Advertisement

Wednesday, July 14, 2010

The Conditions

Dear insansapinas,


Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 9.

Sa condition na paalisin ni Gabby yong mistress niya ay isang pagsubok ko kung talagang mahal niya si Angelina. Total naman walang ginagawa yong babae sa opisina. Si Angelina lahat ang gumagawa. Isa pa may-asawa siya kaya wala siyang karapatang makipag-agawan. Not unless siya ang piliin ni Gabby.Ibang usapan na yon. Diva ate sharon? toinkkk


At ang iba pang condition:


1. bibili siya ng bagong kotse at hindi yong kotse ni Angelina ang ginagamit sa mga work-related assignments. May pera naman siya kaya lang kulang na lang ang kaniyang dolyar ay tatatakan ng pangalan niya, ilagay sa plastic at lagyan ng kadena. Sobrang kuripot. 


Yong kotse niya ay model pa nang umahon si Mc Arthur sa Leyte at kapag nagkamali ka ng bukas, natusok ang kamay mo ng parte ng kotse, magpa-injection ka na ng anti-tetanus. hmph


Madalas pa ititirik ka sa freeway. Habang naghihintay ka nang magtatow at masasakyan, pinagtatawanan ng mga ibon doon na nakapangunyapit sa mga poste ng kuryente. 



2. maghahanap siya ng sarili niyang tirahan at di siya nakasiksik doon sa kapatid niyang may-asawa na maraming anak. Hanubayan.


Okay na ang pagkarelihiyoso niya na pagnagdasal siya ng Grace pag may handaan sa opisina, mas mahaba pa ang dasal kaysa sa pagkain kasi pinasasalamatan niya ang kanunuan niya.


Hindi rin siya ang taong mapanglamang. So kung ang mga condition ko ay gagawin niya, pwede na siyang pumasa. 

Isang araw may sumundo sa akin. Bagong SUV. whoa, si Gabby at Angelina. Kakain daw kami sa labas. 

Naghahanap na rin daw ng apartment si Gabby. Sabi ko good. 


Hindi ko matanong yong kaniyang girl friend.


Nahihiya ako. Bago kami pumunta sa resto, dumaan kami sa opsina. Nandodoon pa ang babae. Bigla akong about face at uuwi na sana pero naalala ko wala nga pala akong sasakyan at sayang din yong dinner.
Mabibilaukan siya sa itatanong ko. Tseh. 


Pinaysaamerika

No comments: