Advertisement

Showing posts with label State of the Nation Address. Show all posts
Showing posts with label State of the Nation Address. Show all posts

Monday, July 25, 2011

Reaction to the SONA 2011 of President Benigno Aquino III

Dear insansapinas,
This is the reaction in Filipino  to the <strong> STATE OF THE NATION ADDRESS 2011</strong> of   Preident Benigno S. Aquino III on July 25 2011.

The reaction paper is divided into three parts, the introduction (pasimula); the body or the reaction where the statements as well as the agreement ot disagreement of the person reacting are expressed and the last one is the conclusion (konklusiyon). The reactions in agreement or disagreement are presented in italics.

PASIMULA

Ang ikalawang STATE OF THE NATION ADDRESS ng Pangulong Benigno S. Aquino III para sa taong 2011 ay kaniyang binigkas sa Batasang Pambansa noong Hulyo 25, 2011.

Ang kaniyang talumpati ay maaaring bigyan ng tatlong kabuuan;isa ay ang mga nangyari noong hindi pa siya pangulo; ang ikalawa ay kung ano ang kaniyang nagawa na at ang ikatlo ang binabalak ng pamahalaan na gawin a susunod na mga taon.

Ang talumpati ay mas maraming tinalakay tungkol sa pakikilaban sa katiwalian na binigyan niya ng pangalang Utak- wangwang marahil dahil kung ang ipagmamalaki lang niya ay ang pagkakaalis ng paggamit ng wangwang ay maakusahan siyang napakaliit na bagay para ipagmalaki lalo at hindi naman na siya gumagamit ng sasakyan na may wang wang dahil mas gamit niya ang helicopter. Ginawa niya itong simbolo ng katiwalian sa pamahalaan . Ang talumpati ay isa ring naging pagkakataon niyang maipaliwanag ang mga pakiramdam ng tao na tungkol sa kaniyang estilo ng pamamahala.

ANG REAKSIYON


Binasa ko ang nilalaman ng talumpati at inisa-isa upang makita ko kung ano ang mga nagbago sa iba’t ibang sector ng lipunan, mamamayan, manggagawa at pamahalaan.

Ang pananaw ko ay mula sa ordinaryong Pilipino na naghahangad na paunlarin ang buhay, kabuhayan at pamilya sa tulong ng mga pagpapatupad ng mga balak at proyekto ng pamahalaan na nakakapag-impluwensiya sa kinikita, sa batas ng paggawa at ng mga infrastructura na ginagamit para umunlad ang bansa.


Sa Ekonomiya

Wala ang mga karaniwang pangsukat ng pag-unlad ng ekonmiya. Marahil dahil walang inunlad dahil mababa ang growth rate ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.  Binanggit ng pangulo ang isang sector lamang ng agricultura na kasama sa Gross Domestic Product, ang pangsukat kung lumago ang ekonomiya o hindi. Ito ay ang bigas kung saan sinabi niya na tumaas daw ang produksiyon ng 15.6 per cent kaya mababawasan ang inaangkat. Ang direksiyon ng bansa ay madagdagan pa ang produksiyon para tuluyang maalis ang importasyon.

Ako ay naniniwala na hindi ito sapat ng basehan para sabihing umuunlad ang ekonomiya. Ang bigas ay isa sa mga productong namamanipula ang “supply” ng mga “rice traders” kaya ang importasyon nito ay hindi indikasyon na may kakulangan sa produksiyon kung hindi sa ginagawa nilang artificial shortage. Maaring bigyan din ng credit ang ahensiya ng agrikultura sa ginawang paglaki ng ani subali’t bakit bigas lang. Paano naman ang ibang produktong agrikultura na kahit ordinaryong bawang lang ay iniimporta pa dahil madmababa ang preyo kaysa sa sariling inani?

Hindi rin nabanggit kung alin sa sector ng industriya ang nagpakita ng pagsulong sa eksportasyon. Hindi nila ito maipresenta dahil bagsak ang exspotasyon ng Pilipinas? Kahit ang labor export ay mababa din kaya tahimik na lang sila doon. 

Conditional Cash Transfer

Ipinagmamalaki ng pamahalaan ang perang ipinamimigay nito sa mga mahihirap na tao na siyang ginagawang dahilan kaya raw nabawasan ang mga gutom na tao.

Sa aking pananaw, ang proyektong ito ay minana pa sa nakaraang administrasyon na noon pa ay iniisip kong hindi sapat para mabawasan ang naghihirap na mamamayan. Parang “band-aid” lang ito na solusyon sa isang malaking sugat na nagdurugo at tanging makakagamot ay ang gawaing magbibigay ng hanapbuhay na magbibigay ng mas malaking kikitain.
Isa pa ang mga pagtanong sa mga taong mahihirap ay hindi sapat na panukat sa ekonomiya kung saan marami rin namang mamamayan na nakakain nga at hindi nagugutom subali’t hirap sila sa araw-araw.


Buwis

Ipingmamalaki ng pamahalaan ang paghabol nito sa mga hindi nagbabayad ng buwis pero ang bilang nang nahuhuli nila ay may hindi nabayaran ng buwis na hindi masyadong malaki at maari pang maayos kung ang utak wangwang na sinasabi nila ay mananatili.

Hihintayin ko munang maibalita na ang mga kinasuhan ng “tax evasion” ay nakulong nga st hindi lang sa diyaryo o sa kongreso sila napaparusahan..

Pabahay para sa mga pulis

Isang malaking tulong sa mga pulisya ang pagbibigay dito ng pabahay. Makakatulong sa kanila ng mababawas na ginagastos nila sa pag-upa ng bahay.Sa ngayon ay sanlibo pa lang ang nagagawa. Balak nilang gawin din ito sa Visayas at Mindanao. Nabanggit sa talumpati na sa suweldong Php 13,000 ay inilalalaan dito ang one third para sa pagkain. Pero ang basehan ay di Php 13,000 kung hindi ang net paycheck pagkatapos bawasin ang sa GSIS ( na hindi naman nireremit ng LGU) at iba pang mga Kailangang magreview ng basic sconomic principles ang speech writer niya, mas mababa ang income, mas malaki  proportionate share ng nagagastos sa pagkain. Habang lumalaki ang income ng houehold, lumiliit ang share sa pagkain at may nagagamit na sila sa mga non-essential goods.

Sana ang mga pulis na ito ay hindi mga kurakot na hindi nila kailangan ang maliit na halagang itong tulong sa kanila ng pamahalaan.


Kabuhayan (employment)

Ayon sa pangulo, isang milyon at apatnaraang libong trabahong nalikha nitong nakaraang taon.

At marami rin ang grumaduate ngayong taon na sumama sa mga listahan ng mga walang trabaho? Bakit hindi man lamang binigyan ng importansiya ang mga OFW na siyang nakakatulong sa bansa sa pmamagitan ng kanilang mga padala. Ang sinabi niyang job matching ay luma ng konsepto na pinatupad na ng mga nakaraang pangulo. 

Edukasyon:

Wala siyang nabanggit tungkol sa edukasyon maliban sa inalis nilang food- for- school program.

Sa mga magulang, mahalaga ang isyung ito sa edukasyon lalo’t ipatutupad ang dagdag na dalawang taon. Ano ang ginagawa ng DepEd sa mga kulang ng mga aklat at classrooms?

Baha

Ang paliwang niya sa pagkontrol ng baha ay tungkol sa reforestration na matagal na solusyon. Ang proyektong pagtatanim ng mga puno sa mga bundok.

Ang baha sa lungsod ay dahil sa basura, sa dami ng tao at sa mga squatters na nakatira sa mga creeks na natabunan na at natirhan ng ng tao o kaya napatayuan na ng building. Ang hinahanap na solusyon ay ang madaling maisakatuparan dahil sa taun-taong pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas. Kaya ng may short, medium at long term planning ay para makapagbigay ng solusyon sa problemang kailangan malapatan ng lunas sa madaling panahon. .

Kriminalidad

How to write a reaction paper

Dear insansapinas,
Before I write my reaction on the STATE OF THE NATION ADDRESS of President Benigno Aquino III, let me give you some pointers on how to write reaction paper. I hate reading disorganized commentaries which are purely based on their opinions and not on what have been written or delivered.



* What do you think of what you are reading?
If it is a SONA  you expect that the speech is all achievements of the administration.

* What do you agree or disagree with?

Based on your observations (not the comments or remarks of the opposition or critics of the administration ) write if you agree or disagree with what have been said.

So you will be needing a lot of these phrases.

I think that

I see that

I feel that

It seems that

In my opinion,

Because

A good quote is

In addition,

For example,

Moreover,

However,

Consequently,

Finally,

In conclusion, 



Organizing your REACTION PAPER

The reaction paper has three main parts:

1. The INTRODUCTION (PASIMULA)

2. The BODY (ANG REAKSIYON)

3. The CONCLUSION (KONKLUSYON)

STATE OF THE NATION ADDRESS OF PRESIDENT BENIGNO AQUINO III

Below is the full text of the <strong>STATE OF THE NATION ADDRESS</strong> 2011 by President Benigno Aquino III as per request.

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga butihing miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:

Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.
Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan.  Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?
Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi, nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.
Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi. Ang mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kumpara sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011. Maaari na po nitong sagutin ang dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.
Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade ng iba’t ibang ratings agency. Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magandang ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang bansa. Pero tayo po, inupgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na tayo sa investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong makaarangkada.
At may mabubuting balita pa pong parating. Dahil wala nang wang-wang sa DOE, muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector.  Patunay dito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy contracting round noong 2006, tatlumpu’t lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes lamang po, nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng enerhiya ang bansa.
May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.”
Di po ba’t may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito, dahil sa pagwawang-wang sa mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa puwesto, dalawandaan, tatlumpu’t dalawang milyong piso po ang inomento ng dating pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita, sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa sarili.
Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan, sinuyod at sinuri natin ang mga programa. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-based budgeting, na nagsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos.
Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.
Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas. Ang aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka.
Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas.
Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor, negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa sa kanila—ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8,500 pesos lamang kada buwan. Mababa pa sa minimum wage.Naman.
Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. Ang masakit, hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot. Mayroon nga pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng 300 million pesos. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer.
Kaya naisip nilang ichop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang halaga, at di na umabot sa regional at central office ang mga papeles. Kani-kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH. Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng proyekto. Miski yata bahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng pondo, basta may padrino.
Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisiin kung ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-tongpats sa mga proyekto, ibablack-list natin.
Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema: Tuloy ang pagdusa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan.
Hindi lang po iyan sa region 4B nadiskubre. Ngunit natigil na po ito dahil hindi na padrino kundi tamang proseso ang naghahari sa DPWH. Hindi na puwedeng walang work program; kailangang magpakita ng pinag-isipang plano para hindi magkasalungat ang pagsasagawa ng mga proyekto. Malinis at hayag na ang bidding, at pantay na ang pagkakataon sa pagpasok ng mga kontratista.
Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng dalawa’t kalahating bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo sa mga kalsadang matino, hindi ‘yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. Paniwala natin dati, imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito posible; sa unang taon pa lamang, ginagawa na natin ito.
Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyon. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito, umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami, wala na talaga tayong magagawa.
Ngunit sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan nating mali sila. Ngayon, ang dating 1.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas, halos nangalahati na; 660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. Kahit dagdagan pa natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860,000 metric tons—na ginagawa na nga po natin—mas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million metric tons.

Sunday, July 24, 2011

What I want to see in the State of the Nation Address

Dear insansapinas,

Homeless family with mother smoking

This news tells us what to expect from the State of the Nation Address of President Noynoy Aquino in July 25:



More than motherhood statements, “undisputed facts and figures” on gains and plans.These are what can be expected from President Benigno Aquino III’s State of the Nation Address (Sona) on Monday, the “overarching themes” of which will center on his administration’s accomplishments in its anticorruption campaign and on what he intends to do in the coming year, MalacaƱang said Saturday.
Even with the use of facts and figures, the speech writer can paint a rosy picture of the state of the nation by presenting selective statistics only . IBON warned:


The public deserves better than a selective presentation of facts and figures in the president’s first year, and is hoping to be given a whole picture of the state of the nation. This is the challenge for President Benigno “Noynoy” Aquino issued today by non-government research group IBON.
 What do I expect therefore from the SONA? Being an economics graduate and with economic managers who can explain to him the significance of the figures of economic indicators, the President will not have difficulty using statistics to get his message across.

Like how's  the economy doing?

Shall he present the GDP, GNP that measure this output of the nation for one year?

What is the GDP for the first Quarter of 2011? How is it compared with the GDP for the first quarter of 2010. Was there a change? What was the change? upward? downward?

A growth rate does not necessarily mean that the economy is doing good. For example, the growth rate is 5 per cent for the first quarter 2011 compared to first 2010. The economy is slowing down if the  growth rate between the first quarters 2010 and 2009  was 8 per cent. How is it compared with the expectation of the international financial agencies?

Parang batang lumaki nga pero ang paglaki ay mas mahina kaysa paglaki ng nakaraang taon.

Since GDP can be a measurement of the expenditures, namely personal, government,
exports and imports. one can discern if government is spending to encourage production   The government and private sectors invest in fixed durable equipment. A hike in the investment from the private sector reflects confidence in the government and the positive outlook of being able to recover its investments. A downward trend is an indicator of hesitation of the private sector to put in money in capital formation. 


An upward trend in the investment of the government shows its determination to look beyond the current administration in terms of benefits from the projects. A downward trend indicates either of the following:

1. the government does not have any projects for job creation and production growth.


2. the government is spending money for other purposes.



3. the government is to busy doing something else


4. the government has no money

In terms of expenditures on imports and exports, the government can explain to us why the exports expenditures may be going down while imports are accelerating. Are there negative balance of trades with different countries? Are we importing more than we are exporting.Are  the excessive dollar reserves affecting our foreign currency exchange rates?