Advertisement
Monday, July 12, 2010
The Signs
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 7.
Si Dina. Nasa ospital daw siya kung saan nagtatrabaho si Billy. Overstaffed sila sa department nila kaya nagpa-assign siya sa ospital na iyon.
"Nakita mo na ba yong nurse?" tanong ko.
"Aling nurse?" tanong naman niya ulit.
"Yong bagong girl friend ni Billy." sabi ko.
"Hindi. Hindi ko alam yan ah. Alam mo ang pangalan?"
"Hindi. Ngayong gabi lang sinabi ni Angelina."
Hindi na umuwi si Billy. Iniwanan na niya lahat ng gamit niya. Bumaha sa San Francisco ng luha. Muntik na akong mamangka.
Madalas na sa bahay namin si Angelina. Umiiyak. Nabawi na niya ang kotse. Dahil nandoon si Angelina, madalas din nandoon si Brad. Gusto kong maglagay ng signage sa labas. Home of Broken Hearts.wahahaha.
Inalam ni Dina kung sino ang mang-aagaw na iyon. (wala pang asawa si Dina noon at hindi pa rin naagawan ng asawa). Inireport niya sa akin. Pandak daw. Bigla akong napatuwid ng upo. Petite daw. Bigla akong napastomach in. Payat kamo. Hindi naman daw maganda. Tahimik daw.
Hindi ko alam, gabi-gabi pala lumalabas si Angelina para sundan ang dalawa pag-uwi, Nang mahuli ko siya ay pinangaralan ko na that is stalking.
Gusto lang daw niyang makausap ng kahit isang beses si Brad para malaman ang tunay na dahilan bakit siya iniwan. Hindi pa ba naman klaro yon. Mas malaki ang kita ng nurse. Malapit ng maging citizen yon. Siya ay Working visa pa rin pati na si Billy. Kailangan pa bang i-translate ko sa pitong wika yon?
Si Dina ang nautusang magdala ng sulat kay Billy kasi talagang iwas ito na makausap ni Angelina. Ang laman ng sulat?
Pwede niyang kunin ang mga gamit niyang dala niya mula sa Pinas sa aking bahay. Naisip kong lagyan ng bagong signage sa labas-- Baggage claims Department. May oras na nakalagay.
Pero nandoon si Angelina. Maghihintay. Inihatid lang siya ni Brad. Makikita kasi ang kotse niya sa harapan ng bahay. Hindi naman niya pwedeng ibulsa yon.
Alas siyete ng gabi. Palabas sana ng paborito kong series pero kailangan ako ang magbukas ng pinto.
May nagdoorbell. Binuksan ko ang pinto. Matangkad pala si Brad/ Guwapo. Kaya naman pala. Pinapasok ko siya at itinuro ang mga bags.
Nandoon si Angelina sa tabi ng bags. Parang invisible siyang inignore ni Billy. Kinuha ang bags at di man lang nagpathank you. Palagay ko nasa kotse yong nurse.
Pagkaalis ni Billy, saka pumalahaw ng iyak si Angelina. Umakyat ako, kumuha ng blanket. Hindi kaya ng tissue paper. Mababasa ang aking carpet. Utang na loob.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment