Advertisement

Wednesday, October 27, 2010

Nora Aunor, Julie Andrews and the Sound of Music Reunion

Dear insansapinas,
Hilo ba kayo? Ako hilo dahil sinipsipan na naman ako ng dugo ng mga bampiro sa ospital kaninang tanghali.


Hindi kayo hilo dahil hindi naman magkasama si Nora Aunor sa Sound of Music Reunion. Kaya lang ko siya nabanggit ay dahil katulad ni Julie Andrews, siya ay nawalan na rin ng boses na siyang nagpasikat sa kanila sa pinilakang tabing. Whoa, Tagalog na Tagalog yan. Ang kaibahan lang nila ay secured na si Julie Andrews sa edad niyang 75. Si Nora Aunor ay nagistruggle pa rin sa edad niyang malapit ng maging senior citizen. Mas magaling umarte si Nora kay Julie Andrews. oops, halata bang maka Nora? Pero si Julie, Best Actress din.


Sound of Music Reunion
Bukas o Hwebes ay may reunion ang original cast ng Sound of Music sa programa ni Oprah Winfrey.

Ito sila noon:

Nicholas Hammond (Friedrich), Angela Cartwright (Brigitta), Julie Andrews(Maria), Christopher Plummer (Capt.von Trapp), Charmian Carr (Liesl), Heather Menzie (Louisa), wala sa pic (Duane Dudley Chase (Kurt) , Debbie Turner ( Marta), and  kym Karath (Gretl)

Ito sila ngayon. Imagine 45 years na pala. Paulit-ulit kong pinanood. Ang gusto ko ay yong farewell, ehm ehm at yong pinakita ng pinakabunso ang kaniyang kamay na may plaster kay Julie Andrews.




The Children (From left to right top  row)

1. Charmian Carr- siya si Liesl, yong pinakamatanda sa Von Trapp. Siya yong nakikipagdate sa gazebo sa isang Nazi. Kumakanta ng Sixteen going on Seventee. la la la.Pinanganak siya ng 1942, nagkaasawa na siya  at nagkaanak at lumabas din siya sa TV. Sumulat siya ng libro entitled Forever Liesl. Anak din siya ng isang actress.

 
2. Nicholas Hammond-Siya ang gumanap na  Ipinanganak siya noong 1950. Nanay niya ay actress. May-asawa na siya at anak. Nakapartner niya si Hilda Koronel sa isang pelikulang ginawa sa Japan, ang Cherry Blossoms.


 photocredit: Video 48
Lumabas din siya sa TV series ng Spiderman bilang si Peter Parker.Nakatira siya ngayon sa Sydney, Australia as screenwriter, director and producer.


Julie Andrews, Charmian Carr, Nicholas Hammond,Angela Cartwright, Heather Menzies, Duane Chase, Debbie Turner, Kym Karath
3. Heather Menzies- Siya ay si Louisa  Von Trapp. Siya ay ipinanganak noong 1949 at naging model sa Playboy. Napangasawa niya ang yumaong si Robert Urich na isang sikat na actor.





4. Duane Dudley Chase- Siya ay si Kurt Von Trapp. Siya ay huminto ng pag-arte at naging geologist. Siya ngayon ay computer designer/analyst. Kagaya ng Tatay niya sa Sound of Music, ang napangasawa niya ay ang kanilang nanny.

From left to right, front row sa group pricture sa itaas.
 5. Angela Cartwright

Siya si Brigitta. Lumabas din siya sa Lost in Space at iba pang TV series at pelikula.


 6. Debbie Turner


Siya ang gumanap na Marta sa Sound of Music. Naging champion siyang skier. Nskatira siya ngayon sa Minessota. May apat siyang anak.

 7.Kym Karath


Siya ang pinakabunso sa Von Trapp Family. Siya si Gretl. Lumabas din siya sa Lost in Space, Brady Bunch at All MY Children.

Ang Karibal ni Maria - Ang Baroness. Pero walang sabunutan.


Si Eleamor Parker. Hindi ko alam na buhay pa pala siya.


Active siya hanggang 1991. Apat na beses siyang nagpakasal at mayroong siyang star sa Hollywood  Walk of Fame.


Julie Andrews


Kailangan pa bang iintroduce si Julie Andrews. Nawalan siya mg boses noongh 1997. Kshit ang mga bata ay kilala pa siya sa movie niyang Princess Diaries. 1 and 2 at sa pelikulang Shrek.


Asawa niya si Blake Eadwards and creator at director ng Pink Panther. 

Pinaysaamerika

3 comments:

athan said...

Hi. May I ask what you mean by struggle? in what sense? Struggling for her place in Philippine history? Please review your statistics. Struggling for money? Haha who isn't? Struggling and Nora Aunor are not matching. Legendary, iconic, artist. These words match Nora Aunor. Kindly review your statistics OK?

cathy said...

huwag mo akong awayin. pareho tayong fan ni Nora Aunor. She is the only Superstar. Walang makakagawa nang ginawa niya, switching from singing to acting first class.

she is already an icon in the movie industry.

kung sinabi kong struggling, ang ibig sabihin niyan ay dapat sa edad niya, sa dami niyang kinita at sa popularidad niya noon, dapat ay stabilisado na siya financially.

nakita ko kung paano siya nagtiyaga sa Bay Area kung saan kapwa Filipino ang tunutulong sa kaniya.

Anong statistics ang rereviewhin ko. May math ba? Ang alam ko nagpabaya siya sa sarili niya; siya ay pinagsamantalahan ng maraming taong nakinabang sa kaniyang mga kinita at nahulihan siya ng pinagbabawal na gamot.

Cielo said...

Hi Cathy!
Hahaha! Struggling and Nora Aunor daw doesn't match?!! Struggling for money?.. And who isn't??? Parang lahat ng tao tulad ni Nora! Ay sows.. taga-saan ba ireng taong ire? Walang alam sa nangyayari sa buhay ng idol nya? Hoy! Gising!! Hahaha!