Advertisement

Saturday, July 10, 2010

Midlife Crisis

Dear insansapinas,
Pasensiya ka na kung mataray ako ngayon pero kasi hindi na nga masyadong mainit pero umuulan naman. Matutunaw pa rin ako sa ulan. Sala sa lamig, sala sa init. Ganiyan ang nagmimidlife crisis. Yong iba naman, nagpaparetrato palagi, yong iba nagbibilang ng mga wrinkles nila at ang iba ay bahala sila.

Kaya ito pasensiya ka kung ako ay magreklamo ng mga walang kakuwenta-kuwentang bagay.

1. Oweno kung ninerbiyos sa kissing scene si Pokwang. Hindi na naman siya dalaga nang pumasok sa showbiz. Arggh.

2. Oweno kung niregaluhan ni Regine ng mamahaling kotse si Ogie. Ganoon lang daw sila. Bakit kailangan pang ipnagalandakan nila. Ang daming naghihirap. TSEH.


3. Oweno kung maganda ang kitchen ng Malacanan  nang umalis si GMA. Lahat naman ng Presidente, pinarerenovate ang Malacanan o kanilang tinitirhan. Si Erap noon pinarenovate din ang kitchen. Mahilig kasi siyang magentertain sa kaniyang midnight cabinet.

Ngayon naman nirerenovate ang titirhan ni Noynoy dahil one bedroom lang. Pati ang Coconut Palace ay pinapaayos. Ito raw yata ang magiging official residence ng VP na ala namang provision sa Constitution at kailangan paraanin sa Congress.




4. Oweno kung ang mga appointees ngayon ay kamag-anak (Airport), Kaklase, Kaibigan, Kabarangay, Kalaban, Kakampi. Weather, weather lang yan.

5/  Oweno kung ang drama naman ni KC ay ang bonding niya kay Francis Pangilinan na gustong maging speaker ng Senate. Noong drama niya kay Gabby Concepcion para ipromote ang kanilang pelikula, hindi naman kumita ang pelikula.
Makahanap nga ng ice cream.

Pinaysaamerika

No comments: