Advertisement
Monday, July 05, 2010
The Decision
Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 12
Isang araw ding akong walang narinig kay Dina. Nang umagang yon, habang umiinom ako ng kape at ang isa kong hintuturo ay nakatutok sa aking kanang noo, napag-isip-isip ko kung tamang pinakikialaman ko sila. Oweno, kung iwanan siya ng lalaki. Oweno kung mapauwi ang lalaki. Oweno kung lumaki ang bata na walang tatay.
Sabi ni Dina, nakaguhit daw sa tadhana na sila ang magsasama. Magkapareho sila ng iskuwela mula elementarya at high school, pero di siya pansin ni lalaki kasi maraming magagandang babae, umaali-aligid sa mga barkada nito. Kung baga sa pelikula, sila yong mga barkada na walang ginawa kung hindi ang magbantay sa may gate at magpapogi.
In fact, noon daw ay pinagtatawanan siya ng mga barkada nito dahil halatang may gusto talaga siya. Yon bang panay daan sa harapan nila at panay ang bigay ng pagkain. Kaya pinagpustahan siya. Hindi matatapos ang isang minuto, sasagot ng oo pag niligawan. Isang segundo nga lang, bagsak kaagad.
Pagkapanalo ng lalaki, isang date lang na siya pa ng gumastos ay iniwanan na siya. Naiyak daw siya noon. Nagluksa, nag-itim, nagsindi ng kandila. Muli silang nagkita nang lumipat na sila sa Maynila at kauuwi lang niya sa Saudi. Hindi nagtapos ng high school ang lalaki. Bum, barkada dito, barkada doon.
Nagsama sila. Nang wala na naman siyang pera, iniwanan siya at naghanap na naman ng isang balikbayan din na DH. Nang maubos ang pera, iba na naman daw ang niligawan. Matindi rin ang bisyo. DH killer.
Nang makarating siya sa States, sinulatan niya at sumagot naman. Kaya kahit may-asawa na siya, tuloy pa rin ang padala niya ng pera. Yon na nga, pinadadalhan niya ng pera hanggang ang pinakahuli ay ginamit pala sa kasal-kasalan sa isang babae na binuntis niya. Sa galit ng asawa niyang puti, diniborsiyo siya at isinumpa siya na pag pinakasalan niya ang lalaking yon ay maghihirap siya.
Nang bumalik si Dina sa Pinas, nagkita ulit sila. At yon, nagkabalikan. Gusto kong iuntog ang ulo ko. Bakit ganon? Bakit may mga taong masokista. Yong gusto nilang sila ay nagsasuffer. Yong may martyr complex. Yong iiyak, magpapatugtog ng mga nakakaiyak na kanta at titingin sa malayo.( Aray, sinong tumapak ng kalyo ko).
Sabado noon at wala akong pasok kaya hindi pa ako tapos nang almusal nang may magdoor bell. Hmmm ang agang pampabigat na naman ng aking shoulder. Hindi na naman uso ang padding. Hindi lang palagi itong basa, laylay na sa daming kaiiyak. Sus.
Kung ako siguro naging psychiatrist, marahil naka BMW na ako sa charges ko as professional fee.
Si Dina ang dumating. Kasama ang asawa pero hindi umakyat. Kunot na naman ang kilay ko. Parang gusto kong uminom ng isang toneladang kape.
Sabi ni Dina,sinabi na raw niya sa asawa niya yong plano niyang isumbong siya sa authorities pag siya iniwan. Pag siya iniwan? Ibig pa lang sabihin noon, hindi niya hihiwalayan. Hoke. Bahala siya sa decision niya. Pero huwag na siyang hihingi ng tulong sa akin pagdating sa bagay na iyon. Hmppp
At sinugod pala niya ang babae. Parang yon ang namiss ko. Yon bang napadaan- lang- ako- dito- para- sabihin-saiyo-na-anong-klaseng-ina-mayroon-ka-at-nang-aagaw-ka-ng-asawa-ng-may-asawa. (Parang pamilyar. Saan ko ba nabasa ito?) (sipol).
Hanggang ngayon nagsasama pa rin sila ni Dina, hindi dahil mahal niya si Dina. Madalas wala siyang trabaho dahil pag siya tinamad, kung anong kabulastugan ang ginagawa niya para siya maalis.
Nang inalok siya ng kaibigan niyang bumili ng bahay nang kasagsagan ng subprime scam- no down payment sa mga first time home buyers, nakipagpartner ito sa kaibigan pero hindi niya isinama ang pangalan ni Dina sa titulo ng bahay. Nang magkahirapan na ng pagbayad, hila yong bahay na binili nila. BUTI NGA.
Ngayon di makareklamo si Dina sa akin. Pero may nakakalusot pa rin kagaya ng pagpapadala ng asawa niya ng sustento sa anak niya sa Pinas na galing sa pera ni Dina. Sabi ko nga sainyo, kung may santa ng mga tangang pag-ibig siya na yoon. Pero kaibigan ko siya at kahit na anong iwas kung di magsalita ay nakakapagsalita pa rin ako. Kahit tawaging akong Bruja ng asawa niya.
The End
Subaybayan ang susunod na istorya ng pag-ibig. Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba.
Ginawa ninyo akong pocket book. mwehehehe
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
bwahahaha at ala sharon cunete pala ang susunod na kabanata.
aktwali di talaga ako mahilig sa love story at ayoko kasi
nagbabasa ng mga drama o nanonood dahil kaya nga ako nagbasa o nanood dahil gusto kong
malibang at di para paiyakin ang sarili ko,pero dito sa
bestselling author cathy da cat e mukhang nahilig ako sa love story na comedy.
salamat sa isa nanamang love story na iyong iniakda para sa iyong madlang taga subaybAY MWEHEHE.
~lee
madali kong isulat kasi talagang nanddon ako. pati pagtaas ng kilay, pagsabi ng gaga at tanga.
ang susunod ay kasama ang aking kaibigan na lalaki na talagang hiningan ko ng permiso para isulat ang love story niya. mahilig din kasi yong tumingin sa malayo.
hindi rin ako mahiilg sa romance pero ito talaga tunay na love story na hindi lahat nagtatapos sa they lived happiliy ever after.
mwahahaha
hmmm lalaki? parang nabasa ko nayan, bitin nga lang ako hehe
ayokong ikwento dito kung anu tun ayokong maging spoiler jejeje atleast magkakaron ng linaw yung pagkabitin ko dati (kung yan nga yun)
~lee
Post a Comment