Advertisement

Tuesday, July 20, 2010

The Mystery

 Dear insansapinas,


Kung Kailangan Mo Ako Part 4

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Nagtakbuhan lahat sa lugar ni Nova ang mga kasamahan niya. Pati si Tess na nasa bahay nila ay dumating dahil sa ingay na narinig.

Tess: Anong nangyari, Nova? Bakit ka sumigaw?

Nova: May humawak sa paa ko. Hindi ako nakagalaw.

Manny: Naku ha, hindi ako, kasalukuyan kong pinapantasya si Julia Roberts. Sasagot na sana ng oo, istorbo sigaw mo. nagising tuloy ako.

Tess: Nakita mo ba ang humawak saiyo?
Nova: Hindi, anino lang. Tapos ang lamig ng kamay na humawak sa binti ko.

Manny: anong mukha ng anino.

Dino: May mukha ba ang anino?

Manny: Ibig kong sabihin , shape. Lalaki ba, babae, bakla, tomboy, matanda, bata?

Nova: Mukhang lalaki. 

Dino: Nakasarado naman ang mga pinto. Walang makakapasok at makakalabas nang hindi natin makikita.

Tommy: Ang problema, lahat tayo, nakatulog.

Manny: Ikaw magsabi nga ng totoo Nova, talaga bang may humawak saiyo o baka naman pinsan ni Mickey Mouse ang tumakbo sa binti mo. 



Nova: Ano ka, nakakakumot ako anoh.

Del: Wala namang katabi si Nova at bago makarating sa kaniya dadaan muna sa lamesa ni Manny.

Dino: Hindi type si Manny.

Manny: Nagsimula ka na naman Dino ha.

Tess: Baka naman hindi tao?

Manny: Bakit may alaga ba kayong alien dito. Pwede. Type si Nova ng mga yon. 

Tess: Baka multo. Kasi morge ito noong second world war.

Manny: Ano morge?. Ibig mong sabihin yang hinihigan kong mesa, patay ang mga nakahiga noon.

Tess: Hindi naman ah. Bago naman ang mga gamit dito. Kaya lang may mga kuwento ng na bigla na lang sisindi ang ilaw. May nagtatype sa kabilang kuwarto o kaya may naririnig na nag-uusap kahit walang tao.

Manny: Ngiii. Ibig mong sabihin napapaligiran tayo ng multo. Makauwi na nga. Susi ng kotse, Tommy. 

Tommy: Naniwala ka naman sa multo. O ano Nova, okay ka na ba?
Marami pa tayong gagawin. Balik na tayo da pagtulog. Babantay si Manny.

Manny: Bakit ako?

Dino: Kasi takot saiyo ang multo. 

Tommy: obserba ka lang. Tapos tulog ka na rin.

Tess: Okay. Bukas dadalhan ko kayo ng breakfast.


Tiningnan ni Nova si Tommy. Palapit ito kay Del. Nag-usap sila. Mahina ang mga boses. Hinawakan ni Tommy ang balikat ni Del. 
Parang gusto niyang sumigaw ulit.


Kinabukasan, tanghali na ng dalhin ang breakfast sa kanila ni Tess. Nagsimba muna raw siya.


Manny: Akala ko naghanap ka pa ng poultry para bumili ng itlog.

Tess: Nagfafamily planning yon mga manok namin, walang itlog sa umaga.
Dino: Nasaan sina Tommy at Del.

Tess: Nagpahatid si Del kay Tommy, Magsisinba raw.

Dino: Oo nga naman, Linggo ngayon. mamaya kami magsisimba ni Misis. Ikaw Manny?

Manny: Nagsisimba ako pag walang tao sa simbahan kasi pag pumasok ako ng simbahan, nagloloko ang mga ilaw.
Dino: Eh si Nova?

Manny: Ayan, pag pumasok ng simbahan, nagkakaroon ng apoy.


Tiningnan lang sila ni Nova.


Abangan.


Pinaysaamerika

No comments: