Advertisement

Tuesday, July 06, 2010

The Truth

Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 2



Habang pinapangal ko ang isang hiwa ng pizza, hinihintay kung magsalita si Brad. Wala. Catatonic din siya. Kung si Dina ay masasampal ko ng kaliwa at kanan, si Brad ay hindi. Kailangan kong kumuha  ng stepladder para maabot ko siya. 5'11 ba naman.


Kailangan magpractice pa ako sa punching bag para masakit ang aking sampal at siya ay matauhan.

Anak ng pating na naging tuyo, kulang na lang maubos ko pati yong cartoon na nilagyan ng pizza bago nagsalita si Brad.

Problema raw sa opisina. simula niya.


Akala ko problema sa puso. Low bat na naman ang aking love alarm. Hindi pala sa pag-ibig.

Gusto na raw niyang umalis. Eh anong nakakapigil sa kaniya. Sa IT naman siya at noon maraming makukuhang trabaho.

Kasi raw si Angelina. Aha, di pag-ibig din.

"Ano ang kinalaman ni Angelina? "tanong ko.

"Hindi raw niya maiwanan. " Oyyyyy.

Sabi ko Couple na ba sila? May usapan na ba sila?


Sabi niya" hindi pa." Hindi naman daw siya nanliligaw.

Eh ano yong mga hawakan nila at paupo-upo ni Angelina sa kaniyang lap pag sila napagod. Ibig bang sabihin noon, mukha siyang silya? Toinkk.


Para lang big brother ang trato sa kaniya. Ha?

"Eh ikaw naman little sister ang trato mo sa kaniya?" urirat ko.

"Ewan ko, naguguluhan ako." sagot ni Brad.

Eh magulo pa pala ang utak mo sa akin pag hindi ako nakapagsuklay.
"Nagtapat ka ba?"  tanong ko ulit.


"Anong ipagtatapat ko"? tanong niya.


"Ewan. Huwag mo akong kausapin." Punta ako sa fridge, Kumuha ng malamig na tubig at malakas na glug glug glug ang pag-inom ko habang gusto kong sabihin, talk to my hands. Hindi pa nahugasan ang pizza. pero naawa ako. Tiyope.


"Anong gusto mo akong manligaw saiyo?". Nagkaroon ka ba ng girl friend?"


"Hindi pa. Alam mo naman all boys kami hanggang high school. Tapos sa MIT naman lahat halos ng kaklase ko lalaki." kuwento niya.


"Siguro naman may kapitbahay kayo not unless nasa island ka nakatira at napapaligiran ka ng mga lalaking pating."


"Higpit ni mother eh. Pag may nakilala na akong babae, ang dami niyang alibi para samahan ko siya, para ihatid ko yong auntie ko at para pick-upin ang mga refills nila sa pharmacy."


"In short, ayaw ng nanay mong magkagirl friend ka."


"Mahal mo ba si Angelina? "


"Ewan ko. Paano ba nalalaman mo na mahal mo ang isang tao?" sagot niyang patanong.


"O eto ang five dollars. Sumakay ka sa sports car mo. Maghanap ka nang makakausap sa mall." Pinakain nga ako ng pizza, indigestion naman ang 



aabutin ko.


Naging catatonic na naman siya. Hindi mabiro. Pagganito nang ganito, irerekomenda kong maging Royal guards o guwardiya ni Jose Rizal sa Luneta.


"O sige mag-usap tayo ng seryoso. Ano ba talaga ang gusto mo?" hindi na ako ngumingiti.


"Gusto kong malaman kung may feelings din siya sa akin talaga." sabi ni Brad.


"Ows. Okay. so ako ngayon ang magtatanong. Kung hindi niya sabihin ang totoo."


"Alam kong marunong kang kumuha ng impormasyon kahit hindi mo tanungin."


"Aha," tatango-tango akong sumagot.


Umalis na si Brad. Inabot ko ang telepono at nagdial ako ng number. Hilew.

Pinaysaamerika

No comments: