Advertisement

Friday, July 30, 2010

Si Pete

Dear insansapinas,


Nakita rin naman sa wakas ang bahay sa baryong yaon. May bakod at maraming puno.  Marami ring tanim sa balkonahe kaya hindi mo kaagad makita ang tao sa loob.


Sumigaw kami ng TAO PO.


Tanong: SINO KA?

ME: Si Cathy po.



Tanong: Saan ka nakatira?


ME: Sa Memila po.


Tanong: SINO KA?


ME: Si Cathy po.


Tanong: Saan ka nakatira? 


ME: Sa Menila po.


Tanong: SINO KA? 


ME: Sinabi ng si Cathy po. (may pagkabingi siguro kausap niya).


Tanong: Saan ka nakatira? 


Isip ko, recording. Pero ano naman ang gagawin ng recording sa baryo.


Tapos may sumigaw ng MAGNANAKAW, MAGNANANAKAW. 


Mga tahol ng aso ang narinig namin at NGIYAW.


NGIYAW? 

Patakbo na kami nang bumukas  ang pinto. Lumabas ang isang babae. 


ME: Magandang tanghali po. Kaibigan po namin si Dorothy Ibibigay lang namin sana ay iyong pinadala niya  sainyo.


Babae: Oo nga nagtext na may padala siya. Halika kayo tuloy kayo.


ME: Takot ho kami sa aso.


Babae: Anong aso? Wala akong aso.


Nagkatinginan kami ng kasama ko.


Pag-akyat namin ay nakita namin ito. Pumito siya. Wow Seksi.


Muntik ko na sanang pilipitin ang leeg. Pero sinabi namang seksi kami. Malabo rin ang mata.


Babae: Si Pete yan.


ME: Sinumpete?


Babae: Yang ibon.


Nakasakay na ulit kami sa kotse nang hindi pa mapagilan ng kasama ko ang pagtawa.




Ang mahaderang ibong iyon. Pinagmukha akong tanga.


Pinaysaamerika

No comments: