Hilo ba kayo? Ako hilo dahil sinipsipan na naman ako ng dugo ng mga bampiro sa ospital kaninang tanghali.
Hindi kayo hilo dahil hindi naman magkasama si Nora Aunor sa Sound of Music Reunion. Kaya lang ko siya nabanggit ay dahil katulad ni Julie Andrews, siya ay nawalan na rin ng boses na siyang nagpasikat sa kanila sa pinilakang tabing. Whoa, Tagalog na Tagalog yan. Ang kaibahan lang nila ay secured na si Julie Andrews sa edad niyang 75. Si Nora Aunor ay nagistruggle pa rin sa edad niyang malapit ng maging senior citizen. Mas magaling umarte si Nora kay Julie Andrews. oops, halata bang maka Nora? Pero si Julie, Best Actress din.
Sound of Music Reunion
Bukas o Hwebes ay may reunion ang original cast ng Sound of Music sa programa ni Oprah Winfrey.
Ito sila noon:
![]() | |
Nicholas Hammond (Friedrich), Angela Cartwright (Brigitta), Julie Andrews(Maria), Christopher Plummer (Capt.von Trapp), Charmian Carr (Liesl), Heather Menzie (Louisa), wala sa pic (Duane Dudley Chase (Kurt) , Debbie Turner ( Marta), and kym Karath (Gretl) |
Ito sila ngayon. Imagine 45 years na pala. Paulit-ulit kong pinanood. Ang gusto ko ay yong farewell, ehm ehm at yong pinakita ng pinakabunso ang kaniyang kamay na may plaster kay Julie Andrews.
The Children (From left to right top row)
1. Charmian Carr- siya si Liesl, yong pinakamatanda sa Von Trapp. Siya yong nakikipagdate sa gazebo sa isang Nazi. Kumakanta ng Sixteen going on Seventee. la la la.Pinanganak siya ng 1942, nagkaasawa na siya at nagkaanak at lumabas din siya sa TV. Sumulat siya ng libro entitled Forever Liesl. Anak din siya ng isang actress.
2. Nicholas Hammond-Siya ang gumanap na Ipinanganak siya noong 1950. Nanay niya ay actress. May-asawa na siya at anak. Nakapartner niya si Hilda Koronel sa isang pelikulang ginawa sa Japan, ang Cherry Blossoms.
photocredit: Video 48
Lumabas din siya sa TV series ng Spiderman bilang si Peter Parker.Nakatira siya ngayon sa Sydney, Australia as screenwriter, director and producer.
Julie Andrews, Charmian Carr, Nicholas Hammond,Angela Cartwright, Heather Menzies, Duane Chase, Debbie Turner, Kym Karath
3. Heather Menzies- Siya ay si Louisa Von Trapp. Siya ay ipinanganak noong 1949 at naging model sa Playboy. Napangasawa niya ang yumaong si Robert Urich na isang sikat na actor.