Advertisement
Tuesday, July 27, 2010
I Have Mellowed
Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
Mabait ako ngayon, insan. Pwede akong sabitan ng medalyang Good Behavior. Sa kabaitan ko ang balak kong bilhing ice cream ay di ko nabili.
Dati-rati, didiretso ako sa manager para magreklamo kapag ako ay naharassed. Minsan noon nagreklamo ako sa Better Business Bureau noong hindi ako pinansin ng store manager sa reklamo ko.
Lumabas ako ngayon at pumunta sa store. Oo Birhinya. Hinarassed ako ng isang Itim na cashier sa grocery. Ganito yon.
Ang saya-saya ko pa. Aside from the groceries, bumili ako ng bulaklak. Lanta na yong huli kong nabili. Yan lang naman ang bisyo ko, Ate Charo. Hindi naman ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak at hindi ako nanonood ng sine. Hinihintay ko sa DVD.
Sabi ko doon sa cashier, gagamitin ko ang aking debit card pero hindi sa bulaklak. Babayaran ko ng cash. Marami kasing nakakalat na barya sa aking bulsa. Ayaw namang tanggapin ng PAGCOR para pang-abuno. Hindi raw ako si Matutina.
Daldal kasi ng daldal, nagkamali siya ng press doon sa computerized cash register nila. Sinisingil niya ako ng cash na dapat nacharge sa aking debit card. Hindi ko naintindihan bakit ganoon dahil hindi pa niya ibinibigay yong aking receipt.
Pinaiislide niya ulit ang card ko. Sabi ko esplain mo muna. Hinila niya yong card ko at inislide at pinapapasok niya sa akin ang aking PIN. Hindi ako nashock sa SONA pero nashock ako sa ginawa ng cashier.
Ang pagkakahablot niya ng card ko ay nakita ng isa sa mga supervisor doon na kilala ko. Pagkatalikod ko ay binanatan siya. Malayo ako kaya hindi ko marinig ang kanilang usapan. Pero alam ko nirereprimand siya sa ginawa.
Nakita ko ang store manager. Kung noon yon, gagawa na ako ng written complaint sa panghaharass sa akin.
Pero nakita ko na kinausap siya ng super at mamamaya lang ay nakita kong kinuha niya ang gamit niya. Alam kong hindi naman siya inalis. Lumapit ako sa super para bumili ng lotto.Hindi para magreklamo. Akala noong cashier siguro magrereklamo ako. Bumalik siya. Nginitian ko siya at nag-excuse ako ng tinabig niya ako. Umatras siya at tuluyan ng umalis. Buti hindi kumidlat at kumulog. Ang bait ko.
Napag-isip-isip ko na kung rereklamo ako baka mawalan ng trabaho ang babaeng yon. Naisip ko ang pamilya. Ang kapatid niya ay nakita kong nakaistambay sa labas ng store. Payat na payat.
Di bale nang masaktan ang ego ko. Pero alam ko next time, magdadalawang -isip siya bago niya gawin ulit yon. At marahil pag inulit niya wala na ang aking halo. Mayroon na naman akong pangil at sungay.
Ang super ay naging kaibigan ko mula nang binibigyan ko siya ng balato kahit 2 dollars lang ang napapanalo ko sa lotto. Minsan kasing bumaba ang blood sugar ko ay siya ang tumawag sa kapatid ko sa telepono. Alam ko may pinaaral siya. Maliit lang isang dolyar pero alam niya pag nanalo akong malaki, babalatuhan ko siya.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment