Advertisement

Wednesday, July 07, 2010

The Confession

Dear insansapinas,

Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 3

Dumating si Angelina sa bahay. Inimbita ko siya. Talagang dapat siyang pumunta dahil pupunta kami sa bridal shower noong isa naming kaibigan. At last napa oo na niya ang boy friend nyang sumagot ng oo sa kasal.

Kailangan naming magluto ng pansit para sa potluck.


Balak ko habang nagluluto si Dina ay kakausapin ko siya at tatanungin tungkol kay Brad. Sama ng aking intensiyon. Patawarin.


Habang ginugupit ko ang bihon at siya naman ay naghihiwa ng sibuyas at nagpipitpit ng bawang sinimulan ko ng pasakalye. 


"So kailan naman ang kami hihigop ng mainit na sabaw para saiyo ni Brad". (diretsahan).


Natawa siya. Pero hindi ako pinatulan. Umiwas, pumunta sa may stove kung saan nililuto ang karneng pangsahog. Mautak rin.


Mapapahiya ako nito. Hindi ako makakuha ng impormasyon. Panay ang gupit ko ng bihon. Napabilis ang gupit ko sa bihon. Kung tao ang ginugupitan ko, panot na.



Bumalik siya para kunin ang bihon na nagupit na at nakababad sa tubig. 


"Hoy, ayaw mo ba talagang magpahigop ng sabaw? Pwede naman ang instant noodle. May sabaw din yon." biro ko.

Cornyko.



 Sumagot siya. Hindi raw niya boy friend si Brad. Turing lang raw niya kapatid. 

Sandali para yatang may dumaan sa tainga ko na lumusot sa kabila. 
"Sure ka ba na yan din ang pakiramdam niya? "


"Kuya Brad naman ang tawag ko eh. Di kuha na niya yon." simangot niya.
"Eh kasi naman, payakap-yakap ka sa kaniya, paholding-holding hands di siyempre, mag-iisip yon ng iba."


"Wala kasi akong big brother o little brother kaya missed ko magkaroon ng isa. Matanda siya sa akin ng mahigit limang taon naman."paliwanag niya. Kawawang Brad. Ang puso parang yong sibuyas na hiniwa-hiwa kanina   pag nalaman ito.


"Hoy naku huwag kang magsasalita ng ganiyan, sabi ni Dina. Mamaya mapangasawa mo lolo mo na. Tingnan mo ako."
Tawanan kami. Mahilig ka kasing kumanta sa harap ng lutuan". sabi ko naman.


Luto na ang pansit at tinitikman namin habang pinapalo ang aming mga kamay ni Dina dahil mauubos daw nang sabihin sa akin ni Angelina na may boyfriend siya at darating na sa susunod na buwan. Inayos daw niya ang papel.


Ako naman ang natulala. Kawawang Brad. Hindi lang parang sibuyas, pati bawang na pinitpit na ginisa kanina.


Kahit na anong saya namin sa bridal shower dahil sa mga parlor games, malungkot ako. Pagdating ko sa bahay. Kinuha ko ang telepono.


Sana marami siyang tissue paper sa tabi niya. Palagay ko may martir na naman na babarilin sa Luneta.


Hilew. 


Pinaysaamerika

No comments: