, keeping it within the manageable level which is I believe is 2 percent of GDP is something we would like to do,” Purisima told reporters.
“We would like to create a space within the budget to support the goals of President Aquino in social investments, and building the necessary investments to support growth,” he added.
Originally, the Arroyo government had planned to wipe out the budget deficit by 2010 but moved this to 2013 because of weak revenues.

Since the deficit is almost 4 per cent of the GDP, the target of 2 per cent  in 2013 is equivalent to reducing it by 1 per cent. Achievable. At least. But when the corporations and businessmen start  performing "miracles" in their financial statements, that is when this task of trimming down the deficit would be far from impossible. Pag nagkaroon sila ng kaso at imbestigasyon, hanap sila ng padrino. Kaya kung minsan ang nahuhuli ay ang mga artista lang.


The fixed income earners are already regular sources of revenues. In fact the taxes  are deducted in advance. It is the businesses which can understate their revenues or overstate their expenses such as charging even the expenses of their paramours/lovers/ family members  in the corporate accounts that are unreliable source of income. Then there are also the technical smuggling happening by under declaration of their exports and imports so that revenues are slashed not only by half but more such that only pittance go to the coffer of the government. 


Budget Deficit is the difference between the budgeted revenues and expenses.


Ganito yon.


Ililista mo ang mga inaasahang tatanggapin. Mostly sa mga taxes ito na ibinabayad ng tao, corporations, mga institutions at iba pa.Tapos ang mga gagastusin kagaya ng mga pasuweldo ng mga  tao, pagpapatakbo ng mga ahensiya at iba pa. 


Halimbawa: Kikitain: 10 Billion pesoses. Gastos: 14 billion pesoses. Ang diperensiya na 4 billion ang sinasabing deficit. Malinaw ba o palalabuin ko pa?


Tapos, mag-iisip ang gobyerno kung saang kamay ng Diyos ito kukunin. Sa kaliwa o sa kanan,


Kung sa kanan, dagdag na taxes ang gagawin. Nangako sila na walang dagdag na taxes kaya hindi sa kanan. Kung sa kaliwa, mangungutang sila either sa Pilipinas o sa abroad.


Yon yong mga finofloat na mga government bonds, treasury bills and iba-iba pang klaseng bond. Huwag lang isasali si James Bond.

O kaya pagbubutihin nila ang pagcollect ng taxes. Para malamang wala ngang corruption, dapat lumaki ang collection ng taxes.


Madaling magsalita kapag nanood ka lang pero pag ikaw na ang pinanood, nagkakamali-mali.


Ano ang ibig sabihin na kailangang gumastos sila sa infrastructures blah blah. Kasi kung hindi sila gagastos, hindi nila maiistimulate ang economy. Ito ang ginawa ng nakaraang administrasyon.


Pinaysaamerika

17 comments:

Unknown said...

kami din baka wala ng budget ,sabi ni Gov Arnie, $7.25/hr na lang daw kami, hopefully eh mapirmahan na ang budget otherwise pangbayad lang apartment yong $600.00 na sweldo ko, kaya yong may mga kamag-anak na nagtratrabaho sa State of California, pagpasensyahan nyo na kung wala silang maipadalang pera sa ino jan sa Pinas, kasi wala din silang pera dito sa Californiaaaaaiiy

cathy said...

kasi kahit maybudget, baka wala namang pera.

para bang listhan ng pamamalengke, tapos wala namang pambili.

binabawasan na ang budgeted expenses ni arnold.

maraming states na bankarote. walang nagbabayad ng taxes kasi walang trabaho ang mga tao.

Unknown said...

yong iba ngang Cities, ina outsource na yong mga employees, nakikishare na lang sa next county, pagturistahhin ni Lee lahat ng tiga China, dito sa USA,tiyak madadagdagan ang business dito sa California

Anonymous said...

naku madam lorena, magkakagulo mga chikwiwang turista dyan,kung
sakali ikaw ang guide nila,me dala kang maliit na banderang winawagayway para sundan nila at kung hindi ay isa isa kang maghahahabol sa kanila, ang kukulit pa naman nung mga matatandang chikwawa ang iingay pa magkakandahaba ang nguso mo kakasut-sot pagpatahimik(ang mga mahilig mag tourists yung mga senior citizens na).
at bibigyan kita ng tip mam lorena, dapat my alam kang kahit konting chinese word pero masyadong complicated(di kc sila maka inglisirs)

NIGA- yan ang very common na salita na palaging nakakabit sa mga pangungusap nila pero pag sabi mo ng word na yan lumingon ka muna kung may nognog kang katabi at baka ka madagukan.

LAY or LAI- means come, pero pag ang kukulit nung nung mga turista syempre ulit ulitin mo yung word,sisigaw ka ng laylay, laylay, lilingon ka muna at baka my katabi kang nakalaylay ang...lam mo na.

TIANNA ot TYANNA- punum punu kana kaya ito ang masasambit mo (means my God)lilingon ka rin munat baka my katabi kang probinsyana e dinig nya tyanak.

bago matapos ang unang araw ng tour nyo,gusto mo ng sumigaw ng DARNAAA! lilingon ka muna baka nandun si mam cat e sabihin inaagawan mo sya ng bato.

~lee

Anonymous said...

tsk tsk, wawa naman mga kalipornyan,kulang pang pambili ng boy bawang yung swedo nila (mahal kasi pamasahe sa pinas para bumili ng boy bawang)
kahit pambili ng hopia kulang parin (mas mahal pamasahe dito sa china para bumili ng hopia)
hirap lang
kasi sa mga tao satin sa pinas(di naman lahat)pag nasa remika kala nila manyaman na mga tao at pag di sila napadalhan ng pera e kala pinagdadamutan sila.
sana naman e maayos nat kawawa naman yung mga kababayan natin dyan,yung kebigan ko lumipat sila ng florida, wala rin, hirap din, dati syang manager dito sa asia laki ng sweldo malaking di hamak sa sweldo ko, nagasawa ng kano(2 years ago lang)kala manyaman yung napangasawa at gingineer daw, yun pala ang trabaho sa home depot utility, sya naman floor manager(janitres)ayun panay iyak baka kaya nagkakaron ng baha dyan magkaminsan.
~lee

Unknown said...

no problem with the Mandarin or Fookien, meron akong kakambal na Chinese Malaysian, she speaks several dialects too, kapitbahay ko Chinatown, I know binigyan ang mga Chinese ng US tourist visa para mastimulate ang aming economy, exchange deal di ba, alam mo naman ang US govt, magaling sa mga deal, kami nagdidil dil ng asin

cathy said...

eh pinakamaliit na county na nga ang SF. county na city pa. pero kulang pa ng pera.

iba rin ang mga benefits diyan kaysa sa county ng San Mateo.

cathy said...

nku lee, kandaihit ako ng tawa sa advice mo kay lorena.

totoo yang ang lalakas nilang magsalita yong mga matatanda.

minsan napagitnaan ako ng dalawa sa tren (BART), kaliwa't kanang tainga ko parang hinahampas ng bell sa lakas.

tapos talsik ang laway, parang yong kilala ko (whose name can not be mentioned.baluuuut) gusto ko tuloy magpayong.

cathy said...

lee,
dito ang gaganda ng mga title. masashock ka.

hindi mananakaw ni lorena ang bato ko as darna. bigyan ko na lang siya ng walis tingting na lumulipad.

Unknown said...

sanay na sanay na ako sa mga kababayan kong intsik dito, dahak, dura, kulangot, ang lakas magsalita, nanggigitgit sa bus, hindi marunong pumila, maingay parang nasa kabilang bundok yong kausap eh magkaharap lang naman sila, pero madami din silang positive aspects na gustong gusto ko like their being so unified kaya dito ang daming projects na funded ng mga Chinese hindi katulad ng mga Pinoy hiwahiwalay, matataas kasi ang mga ihi, of course sa pagkain talgang masarap, palagi kaming may dimsum at egg tart from garden Bakery, ang reklamo kasi namin sa kabayan rest na Pinoy, konti magbigay, pati kanin may bayad, yang Jollibbee uber mahal kaya hindi ako bumibili jan. pero kalaban pala ng US ang japan in attracting the chinese tourists binabaan na nilaa to $10,000 ang requirement, so yong mga middle income welcome na welcome na sa Japan, they prefer the Chinese tourists dahil in their study they spend at least $1,500. for shopping which is threefolds compared sa KOrean and US tourists. hindi ko hihiramin yong bato ni Ca T, basta makakain lang ako ng lechon, lumalakas ako

cathy said...

ang mahal nga sa jolibee, ang kaunti pa ng laman. parang gutom ka hindi kagaya sa paborito kong chinese resto malapit sa amin, ang daming kanin. masarap pa ang eggplant nilang lasang fish kahit walang isda.

tama ka lorena, pataasan ng ihi diyang ang mga noypi. kaniya-kaniyang project tapos ningas kogon.

alam mo malakas ang mga insik sa visa dahil isa yata yan sa mga deals. hindi kagaya sa pinas na pahirapan.

Anonymous said...

kung ganun no problem pala si mam lorena sa intsikan.
totoo yun,ang mga intsik pag nasa labas ng bansa nila nagkakaisa at tulungan, wala silang ibang makakapitan e kelangan nilang magtulungan, dito kasi kanya kanya din sila at pataasan din, pero di naman sila mga crab mentality e, pinagtatanggol naman nila yung kababayan nila.
sa totoo lang kahit nga dito pataasan ng ihi ang mga pinoy, hampasan ng mop at walis at sila sila nagsisiraan (puro mga DH) nung minsan nagaway at nagsigawan sa shanghai 2 pinay, then hinuli ng pulis dahil naghatawan pa dina mga nahiya ang tatanda na nila, tapos di naman mga legal ang mga DH dito kaya ayun napauwi silang dalwa, pero bago sila totally umwi e isinumbong at itinuro nila yung mga pinay na mga DH din, hanap lang ba ng damay.
tapos yabangan e pare pareho lang naman ng mga estado dito, dapat sila sila magtulungan,kaso
sila sila nagsusulutan din ng mga amo, sisiraan yung isa
na maganda ang amo na nakuha,hayz kaya wag nyo akong isumpa kung diko sila type maging fwend (kasi business lang din visa ko mahirap na mwehwhw) kahit na nga sila nakikipag kebigan sakin, hi hellow ok na pero frensheeeep wag na lang muna, hindi sa minamaliit ko sila pero sila ang gumagawa para lalo silang magmukhang maliliit sa paningin nung mga taga rito.
teka, bat napunta dun ang usapan (sabay sampal sa sarili)
teka, pero bakit dito di masarap ang mga pagkain nila? sa labas ng china masarap ang mga chinese food pero dito di masarap.
~lee

Anonymous said...

tama, yung mga turista gusto ng sa korea pumunta kasi yung mga nakikita nila sa mga korea novela e dagdag na promotion yun.
sa japan naman mas gusto ng pumunta at mag tourist dito kasi mas mura compare sa remika.
bakit nga ba ang tamad ko, wala pakong nalibot na lugar e ang dami rin magagandang lugar dito,katamad mamasyal ng magisa kasi tapos pagod na sa trabaho kaya pag nagka holiday ipinapahinga ko nalang.
~lee

Anonymous said...

higpit nila dito sa mga pinoy, di sila basta nagbibigay ng visa tapos show money e 500taw na, alam kasi nila pag pinoy pumasok dito e di tour ang hanap, trabaho.
~lee

cathy said...

dito nga noon maraming makapili, yong nagtuturo kung sino ang mga illegal. kasama na iyong dating pupolar na actress na ang balita siya mismong nagreport doon sa asawa ng kaniyang anak.

meron din namang parte dito na pag ikaw ay nalamang makapili, ikaw ay iiwasang parang maysakit.

cathy said...

yong mga japanese, namimili sa ibang bansa kasi mahal sa kanila. eh dito noon may mga nagsasamantala rin sa mga Japanese tourists. Mga tourist guides, dadalhin sila sa isang lugar na overpriced din ang items pero mas mura naman sa japan.

Anonymous said...

naku mam parang kilala ko yung artistang yun jejeje ewan kung tama, diba si richard gomez pa nga nagbuking sa kanya?
di naman nya mai deny at di nya matalakan si goma(kahit na nga kilala sya sa pagiging mataray din) dahil my katibayan si goma at lalo lang syang mapapahiya,kaya nagtatalak si goma ng wala syang nagawa kundi manahimik hahaha e kung di totoo yun nagkontra talak yun o baka demanda pa,
yung nanay ni goma diba sa remika din naka settle si stella suarez?
~lee