Advertisement

Showing posts with label Pinayhome. Show all posts
Showing posts with label Pinayhome. Show all posts

Friday, November 28, 2008

Thanksgiving ni Pinay

Dear insansapinas,
Hindi ako sumama sa aking kapatid pagpunta sa isang Thanksgiving Lunch ng mga Pinoy.

Sabi ko balot na lang. hehehe Tamad kong lumabas.

Dumating nga may balot. Akala ko Pinoy Foods. Yon pala galing sa Bostom Market. Binili lang. Hiyang magbalot to go.

Ito ang turkey. Huwag hanapin ang malaki. Naubos ko ang green beans pero isang hiwa lang ng turkey ang aking kinain. Mahabang recycling na naman ang mangyayari.



Ito naman ang salad. Akala ko tinimpla ng kapatid ko. Kaya sabi ko sa kaniya. Timpla siya ulit. Ibinigay sa akin ang isang packk ng salad. Binuksan ko. Dyaran. Nandoon na lahat. Ang dressing at ang mga burloloy. Naging salas chef bigla ako.



Ito naman ang cole slaw salad. Paborito ko, pero ayaw ko ang lasa. KFC coleslaw talaga ako. Matagal na naman itong maninirahan sa aming fridge.



Ito ang sweet potato pie aka KAMOTE PIE. Kaya pala noong pumunta ako sa library, medyo nagrarumble ang aking tiyan at parang gustong maglabas ng masamang amoy. Yuck.



Pinaysaamerika

Monday, September 01, 2008

Bed of Books

Dear insansapinas,

ito ang aking bed cum library dahil sa dami ng libro.



Noong baby ako ang unang inilagay nila noong ako ay dumapa ay libro. kaya hanggang ngayon puno ng libro ang aking higaan.



karamihan diyan mga detective, mystery at forensic cases. hindi boring. nakakatako nga lang pag binabasa mo ng gabi. ngiii.

Pinaysaamerika

Sunday, August 31, 2008

COMPUTER DESKS

Dear insansapinas,

ito ang upuan ko pag ako ay nagiinternet sa aking kuwarto. ako ang naggantsilyo
niyang hair cover. actually hindi yan chair cover kung hindi cover ng aking seat cushion, pero masakit sa puwet. hekhekhek



Ito ang isa kong computer desk. Gulo ano. Ganiyan talaga yan hanggang sipagin akong mag-ayos.



Sabi ko computer desks. kasi ito pa ang isa. para sa computer ko sa sala.
Bakit kanyo mababa? Kasi palagi akong nakaupo sa carpet habang nanonood ako ng TV o DVD at nagcocomputer. Sale yan kaya binili ko at pinalitan ko yong dati kong breakfast-in-bed-table.

Pinaysaamerika

Wednesday, March 05, 2008

KULAMBO KAYO DIYAN


Salawikain for the day

Nakakaawang patayin, nakakainis buhayin.

Salawikain tagpi-tagpi.

Nakakaawang patayin, nakakainis buhayin.KAYA YONG IBA BINUGBOG A LANG.
*heh*


Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Nakuha ko itong retrato kay Watson. hindi ko alam kung ito ay para sa labas o para sa loob at kung ang kulambo ay para huwag pumasok ang mga langaw at lamok.


Naalala ko tuloy ang aking bed noon sa dati kong bahay. halos pareho.





Paek-ek ko lang yang mga kurtina lasi wala namang langaw at lamok doon. Sabi ng iba, siguro raw sa previous life ko ay prinsesa ako dahil mahilig ako sa ganitong ayos kahit na sa Pilipinas na mainit ang klima.

Sa totoo lang, noong bata ako, ayaw ko ng kulambo noon sa probins. yong bang habi sa abaka yata yon tapos inaalmirol ng aking mga tiya kaya pag natuyo, kahit hindi mo na itali ang mga dulo.

Tapos pag luma na ginagawa nila noong pasador. kung hindi ninyo alam ang pasador, yon ang gamit ng mga matatanda pag sila ay may dalaw at ayaw nilang gamitin ang sanitary napkin.

Dahil sa chiquiting gubat pa ako noon, pag tumayo ako sa loob ng kulambo, hindi ko pa abot ang pinakataas nito kahit ako ay magtatalon.

Sa siyudad naman uso na ang katol at ang bahay namin ay palibot na nag kulambo.Pinascreen na namin ang bintana at ang pinto.

Pag may nakakalusot na lamok hinuhuli namin at pinaiinom ng lason. Ang langaw naman at nahuhuli sa fly paper.

Minsan may naging househelper akong matanda. Sanay pa rin siyang magkulambo kaya pinabayaan ko. pero husme naman nanigarilyo sa loob. Masunog pa kami.

alsa balutan siya.

pinaysaamerika



,,,

Sunday, February 10, 2008

Oras na

Dear insansapinas,

pinaysaamerika

Nakabili na ako ng alarm clock. radyo pa. naalala ko tuloy ang unang-unang binili ko rito sa States, alarm clock din na may radyo. Sira na yong radyo pero ayos pa yong relos. Iniwan ko na sa San Francisco.

Noon kasi ang pasok ko alas singko medya. Kaya nakaset ang relos sa alas kuwatro medya at alas diyes medya sa gabi. YOng sa gabi ay para mapaalalahanan ako na oras na para matulog. Kaya kung kinakausap mo ako at nag-alarm ang relos, asahan mo, maya-maya lang pikit na ang mata ko.

Sa katagalan, di ko na kailangan ang alarm clock, automatic na ang paggising ko.
Katulad din ngayon, nauuna pa ako sa alarm na kailangan ko nang uminom ng gamot.

Kaya umiinom na ako bago mag-alarm. Pag nag-alarm na sasabihan ko na lang ng *Heh, nakainom na ako. Pinagalitan pa ang alarm clock. toink toink.


Salawikain tagpi-tagpi for the day

Matalino man ang matsing, napaglalangan pa rin.

Matalino man ang matsing, unggoy pa rin.
*heh*


pinaysaamerika



,,,

Sunday, April 29, 2007

Ginataang Puso ng Saging-Pinay Goes to Market

Dear insansapinas,
Ngayon niyaya ako ng aking brother, pumunta sa Oriental store. Oriental as in pwede kang makabili ng mga producktong galing sa Asia, kasama ang Pilipinas.

Layo, insan. Nasa ikapitong bundok. Dami kong pinamili. May nakita akong puso ng saging. Tuwa ko. Makakaluto na naman ako ng ginataang puso ng saging. May nakita akong kangkong sa isang cart ng namimili, hinanap ko wala na. ANG KANGKONG, bow.

Niluto ko ang puso ng saging.

ginataang puso ng saging

Huwag ninyo akong dustain. Kahit hindi maganda ang retrato ng aking niluto (dahil tira na lang yan), masarap ang lasa.

Ito ang recipe.

Isang lata ng niyog ( o diva, insan noon pag tayo ay maggagata sa probins, aakyat pa sa puno ng niyog si unkel


tapos aalisan ng bunot ang niyog. Ang bunot ginagawang lampaso, pang isis at marami pa. Tapos bibiyakin ang bao. Sarap ng sabaw ng niyog. Ang bao ginagawang uling para sa pamamalantsa at pagluto.




Pero sandali, insan nalalayo tayo.

Pagkatapos biyakin, kinudkod ang niyog. Meron kami noong kudkuran. Ganito ang hitsura.

retrato ng kudkuran

Ang tawag namin diyan kabayo kasi pag hindi ginagamit ng matatanda, sinasakyan namin at para kaming si Lone Ranger o kaya si Zorro na nagkakabayo. Hiyaaaa.

Lumalayo na naman ako insan. Hilahin mo kasi ako. Hige tuloy tayo.

Ang iba pang ingrediente ng ginataang puso ng saging.

1 butil ng bawang
1 buong maliit na sibuyas
ilang pirasong karne ng baboy o kaya hipon.
1 piraso ng Knorr chicken bullion.
asin

2 kutsarang suka (pwede ring wala)

Alisin ang ilang saha ng puso ng saging. Kasama ang mga bulaklak nito. Ang bulaklak ay parang maliliit na saging na madalas pinaglalaruan naming kunwari saging-sagingan.
Ang saha naman ay ginagawa naming bangka o kaya tsinelas.



Naligaw na naman ako. Hige, balik.

Hiwain ang puso ng saging ng pahilis at malililit na hiwa. Mga 1 cm lang ang kapal.
Ilagay sa isang bowl na malaki, lagyan ng asin at kaunting mainit na tubog.

Tapos,pigain nang pigain para maalis ang katas. Imaginin ninyo na ang pinipiga ninyo ay ang mukha ng bruha sa buhay ninyo. Yon, yon.

Palambutin ang karne sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa kawali. Lutuin hanggang lummambot o kaya maubusan ng tubig. Pero insan huwag kang sisigaw ng tubig.

Itabi sa isang sulok ng kawali, patuyuin ang kawali at lagyan ng kaunting cooking oil. Igisa ang bawang, sibuyas at ang karne. Ilagay ang puso ng saging. Ibuhos ang niyog. Ilagay ang chicken bullion a gitna.

Pag kumukulo na, ilagay ang suka, timplahan ng asin. Hayaang kumulo ang gata hanggang
kaunti na lang ang matira.

Tapos.

pinaysaamerika



,,,
,,,

Friday, April 27, 2007

The People In the Neighborhood-Part 2

Karugtong ng:

The People in the Neighborhood, Part 1

Dear insansapinas,

Acshually, hindi sila mga kapitbahay. Sila lang yong mga taong namimeet ko sa labas, sa bus stop at sa mga hintayan kapag may appointment ako.

Kanina, paglabas ko sa building, may nakita akong isang lalaki na mukhang Latino na nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus stop habang ang isang mulatang pakiwari ko ay busa ng busa ay pabalik-balik na naglalakad sa harapan niya. Para bang may lover's quarrel. Walang talkies kasi malayo sila sa akin, tapos maingay pa ang mga nagdadaang sasakyan.

Lumipat ako ng kalye. Kaluwang na daan na nasa kalagitnaan pa lang ako ay nagbiblink na ang pulang ilaw. Para bang sinasabing Bilisan mo bruha. Tsee.

Matahimik na akong nakaupo sa bus stop sa kabilang kalye nang makita ko ang lalaking dumarating. Ngumiti siya sa akin at sinabing wrong bus stop. Aha, nabasa niya ang aking matang nagtatanong nang Why are you here? Kasi nasa kabilang bus stop sya nakaupo. Ibig sabihin, papunta siya sa South. Dito naman kasi hindi naman ibig sabihin, bagong salta pag hindi alam ang mga route ng bus. Yong iba sanay sa kotse kaya pag may pinuntahan sila na mahirap ang parking, commute sila, pero ligaw naman.

Filipina ka? tanong niya. Aba Filipino pala siya. Mukha kasi siyang Latino. Hindi rin daw siya sure na Pinay ako. Matangos daw kasi ang ilong ko. Sabi ko, maraming sipit ang ginamit ko diyan. hekhekhek

At taga Angeles City rin siya. Pero matagal na siyang wala doon. Katulad ko, high school pa ako nang umalis doon.

Tinanong ko kung nasaan na yong kaaway niya sa kabilang bus stop. Sabihin niya, hindi ko kilala ang buwakanang inang yon. Daldal ng daldal, wala namang kausap. Marumi raw ang upuan, marumi raw ang kalsada, blah blah blah. Malay ko ba roon. May nahulog yatang turnilyo sa utak.

Matagal sanang kuwentuhan kaya lang dumating na ang bus. Puno. Ngayon lang ako nakasakay ng bus dito na puno. Karaniwan naman kasi maaga akong sumasakay. Yong ang mga nagpapatulo ng pawis, kahit walang tumutulo dahil malamig ay hindi pa lumalabas sa kanilang mga opisinas. (plural ng opisina, di va).






Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Thursday, April 26, 2007

The People In the Neighborhood-Part 1

Dear insansapinas,

Hindi sila kapitbahay, insan. Mga tao lamang na nakakausap ko sa aking paglalakad.

Galing ako sa ospital noon at tahimik na naghihintay ng bus. Tinitingnan ko ang magandang puno ng cherries na may bulaklak pa rin.

