Advertisement

Monday, July 26, 2010

The Beginning

Dear insansapinas,
 

Kung Kailangan Mo Ako Part 8


Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa


Tahimik na sumunod si Nova kay Tommy sa kotse ng huli. Kinakabahan siya. At last, makakasama niya si Tommy. Eh ano kung nagkaroon ng kaugnayan siya kay Del. Wala na si Del. Marahil siya na ang mapapansin. Muntik namg  sampalin ng kaliwang kamay niya ang kaniyang pisngi. Buti nahawakan ng kaniyang kanang kamay. Naloloka na siya pakiwari niya,


Bago pinatakbo ni Tommy ang pinto, may isang babae ang nagbukas ng pinto sa likod ng kotse. Sumakay itong bigla. Wala man lang sigaw na para, sasakay ako. Parang ginawang taxi ang kotse.


Tommy: Sandali, saan ka nanggaling. Tanong nito sa babae na marahil ay walang beinte anyos.


Hinintay daw niya si Tommy dahil kakausapin niya.

Magkakilala pala sila. 

Nova: Kung may pag-uusapan kayo, bababa na lang ako. 


Tommy: Hindi, ihahatid kita. Pangako ko kay Manny.

Nova: Huwag mo nang pansinin ang pangakong yon.

Tommy: Please, ihahatid lang natin siya sa bahay. Samahan mo na lang ako.


Sa isip ni Nova, ginawa pa siyang bodyguard. Di siya makatanggi. Walang usapan sa kanilang paglalakbay. Para silang piping tatlo. Kulang na lang na lagyan na PIPI PO KAMI  signs at tumingkayad sa Quiapo para magpalimos.


Nakarating sila sa bahay ng babae. Inihatid ni Tommy hanggang pintuan ang babae at parang silent movie na nagsabing mag-usap sila bukas sa telepono. 


Bumalik si Tommy sa kotse. Hiyang-hiya siya pero napilitan siyang magpaliwanag.


Isa raw sa mga empleyada sa opisina niya. Naka one-night stand niya at ngayon ay sinasabing buntis siya. At si Tommy ang ama.


Pakiramdam ni Nova, biglang naging Dear Abby siya o Charo Santos.


Pinakikisamahan daw niya pero iniimbestigahan niya kung siya nga ang ama. Wala pa namang DNA noon. Paano kaya niya malalaman?


Para mahaba-haba ang usapan nila ay niyaya siya ni Tommy na kumain sa labas.


Marami silang napagkuwentuhan at narealize ni Tommy na masayang kausap si Nova. Hindi kagaya ni Del na seryoso at dry.


Bago sila naghiwalay, nagpaalam si Tommy kung pwedeng magkita sila ulit, kinabukasan. Kinilg si Nova pero hindi niya pinahalata.


Pagdating niya sa bahay ay sinabi ng kaniyang pamangkin na tumawag si Manny ng maraming beses.


Tumaas ang kilay niya. Kumunot. Bumaba ulit.


Natulog siyang masaya. Hindi niya alam na simula na ito ng mga sama ng loob.


Pinaysaamerika

No comments: