Advertisement

Thursday, July 22, 2010

Think Small, Think Sari-sari stores

Dear insansapinas,
 photo from internet
Bakit ba ang mga target ngayon ng BIR ay ang mga sari-sari stores, ang mga pedicab at mga market vendors.


Sari-sari stores, market vendors next to be taxed.


Alam ba nila kung magkano kinikita ng sari-sari stores, isang araw? Two thousand to Three thousand a day. OO Birhinya. Alam ko kasi ang kaibigan ko na ang asawa ay kareretire lang ay nagtayo ng sari-sari store. Yong ginastusan niyang landscaping ay sinira niya para maitayo ang  maliit na tindahan na yon. May  kinukunan siyang wholesale at yong iba sa grocery niya kinukuha. Pero ang thousand sales na yan ay GROSS. Hindi net, dahil ang kinikita nila ay mga 10 to 15 per cent lang ng gross so kung two thousand, yan ay mga 300 pesoses o 450 pag three thousand. Kulang pang minimum wage. HELLO. Tapos ang laki pa ng inventory nila. Ohoy.


Usually ang sari-sari stores ay single proprietorship so dapat ang tax na babayaran niya ay sa income tax at ito ay ang net na kinita niya sa sari-sari stores. Kung susuwelduhan niya ang sarili o sino mang nagbabantay, baka lugi pa. Pag inaudit ito, sayang lang ang oras ng auditor na pwedeng i-assign sa mga malalaking negosyo. Isa-isahin ang mga kiniclaim nilang deductions.




Sa market vendor naman, dapat ang mga execs na ito ay isama sa madaling araw na paggising ng mga nagtitinda sa palengke para lang bumili ng mga prutas at gulay sa mga malapit na probinsiya. 
Tapos pagbantayin din sila pag tanghali kung saan ang mga lantang gulay at prutas ay ipinagbibili na ng mura kaysa masira dahil wala naman silang storage kagaya ng mga malalaking fruit wholesalers. HELLO.


Alam ninyo bang kailangang marunong kayong maghiwa ng baboy at baka kung hindi malulugi kayo. Naobserbahan ba ninyo ang maninipis na hiwa pag kayo bumili lang ng tingi? Stratehiya yan para mas marami silang makuhang karne sa kanilang rasyon mula sa slaughterhouse o sa middlemen na maaring binawasan na rin ng ilang kilo ang karne.


Alam ninyo bang dapat magaling kayong bumulong para makuha ninyo ang isda sa presyo kung saan marami ang kikitain ninyo sa isang banyera?


Alam kaya ng mga tax execs na ito na habang naghihiwa ang nagtitinda ng karne ay maraming naghihintay na ang pagbigay ng recibo ay isang paraan para mabawasan ang kanilang kita. Recibo na hindi naman titingnan ng examiner pag nag-audit. Kakahigh blood. 


Makababa nga para bumaba rin ang blood pressure ko.


Dapat pagsabihan ang mga taong ito na ang undeground economy ang nakakatulong sa mga mahihirap para mabuhay kahit hindi sila nakaempleyo. Papatayin pa nila. Tseh.


Pinaysaamerika

2 comments:

Resty Odon said...

clap clap clap!

gahd this thought about big business vs small business is depressing. have you seen what SM did to Session Rd in Baguio? It turned Session Rd into a giant ukay ukay shop! All the little posh businesses transferred to the hilltop mall. I wish all that poshness trickled downhill no?

cathy said...

bow
what saves the poor from depending so much to government welfare is this so-called undeground economy.

in the us, marginalized people are supported by the government thru welfare, food stamps and other sustenance for FREE as long as you do not have income.

in the philippines, poor peple try to survive thru the small businesse which feed them for a day or two.

The capital of these market vendors are from 5/6 payable at the end of the day.

I read in the newspaper that they are being taxed because they earn more compared to employed people.

For other businesses which are just front for their illegitimate businesses, it may be true.

example a relative of a BIR or Customs will engage into small hardware store or convenience store just to show that there are other sources of income.

pero naman yong nagtitinda ng gulay at prutas, nagsasama-sama yan para magrenta ng jeep o maliit na truck para makapamili ng prutas sa probinsiya.

bakit hindi pa nila sabihin na takot silang guluhin ang mga big taxpayers dahil malaki ang tulong nila sa campaing.

No Resty, it would not trickle downhill. the employees are mostly casual and have no benefits.

if you observe in Divisoria, notice the ambulant vendors taking the sidewalk of some stores.

Why do these big stores do not complain? because theyare the financiers of these ambulant vendors. many of them are just selling on a commission basis.