May tumabing mama sa aking upuan. Disente siya, mukhang kagalang-galang. Pinaunahan niya na ako na may hearing impairment siya. Kaya nagbabasa lang siya ng labi. Kuwentuhan lang kami ng tumunog ang cell phone niya. Tayo siya para sagutin.

Isang babaeng Puti naman ang tumabi sa akin. Panay ang buntong hininga niya. Tapos nagsalita.

I am pregnant. Huh? Hindi ako tatay niyan, sa isip ko. hehehe. Kasi bakit naman sasabihin niya sa akin. Iba pa ang tuno. Para bang hindi siya masaya.

So ang number one pagkatsismosa ko ay umandar na naman.

Ako: Wow, isn't that good news.
Babae: Yeah, if you're married and the father is responsible to help you bring up the child.
Ako: (Thought balloon lang). Nake, isa na namang malungkot na istorya, Ate Charo.
Babae: And I am also looking for a job. I have been unemployed for three months now.
Ako: (Thought balloon ulit)Sabi ko na nga ba. Ilang tsapter na naman kaya ito.
Babae: I've worked in restaurants, sales stores and I just can't go back there anymore. Work is hard. You get only minimum and some tips. My boyfriend doesn't bring home any money. This is our second baby.
Ako: (thought balloon ulit). Eh bakit ka pa nagpabuntis ulit? Husko naman.
Babae: Sorry for the rant. I am just depressed.
Ako: It's okay.Magaling naman akong makinig. Dinudusta ko lang sila sa utak ko. Cruelme. Story of my life. *heh*

pinaysaamerika



,,,
,,,

Monday, April 09, 2007

Die, all of you - Pinay Goes Cleaning

Dear insansapinas,
O huwag kang matakot, insan, di ako naghuhuramentado. Araw kasi ng pagpapatay na naman ng mga peste sa bahay. Wala naman kaming mga ipis at daga pero requirement kasi ng county kaya, inalis ko na naman ang mga gamit sa mga kitchen cabinets. Tapos inispray nila ang kitchen drawers at cabinets,


ang ilalim ng lababo



ang kitchen stove



ang dishwasher
dishwasher
an pantry
pantry

pati na ang bathroom sink


at ang kitchen trash


Saan ko nilagay yong mga gamit sa kitchen. Ito ang iba sa dining table at tabi ng dining table.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related article:
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Saturday, April 07, 2007

Snow in Spring-Pinay Gasps Ha ? As in What's Up Dudes?

Dear insansapinas,
Bago natin ituloy ang Robert de Niro...blah blah entries ko insan, sandali lang at reretratuhin ko itong Snowww na dumating ng walang kakatok-katok.

Ito ang kuha mula sa aking bedroom ceiling to floor Window. OO insan, ceiling to floor and bintana ko kaya para akong aquarium dito.



Ito naman ang kuha mula sa patio. Hindi mismo sa patio dahil malamig. Sa loob lang ng
living room at nakasara ang glass doors.



Kaya pala bandang madaling araw ay nigiginaw ako. Nakaboxer's shirt lang kasi ako matulog. Hila ko kaagad ang tinupi ko ng comforter at pinatungan ko na ang aking paa ng sheepskin na security blanket ko rin. Hindi man lang nagpaabiso ang snooww na ito na babalik siya. Pero sandali lang naman na natunaw, bago pa man ako photo-photo na naman.

Kinahapunan, bumalik kami sa Wal-Mart ng aking kapatid para isauli ang Sponge Bob kong bag. Sira ang zipper. First time kung makabili sa Wal-Mart, inis pa ako. Buti na lang nakatago yong receipt. Ako ba naman. Magtatayo yata ako ng museum ng receipt.

No question asked naman. Tanggap kaagad nila. Punta kami sa Target. Uhmm, may nagustuhan akong bag. Pangsports naman. Mas mahal nga lang.

Sa hapunan, insan, pilit kong inuubos yong tahong na binili ko. Ayaw kumain ng aking brother kaya ilang araw din akong magpupurga nito. Dalawang kahon pa nga ang binili ko. Haaay. Ang pangit naman kasi. Hindi kagaya ng tahong sa atin, na manamis-namis.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related article:
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,