Advertisement

Saturday, February 17, 2007

Lai Se

Dear InsansaPinas,

Kung Hei Fat Choi. OO insan, kahit doon sa San Francisco, dito Sa Washington DC,cinecelbrate ang Chinese New Year. Sa Chinatown sa San Francisco ang saya-saya. May parada ng mga dragon. Dito ang Chinatown, mas maliit at kaunti ang mga tindahan ng intsik. Ang Chinatown si Los Angeles, malaki rin. Sa bangketa marami kang mabibiling mga kakaning Intsik.

Ang titulo ko lai se.

Ang lai se ay red envelope na may lamang perang pinamimigay sa bata o kaya ay kung sinong gusto nilang bigyan.

Dalawang beses yata akong nakapagtrabaho sa kumpanya na may-ari ay Intsik at marami akong nakabarkada na Singkit ang mata.

In fact ang ikalawang OJT ko ay sa accounting firm na pag-aari ng isang Tsinoy. Alam mo naman sila, magagaling talaga sa numero. Wika nga ay ayaw kong maging isang maliit na isda sa malawak na karagatan kaya pinili ko ang opisinang yon kung saan ako ay malaking isda sa isang ilog. Hinasa niya ako hindi sa accounting kung hindi sa auditing na pinagkakatiwala niya sana sa mga lalaki mula nang madiscover ko at maireport ang katiwaliang nangyayari sa isang malaking kumpanyang kliyente namin. Sabi niya, you've got to have balls to face them in court para raw maparusahan.

Tumingin ako sa baba. Um umm ummm.

Doon ako unang nakatanggap ng pulang envelope na good luck daw sa pinagbibigyan.

Ang ikalawang kumpanya ay isa sa mga pag-aari ng isang tycoon na pinamamahala sa mga kamag-anak ng kaniyang malalapit na tao na kung tagurian ay ang mga dragon. Nguni't ang mga taong ito ay hindi mga dragon kung hindi mga alimango. Pag may nakitang may umaakyat, kanilang hinihila sa ibaba. May ipinadalang manager doon na nanggaling pa sa ibang bansa. Professional siya at organized. Marunong siyang mag-appreciate ng mga taong may tanging galing. Nang bagong taon na yon ay namigay siya ng envelope na pula.

Ang mga sumunod na buwan ay puno nang intriga. Kaniya-kaniyang sumbungan sa pinakamataas. Na outnumber ang bago naming manager. Naging malulungkutin siya. Ang dating optimismo niya ay nawala, hanggang magbakasyon siya at hindi na bumalik. Huling balita ko ay namatay siya sa sakit. Batang-bata. Apatnapu lamang.

Ang iyong pinsan,

signature of pinaysaamerika



,,,,

Thursday, February 15, 2007

Samson at Delilah

Dear insansa pinas,

Kumusta ka na diyan. Kami dito sa Washington, ay paminsan-minsan naiisnow.

Ang isusulat ko saiyo insan ay hindi nangyari dito sa US of Ey kung hindi sa Australia. Yong liar eheste lawyer pala na nagdamit ng sa babae habang nakikipagtaltalan sa korte.

Maraming mga ginagawa ang mga tao na hindi maunawaan ng marami.Kasama ako, doon. Kailangan yatang iuntog ko ang aking ulo para makatas ng kaunti at makuha ko ang sagot.

Kagaya nang pagsusuot ng damit ng babae kahit naman di siya binababae. Sa San Francisco ang mga gay ay hindi naman nagsusuot nang nakakaiskandalong mga damit babae maliban sa kanilang pagcecelebrate sa Castro, sila ay katulad lang ng mga karaniwang "straight" magdamit.

Ang iba ay parang panata o pangako. Katulad din naman ng pagpagtutubo ng bigote ng aking kaibigang lalaki mula nang siya ay bastedin ng nililigawan niya.

At ang pagpapahaba ng buhok ng aking barkadang lalaki sa takot na mamatay ang kaniyang ama. Paniniwala niya kasi tuwing magpapagupit siya ng buhok, nagkakaroon ng problema ang kaniyang ama na isang abogado na siyang kinaatake nito sa puso.


Kaya madalas siyang mapagkamalang babae pag nakatalikod. Blonde pa naman ang buhok niya dahil mestiso siyang Kastila.Minsan nga gusto kong itirintas ang buhok niya. Minsan natutulog siya, nilagyan ko ng ribbon sa ulo. Bad ko noh?

Ako naman ay parang si Samson noong bata pa. Naniniwala na ang talino ko ay nasa haba ng aking buhok. Kaya palagi itong nakatirintas. Huwag mong hahawakan at buntal ang abot mo kung lalaki ka at sampal at sabunot pag babae.

Kung akala ninyo ay naalis ko na ang ugaling huwag magpahawak sa buhok, nagkakamali kayo. Hindi na nga lang ako nambubuntal at nanabunot, dinedemanda ko na lang ng invasion of property ang magpilit humawak sa buhok ko. mweheheh.

Pero nagpapaputol na rin ako ng buhok. Hindi na kagaya noong hanggang baywang ang buhok ko. Ngayon hanggang balikat na lang. Masyadong magastos sa shampoo at conditioner.

Kaya may excuse ako na kung noon at may photographic memory ako, ngayon ay photocopy na lang. Meaning, kailangang kopyahin ko at iprint para matandaan ko.


pinaysaamerika
,Los Angeles,,pinoy,
,

Wednesday, February 14, 2007

Red Valentine

Dear insansapinas,
Happy Valentine. Ako, tahimik ang aking Valentine.Hindi kagaya noon sa San Francisco na may nagkakamaling maghagis ng tsokolate sa akin at kung medyo maparaan sa park kung saan may mga naliligaw na bulaklak, ribbon na lang ang kulang. Haaay.


White Valentine? Sa akin noon Red Valentine as in red blood.

Acshually, maliit pa ako noon. Grade three to be exact. Pero may mga crushes na rin tayo. Di va? Di va?

Nakared dress ako noon. Kahit may uniform kami. Kasi pinayagan kami ng aming teacher na magsuot ng civilian para sa presentation namin sa klase tungkol sa Valentine's Day.

Eh ang aking teacher, may ka Valentine din, kaya panay ang labas niya. Teeka, teka, saan pumasok ang "my red valentine"?

May kaklase akong lalaki na mukhang nerd. Nakasalamin siya at mahilig mageksperiment.Lahat ng goirls sa klase ay may crush sa kaniya. Galing kasi niyang tumula. Pero hindi ko siya pansin. Kasi may crush akong iba. hehehe. Payat siya at siya ang pinakamatalino sa klase. Sunod sa akin. Aray, bumagsak yong hawak kong bangko.

Pero suplado. Crush naman niya ang kaklase kong mestisa na ang pangalan ay may kabuntot na MAE.

Si Nerd ay panay ang pasikat sa akin. Mas mataas naman ako sa kaniya. *Heh*.

Sabi niya may bago siyang experiment. Oweno.

Lumabas ang aking titser. Umupo siya sa upuan sa may likod ko. Inilabas niya ang dry ice. Inilagay niya sa bote. Umuusok.

Tinakpan niya ang bote. BOOMMM.

Duguan ang mukha niya. Kagulo. Dumating ang titser namin. Nadala siya sa ospital.
Naglalakad ako nang tawagin ako ng aking crush. Akala ko babatiin ako ng Happy Valentine. Yon pala sasabihing duguan din ako sa kamay. Hindi lang makita dahil red ang damit ko. Ang iba, hihimatayin na. Ako hindi. Sana kung lumapit ang crush ko, maghihihimatay-matayan ako. Eh kaso dugo lang takot na. Bigla tuloy nawala yong crush ko sa kaniya. Tsee.

signature of pinaysaamerika


,,,,

Tuesday, February 13, 2007

Skeleton in my Closet Purse

Dear insansapinas,

Naku huwag kang mag-isip na meron nga akong kalansay sa aking closet. Kung may kalansay man ay siguradong kalansay ng mga naliligaw na mth na gustong kainin ang aking santambak na damit. Hindi nangyari ang istorya sa San Francisco o kaya'y sa Los Angeles. Diyan nangyari sa Pinas noong ako ay istudyent pa.

Talagang mga buto ng tao insan. Hindi ako nagbibiro. Mamatay man ulit ang mga kalansay.


Sa College kasi may subject akong human anatomy kung saan pinag-aaralan namin ang mga sulok-sulok ng katawan ng tao. Balak ko kasi noong una ay kumuha ng medisina. Nauwi ako sa pagkuha ng medisina sa medicine cabinet. ehek.

Boring na subject, day. Isa, yong professor, hindi nagsasalita. Ang mga lessons ay naka print-out o kaya ay nakasulat sa board. Tapos nakaupo lang siyang parang istatwa na may makapal na salamin habang kami namang mga istudyent ay pasilip-silip sa microscope. Sinusundot sundot namin ang mga parte ng puso. Kawawang puso kung lapirutin para lang makita ang mga maliliit na parte nito. May mga fetus sa bote, at higit sa lahat may tambak ng buto ng tao sa gitna ng klase. Mamili ka kung anong pag-aralan mo.

Madalas naglalaro kami---ng buto. Yeah, that's how bad we were. Walang pakundangan sa
buto ng patay. Yong panga ay ginagawa naming crown para sa ginagawa naming Reyna for the Day. Ang femur (buto sa paa) ang ginagawa naming setro).

Ang mga kaklase kong lalaki ay naglalagay ng mga buto sa bag ng mga babae kaya ako, tinatago ko ang bag ko sa klase.

Pero noong minsan nakalimutan ko yata. Kaya hayun, pagbayad ko sa dyip, umusli ang isang buto sa loob ng bag. Ang sama ng tingin sa akin ng aking katabi.

Pag-uwi ko ng bahay ay tulog muna ako para magising ng hatinggabi para tahimik mag-aral. Nagising ako ng ingay. Ang momsie ko, binuksan ang aking bag at nakita ang buto. Yakitiyak,yakitiyak.

Kaya mula noon, hindi na nila pinakialaman ang aking bag, baka susunod naman ay ahas ang makita nila. ehek

signature of pinaysaamerika


,,,,

Monday, February 12, 2007

Issng Platong Pag-ibig aka Platonic Love

Dear insansapinas,

Kumusta ka na. Dito sa Washington DC ay malamig pa rin. Pero malamig rin daw sa San Francisco. Parang nagyeyelo.

Napansin mo ba na may mga opisina kung saan ay may mga "mag-asawa". Hindi naman dahil sila ay nagtataksil pero naging malapit na sila sa isa't isa kaya ayun ang tawagan nila, honey, darling, sweet at dear.

Sa totoo lang, yon talagang may mga illicit affair hindi ganiyan ka-open. Yon bang parang hindi nagpapansinan pero huwag ka pag nakatalikod ka parang sawa kung maglingkisan.

Mayroon akong ganoong kaibigan. Pero hindi naman kami nagtatawagan ng darling. Kung hindi sinapok ko siya. Pero para kaming kambal tuko. May asawa siya at maraming chicks. Ako kapartner niya in crime. Hingahan niya ako ng sama ng loob, ng stress niya sa trabaho at ng problema niya sa asawa at mga goirls.

Eh bakit ba hindi niya ihinga sa kaniyang mga chicks? Kasi raw, pangkama lang sila. Sayang kung mag-uusap. Mababawasan ang nakaw na sandali. Yon palang lagay na yon ay ako ang kaniyang SHRINK.

Ako naman ay hindi nagcoconfide sa kaniya. Hindi kasi ako mahilig umiyak. Nasisira ang aking make-up.

Minsan, nakita niya akong may kausap sa opisina ko. Uuwi na raw kami. Ihahatid na ako. Masaya naman yong kausap ko kaya panay ang hagalpak ng tawa ko.

Pumasok siyang bigla at ibinagsak ang pinto. Kawawang pinto.

Medyo, natigatig ang aking kausap at magpapaalam na sana nang sinaway ko. Ayaw ko ang ginawa niya. May kabastusan.

Pumasok ulit ang aking kaibigan. Hindi ko pinansin. Hinarap ako at sinabing maglakad ako pauwi. Huh?

Paglabas ko wala na ang kotse niya. Oweno. Sinong tinakot niya. Nag-offer ng ride ang aking kausap na nagpapatulong sa akin sa kaniyang project.

Hindi niya ako kinibo. Di hindi ko rin kinibo. sinovasiya.

Isang Linggong nakaraan, pumasok siya sa opisina ko. Hinagis ang isang envelope.
"Ayan, may asawa, tatlong anak, nasa abroad ang asawa."

Tumaas ang isa kong kilay. Maganda pa naman ang pagkaguhit.

So? tanong ko. Tumaas na rin ang ikalawang kilay. Magkapantay na sila.

Binobola ka lang noon eh. sabi niya.

Hindi naman ako bilog. sabi ko. Saka hindi naman siya nanliligaw. Ako ang nanliligaw
.........binitin ko.


para makuha ko yong project.

Saka bigla akong humirit, nagseselos ka ba?

Hindi ah. Sabi niya, sabay talikod. hehehe



signature of pinaysaamerika


,,,,,,

Sunday, February 11, 2007

A strong woman wears the look of confidence on her face...

Dear insansapinas,

Talaga yatang mas komportable ako sa barkada ng mga lalaki kaysa babae kaya noong nagsusunog ako ng kilay para maging Manager By Accident,in short MBA, tatlong barkada ko nakapantalon, may suot na wedding ring yong dalawa at yong isa naman ay may syota. Kaya nakapantalon din ako palagi. Kung magsilakad kasi akala mo mga simaron, kaya kung nakapalda ako, tangay ng hangin sa bilis maglakad.

Hindi ko pa nakukuha ang aking SO(special order) ay inalok na ako ng Dean para magturo. Notorious ako noong ako ay istudyent, kaya palagi akong nasa Dean's office. hehehe. Nakilala tuloy niya ako.

Isa, nang ilang beses na hindi ako tawagin sa roll call ng isang professor sa Financial Management. Hindi raw niya ako nakita kasi maitim ako. Ang hinayupak, kaunting hilod lamang naman ang lamang niya sa akin sa Puti. Iniinis lang niya kasi ako dahil nagcomment ako sa Income Statement na exhibit sa case. Mali ang Cost of Goods Sold. Kaya ikatlong beses na hindi niya ako tinawag, nagmartsa ako sa office ng dean at nagsumbong. Bago ako pumunta doon, nagpulbos ako ng makapal. Beh. Napahagikhik ng tawa ang dean.

Minsan namin ay ininsulto kami ng professor namin sa Financial Management II. Higpit niya. Kindergarten analysis daw ang ginawa naming grupo. Siyempre, mga kasamahan ko ay mga lalaki at mga managers din naman, kaya nasaktan sila. Pero di sila makapiyok. Ako nagmartsa ako sa office ng dean at sinabi ko na paano kami maeencourage niyan mag-aral kung palagi niya kaming iniinsulto. Sabi ng dean, mataas na nga raw yon kasi ang iba, idiotic at stupid analysis and ibinibigay na comment. Siguro palagi nila akong napag-uusapan sa meeting nila kaya sa mga sumunod na araw ay paborito akong tawagin at pahirapan. hehehe.

That challenged me kaya, yon yata ang panahon na wala akong kilalang artista dahil ni hindi ako pumasok sa sine, wala akong alam na programa sa TV kasi hindi ako nanonood. Kaya kung nag-eenjoy ako sa mga reruns noon sa San Francisco at dito sa Washington DC , kasi sa akin hindi rerun yon kundi talagang tanga ako sa entertainment dahil isinubsob ko ang aking panahon sa pag-aaral nang mga panahon na iyon. Yon pag ginising mo ako ay irerecite ko saiyo ang SWOT, strenghts, Weaknesses, Opportunities and Threats, may kasama pang kumpas ng kamay para sa overhead projector. Wala pa noong power presentation mga kabarangay.

Kaya nang ako ay grumaduate, invitation ang aking tinanggap para magturo. Ahem, ahem. Ako lang ang babae at pinakabata. Kaya noong una, tagakuha ako ng kape ng mga co-faculty ko na dati kong mga professor.Ang mga matatanda. *heh*

At kukuyakoy ako na nakamaong habang nagtuturo. ehekk.

pinaysaamerika
,Los Angeles,,,pinoy,

Saturday, February 10, 2007

What I did for love

Dear insansapinas,

heart-cathcath2.blogspot.com

Love defies age, profession and race ikanga. Valentine na naman kaya ito ang love story para saiyo.

Pero ang titulo ng aking sanaysay ay para sa aking kakilala na umibig sa istudyent niya.

Bagong salta lang ako sa university nang makilala ko ang propesor na babaing ito. Maliit siya at wala sa mukha niya ang kaniyang edad. Tinuring ko siyang Idol kasi ang laki na ng experience niya sa academe. Full time siya samantalang ako, sa gabi lang nagtuturo. Kaya ang mga natapat sa akin ay mga working students na halos kaedad ko lang. Isama mo ako sa kanila, hindi mo alam kung sino ang istudyent at sino ang propesor.

Isa rito ay isang bata pang lalaking maykaya sa buhay ang pamilya. Palipat-lipat siya
ng kurso na tila hindi nagmamadaling makatapos dahil mayaman si Fafa, sosyalera si Mama.

Matalino naman siya. Siguro interesado lang siya ng Accounting kaya nakita ko siyang
nag-aaral talaga. Panay ang punta niya sa blackboard para magsolve ng assignment.

Hindi ko ugali ang makipagsosyalan sa mga istudyent ko maliban sa isang babae na may edad na at may-ari ng isang customs brokerage. Bored lang siya kasi ang kaniyang asawa ang pinagmamanage niya kaya nag-enroll siya sa subject ko.

Magkaibigan pala sila kaya paminsan-minsan ay nakakasama niya sa pagpunta sa faculty room. Minsan niyaya nila ako sa picnic. Kasama ng ibang istudyent. Sabi ko sasama ako pag may kasama pang isang propesor. Oke.Isinama namin ang aking Idol na may problema sa asawa niya at gusto kong maaliw.

Sa Batangas kami pumunta. Enjoy sila dahil ang ganda ng tubig at saka ang daming alimango galing sa palaisdaan ng aking mayamang istudyent.

Mula noon ang mga ngiti ng aking kaibigan propesor ay naging mula sa isang tainga at kabilang tainga.

Madalas niyang ipatawag ang aking istudyent na lalaki para magpacheck ng papel. Pinatransfer niya na kasi sa kaniyang klase. Oke lang sa akin.

Tapos biglang sabog ang iskandalo sa university. Isang propesor at istudyent daw ay may relasyon. Panay ang pahaging sa akin ng mga tsismosang propesor, lalaki at babae.
Hindi ako ah. Yong aking idol.

Tawag ko sa aking babeng istudyent na kaibigan ko. Aha. Yon pala ang nangyari. Minsan daw ay napunta sila ulit sa picnic. Hindi ako kasama. Sabi ni Idol, huwag akong isama. Oke.

Sa dilim ng gabi ay ginapang daw ng babaeng propesor ang istudyent. *heh*

Tapos nag-iiyak. Nang sumunod na mga araw ay hindi nagpapakita ang istudyent. Kahit sa akin. Hiyang-hiya siya.

Pinuntahan ng propesor ang istudyent sa bahay nila at hindi na siya umalis.

Iniwan siya o iniwan niya ang kaniyang asawa.

Ewan ko kasi mula noon ay hindi ko siya nakita pati ang istudyante na hiyang hiya raw sa akin.

Muli kaming nagkita ay hiwalay na siya sa kaniyang lover na istudyent. Marami na siyang wrinkles at magmumukha na talaga silang mag-ina.

May kasabihan ang pag-ibig daw ay bulag. Ang sabi ko naman, ang pag-ibig ay malabo lang ang paningin. Bigyan mo ng salamin at mawawala ang sinasabing lintek na pag-ibig na yan.


Ang iyong pinsan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,

Thursday, February 08, 2007

The Boy from Hell

Dear insansapinas,
Naalala mo yong kwento ko tungkol sa likot na bata sa Los Angeles?

Ito naman, bata sa pinas.

Kasi may kuwento na sa Russia ay inaabandona sa ospital. Dito sa San Francisco, puwede mong iwanan ang sanggol sa simbahan, sa harap ng ospital nang walang magtatanong saiyo, kung baga huwag lang papatayin baga.

Ang kaibigan ko diyan nagkaroon ng anak. Batang lalaki na nakuha niya sa ospital.

Professor ang aking kaibigan. Maputi siya dahil ang tatay niya ay purong Intsik. Kaya pag nakita mo ang kaniyang pinakikilala niyang anak, alam mong hindi niya anak yon.
Maputi siya, maitim ang bata. Singkit ang mata niya; dilat ang mata ng bata. Madaldal siya pero tahimik ang bata.

Ampon niya. Galing sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kaniyang kapatid na doktora. Una, inuuwi lang niya para ipasyal. Sabi niya mabait, dahil hindi kumikibo. Iniwan ito ng nanay niya pagkatapos ipanganak. Sabi nila kalapati raw na mababa ang lipad. Siguro di na makalipad. Mataas kasi ang ospital na yon. *heh, kulit eh*

Tapos, iniuwi niya na. Tatlong taon ang bata. Matalim ang mata niya. Hindi ko siya nakitang ngumiti. Hindi naman siya bungi. Marahil sa matagal niyang pamamalagi sa ospital na wala siyang naituring na pamilya, hindi siya natutong ngumiti. Sabi ng kaibigan ko, kailangan lang niya siguro ang isang pamilyang magmamahal. Anong pamilya kaya sa isip ko eh dalaga siya? Pero sa isip ko lang yon. Tamad kong sabihin.

Minsan ay may party sa bahay ng kaibigan ko. Hanggang sa labas ang mga bisita. Ako naupo sa dining table. Pagod na ako nang kababalik-balik para kumuha ng pagkain. Upuan ko nga. Naramdaman kong may nakatutok na itak sa likod ko. Meron ba namang manghoholdap sa loob ng bahay na maraming tao. Hindi na po. Magdidiyeta na po ako. *heh*

Unti-unti ang paglingon ko. Eeek, yong bata. Gusto akong gawing tapa. Ayaw niyang ibigay ang itak. Wasiwas pa siya.Bakit naman ako ay gusto niyang hiwa-hiwain? Wala naman akong atraso sa kaniya. Hindi ko naman siya pinandidilatan. Nagkataon sigurong ako lang ang nasa kusina at baka akala niya uubusin ko ang pagkain. BURP. O napanood niya sa mga kungfu movies?

Isinumbong ko sa kaibigan ko. Sabi ko, masama ang vibes ko sa batang yan. He's full of hate.

Ngumiti lang siya at sabi niya siguro with full of love, magbabago siya.

Napasyal ulit ako sa kanila. Malaki na rin ang bata. May asawa na ang aking kaibigan. Marami siyang kuwento sa kasalbahehan ng bata. Sabi niya, natural lang daw yon. Isa pa KSP yata. Kulang sa Pansin. Ang takot ko baka pag nagka-anak siya, magselos at kung ano ang gawin sa anak niya.

Nakaupo ako na nakatalikod sa bintana. Wala silang screen. Silat na silat na salamin ang sarahan ng bintana.

Naramdaman kong may tumutusok na naman sa aking likod. Hee. Ang bata, may hawak na mahabang stick at inaabot ako mula sa labas ng bintana. Buti na lang di pa ako nakapagkape at hindi pa ako hyper kung hindi nahabol ko siya at nabitbit ng patiwarik.

Panay hingi ng dispensa ang aking kaibigan.

Napunta ako sa abroad. Nagkita kami ng magbalikbayan, pero di ko nakita ang ampon niya.

Sa e-mail, sabi niya. Tama ang aking vibration. Dalawang beses na nga raw nilang pinarerehab. Mabubuti naman ang mag-asawa. Wala na silang naging anak kung hindi ang ampon na yon. Wala nang mairereklamo na kulang siya sa pagmamahal.

Ang tatlong taong pamamalagi kaya niya sa ospital ang naging dahilan ng kaniyang peronality o talagang may dugo siyang maitim.

Huwag ninyo akong tanungin dahil ang alam ko lang na maitim ay ang dinuguan.

Ang iyong pinsan,


signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,,, , ,,,

Wednesday, February 07, 2007

Bata, Bata, Bakit ka Ikinula?

Dear insansapinas,

Sa Russia pala ay nilalagyan ng tape ang mga batang iyakin sa ospital.

Kainis di va? Kung pwede mo lang sabunutan, kilitiin, kurutin at bigyan ng sidekick ang mga narses na gumagawa noon, sana ay ginawa natin. *nginig* *nginig*.

Pero may nakakilala akong bata pang nanay na mas masahol ang ginagawa sa kaniyang mga anak.

Bata pa ako noon. Nakitira kaming pansamantala sa isang malayong kamag-anak sa Quezon City. Sa "kalayuang kamag-anak," kailangan mo pang sumakay ng bangka at pagdating sa lupa ay magtatricycle pa. *heh kulit eh*

Mahilig kasi noong mag-ampon ang aking grandmommy kaya marami siyang mga anak. Sa kaniya ang mga ulilang kamag-anak, kapitbahay ay parang kuting na kailangang bigyan ng shelter. Naalala ko ang sinabi ng aking momsie na may panahon daw ang bahay nila ay napakaraming tao na ang isang baboy ay ubos sa isang Linggo lang. *burp*

So detour, detour, nawawala tayo sa topic.

Sa baba ng bahay na tinitirhan namin ay nakatira ang anak ng "malayong" kamag-anak. May asawa siyang batang bata pa na hikain. Si Daisy. Daisysyete.


May baby siya na siguro tatlong buwan pa lang. Kasi pag pinakakalong niya sa akin ay parang yong manika kong malaki.

Pag sila nag-away ng kaniyang asawa, nagliliparan ang mga gamit. Pag narinig mo ang kalabog ng pinto, ibig sabihin noon, umalis ang asawa. Susundan na ito na pagmumura ni Daisy at pag-iyak.

Noong minsang nag-away sila ay nakadungaw ako sa balkonahe sa itaas. Alam naman ninyo ususera na ako noong bata pa.

Pagkaalis niya ay nakita ko si Daisy. Dala ang batang nakabalot sa lampin. Pumunta siya sa may kulahan. Ang kulahan ay gawa sa chicken wire. Alas otso pa lang kaya wala pang masyadong araw. Maputi naman ang anak niya. Bakit niya ikukula?

Taranta ako. Wala pa namang matanda sa bahay. Ano ang gagawin ko?

Buti na lang nakita nang malayo naming kamag-anak. Akala raw niya lampin lang na nakabalumbon. Matanda na siya at malabo na ang mata. Baba ako. Kaway ko sa kaniya.
Kandahulog siya sa pagkuha sa baby.

Haah. Gusto kong sumunod sa kaniya doon sa ibaba ng bahay namin at tingnan ko kung anong gagawin niya kay Daisy.

Mga ilang araw naman, sweet na naman ang mag-asawa. Mga ilang Linggo na naman, nagliliparan na naman ang mga pinggan. Sana may laman, makikisalo ako.

Mga ilang buwan lang, buntis na naman si Daisy. Sa isip ko kailangang palakihan ang kulahan. Ngeeek.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,,, , ,,,
,, ,

Tuesday, February 06, 2007

Nutty Professor

Dear insansapinas,
Sa San Francisco, nakakapanood pa ako sa sinehan. Dito sa Washington, DVD na lang ako.

Pinanood ko angLittle Miss Sunshine kung saan si Frank (Steve Carell)ay isang Proust scholar at propesor sa isang university. Muntik na siyang mamatay dahil nagsuicide siya pagkatapos mawala sa kanya ang kanyang mahal sa isang ring propesor na lalaki. Lalaki rin ang mahal niyang yon.
little miss sunshine
Akala mo sa sine lang. Eskhyus me pero meron din akong kasamahang propesor na ganiyan. Isang babae at isang lalaki.

Yon munang lalaki. Tahimik siya. Hindi siya sociable. Wala siyang masyadong kaibigan. Pero dumadating siya pag may meeting.

Minsan hindi siya dumating. Nasa ospital daw. Naglaslas ng wrist. Buti na lang hindi bago ang blade, kung hindi nakikipagmeeting na sana siya kay San Pedro.

Siyempre, dalaw naman kami. Wala yata siyang mapghingahan ng loob kaya akong nag-iisang dumalaw ng oras na iyon ang napagsabihan niya.


Nahuli raw niya ang kaniyang batang-batang boy friend (lalaki siya ha) na may girl friend. Muntik nang tumalon ang Santo Kristo ko sa dibdib hindi dahil sa pagkabigla kung hindi sa hindi ako makapaniwalang ang taong may doctorate na katulad niya ay
magiging ganoon kadesperate dahil lang sa pag-ibig.

Ang boy friend pala ay pinag-aaral niya sa UST at nakatira sa kaniya nang mahigit ng limang taon. Sa awa ko medyo naiyak din ako at gusto ko sanang gamitin iyong bed sheet pangpunas pero baka magalit ang nars.

Nang lumabas siya ay lalo siyang naging tahimik. Hanggang isang araw ay nagkagulo sa isang classroom. Ang propesor ay nasa itaas ng lamesa at nagtatalumpati.

Iniabot ng senior professor namin ang kamay niya sa professor na iyon at sinabing sila ay may pupuntahan.

Maamo naman siyang sumunod. Nakita ko sa labas ang van ng Mental Hospital.

Minsan dumalaw kami sa kaniya ay si Rizal na siya, kausap si Bonifacio.


signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,
,, ,

Friday, February 02, 2007

One man's folly is another man's wife.

Dear insansapinas,


Bise Presidente si lalaki. Bising-bising mambabae. Eh kung ikaw ba naman ay may mga girl prens sa lahat ng sulok ng organisasyon na yon, anong tawag mo sa kanya? Ah hindi siya yong ng kinuwento kong bise-presidente sa isa kong blog entry. Mas matanda ito at mukhang hindi makapatay ng langaw sa hinhin. May pagka-old fashion pa Day. Ang pomada niya sa buhok ay mga trans fat. Yuck.

Si Babae naman ay isa ring Opisyal. Mas mababa lang isang baytang ng kaunti kay lalaki. Kakilala ko si Babae. Nakasama ko sa isang organisasyon. Napakahinhin din at old feshyon. That time, nagsisigarilyo pa ako at nakabarkada sa mga boyz.Ayaw ng mga babae sa akin. Mas maganda ako sa kanila. Araaaay, naman. Sinong nambato diyan?

Panay siya patutsada sa akin na easy girl daw ako. Easy girl nga ako dahil pag nalasing ako, nambugbog lang naman ako nang magkamaling tumapik sa aking balikat. HIC.

Habang panay taas baba ang kaniyang kilay pag nakita niya akong pumasok na may mga kasunod na boys, tuloy naman ang mga "raket" namin ng mga boys na ito.

Minsan ay nakita ko siyang maganda ang damit. Medyo yata namalikmata ako at nakita ko siyang nakangiti imbes na ismid. Oy, nawawala yong mga wrinkles niya. Baka gumamit siya ng Oil of Olay? Ang mek-ap niya mama ay isang kilo ng Max Factor. Nalagyan ng filling yong mga butas sa mukha niyang gawa ng taghiyawat.

Mukha na siyang Geisha sa puti ng mukha at pula ng labi. Nawala ang pagkamanang niya. Pati asawa niya ay nagmukhang tagadala niya ng sapatos.

Kung baga sabi ng alaskador kong barkadang lalaki. BlOWMING SIYA?

Tapos bigla siyang disappear sa organisasyon. Pati ang bise-presidente.

Oy naku ha. Hindi sila nag elope.

Nahuli sila. Ganito yon. Lunch break. Ganoon pala ang ginagawa palagi ni Babae. May dalang mga folders, may didiscussin daw kay Bise. Sarado ang office kasi confidential daw. Closed Door meeting.

Ang siste nito, yong sekretaryang nasa labas eh, lumabas sa reception Room. Biglang dating ang Kaitaastaasan na may karapatang bigla na lang sumulpot kung gusto niyang sumulpot.

Ahhhhh, si Babae nakaupo sa upuan ni Bise Presidente. Anong masama doon?

Eh nakaupo rin si Bise-Ppresidente. Alangan namang isipin ng Kaitaastaasan na kulang sila ng upuan kaya sila ay magkakalungan.

Naku mga kabarangay, laking iskandalo. Parehong may asawa ang dalawa. Ahek.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

Thursday, February 01, 2007

Burning is a sweet sorrow

Dear insansapinas,

Patay siya, bata siya. Si former minister ng Italy ay humingi ng tawad sa asawa sa pagkikiri niya sa publiko. Yan ay pagtutuksi-tukso lang eh pano naman kung talagang traidor, taksil at ang asawa at may kabit na ibinabahay. Kahit na ba siya ang ibinabahay.Katulad ng frwend kong ito.

Kapapatayo pa lang niya ng bahay sa Ayala Alabang. Bongadera siya. Kabarangay niya ang mga Zobel. Bago ka makapasok sa kanilang village, kulang na lang na ii-scan ang iyong retina at dumaan ka sa x-ray machine para makalampas ka sa security.

So invited niya ako. Wow, gara. Pero bakit wala ang haligi ng tahanan?

Sabi niya nasa Japan. NagJapayuki? Biro ko. Smile lang siya. Kasi alam niyang kulang ako ng tornilyo sa ulo. Minsan nga may dala siyang screw driver. *heh*

Isang gabi, malapit ng alas dose at hindi na ako tumatanggap ng bisita sa bahay kahit emergency dahil humahati ang katawan ko (hakhakhak) narinig ko ang screech ng kaniyang kotse.

Wala siyang make-up. Gusot ang kaniyang buhok. Siya yong tipong hindi mo mahuhuling walang lipstick at eyebrow. Pero noong gabing yon, para siyang sinabunutan ng isang dosenang kabaro ni Zaturnah.

Galing siya sa isang village. Sa bahay ng kabit ng asawa niya. Sinunog niya ang mga damit ng asawa niya sa harap ng bahay.

Sabi ko buti hindi ka pinapulis. O kaya pinahuli ka sa mga barangay tanod?

Papano sila gagawa niyan eh sikat ang babaing kabit niya. Gusto ba nilang maiskandalo?

Mahal pa rin niya asawa niya. Patawad, alis patawad, alis ang gawa sa kaniya.

Kaya pagkukuwento siya, naiisip ko kaya may martir sa mundo ay dahil may mga taksil na asawa. Ahoy.

Ang inyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,