Advertisement

Wednesday, December 31, 2008

Fruits, Flowers and Cider

Dear insansapinas,
Hindi ako naniniwala sa mga superstistyon pag Bagong Taon. Promise. Pero lumabas kasi ako kaya nakabili na rin ako ng prutas. Mansanas, hindi bilog yan ha...Ubas, hindi rin bilog yan ha...Orange, melon, mangga, cherries, grapefuit. Hindi mga bilog yan ha. Sabi ko sainyo, hindi ako naniniwala sa superstisyon.





Pinaysaamerika

Monday, December 29, 2008

NEW`YEAR'S RESOLUTIONS


Dear insansapinas,
Ito ang mga New Year's Resolutions...hindi para sa akin kung hindi para sa mga sumusunod.

1. Cory Aquino - bago magsorry, sabihin niya muna kung siya'y nagbibiro o hindi para hindi naman mapahiya ang kaniyang anak na si Noynoy Aquino.

2. Mar Roxas - Huwag nang magmumura ulit dahil gusto lang maging masa. Hindi lahat nang mahirap nagmumura ng P..na..mo.

3. Vicki Belo- Bago magsangkot ng mga tao sa lover's quarrel nila ng boylet niya, siguruhin niya munang hindi na sila magbabati.

4. Hayden Kho- lagyan ng password and computer.

5. Nasser Pangandanam Jr. -See to it that the family you allegedly physically abused has not family member who is a blogger.

6. Jinggoy Estrada- Using the name of the dead friend is not a sure-fire for film grosser.

7. Jose`de Venecia - Books are read only by friends, not the common people. Magsalita na lang sa Tagalog.

8. Jose de Venecia Jr. - Pag umiyak ng huli, huli rin ang pagsisisi.

9. Gabby Concepcion - Huwag makinig sa mga sulsol ng mga kakilalang gustong kumita rin.

10. Grethcen Barreto- baguhin naman ang style para mapansin. Huwag na lang palaging lalaki. Tseh.

Pinaysaamerika

Saturday, December 27, 2008

Shooting inside the cinema




Dear insansapinas,
Hindi ba talaga namang nakakaasar yong maingay sa loob ng sinehan. Lalo na yong sumisigaw nang DALI, DALI, aabutan ka na..o kaya ay yong AYAN SA LIKURAN MO PAPATAYIN KA NA...gusto mong tumayo at paghahalibasin ang mga maingay na yon, lalo na yong kinukwento na ang ending dahil ilang beses na niyang inulit. !@#$%^&

Pero hindi namin ako sang-ayon sa ginawa ng mamang ito.


A man angry that a family was talking during a movie threw popcorn at the son and then shot the father in the arm, according to police in Philadelphia, Pennsylvania.
James Joseph Cialella was charged with attempted murder, aggravated assault and weapons charges.

James Joseph Cialella was charged with attempted murder, aggravated assault and weapons charges.

James Joseph Cialella, 29, was charged with attempted murder, aggravated assault and weapons violations, a police report said.

Cialella told the family sitting in front of him in the theater on Christmas Day to be quiet, police said.


Sabi nga ni Cat, humans.

Pinaysaamerika

Thursday, December 25, 2008

May-December Affair-bulag pa rin ang pag-ibig

Dear insansapinas,
Hindi ko na isusulat. Basahin na lang ninyo habang ako ay nagmamanicure sa sarili ko. Tapos sagutin ninyo ako. Di ba bulag pa rin ang pag-ibig. Basahin ninyo ang mga highlighted statements. Intriga siya.

Mula ito sa panulat ni ricky lo.

One was “positive” and the other was “negative.”

On Christmas Eve when he appeared on the GMA newscast 24 Oras, Dr. Hayden Kho admitted that — yes, indeed — he did have an affair with Katrina Halili (“positive”) but not with Rufa Mae Quinto (“negative”), the two actresses rumored to have caused his “irreparable” break-up with Dr. Vicki Belo that drove him to take an overdose of pills (brand not identified).

The break-up, reported as a “scoop” in this corner two Saturdays ago, spawned all sorts of speculations — you know, that Vicki has in her possession, among other pieces of “incriminating” evidences, a sex video of Hayden and Katrina (and, in a separate video, with Rufa Mae). Vicki is mum on the matter; she’s “speechless” for once.

In an earlier interview on Startalk,
Katrina denied having an affair with Hayden or appearing in any sex video with him, adding that the ugly rumor hasn’t affected her relationship with her boyfriend Kris Lawrence (who is basking in the publicity that he would not be getting if he hadn’t been linked to the popular sexy actress) and that she and Vicki were “okay” when they saw each other at a recent gathering. “We didn’t talk about ‘it’,” said Katrina. “All we talked about was my endorsement (of The Belo Medical Group).”

During his appearance on 24 Oras, two days after he was released from the “basement” (daw) of the Makati Med),
Hayden said that he and Katrina did it “for fun” and there wasn’t any “emotional” involvement between them. He also denied the rumor about the sex video.

At the same time, Hayden admitted having tried to “hurt myself” by taking an “OD” which was, according to those in the know,
a “fake” suicide attempt in his desperate effort to win back the gullible Vicki who, only a few weeks ago, hied off to Paris after an “LQ” (Lovers’ Quarrel) with Hayden who promptly followed her there with a floral offering that melted her forgiving heart (blindly/madly in love kasi, eh!).

According to a Funfare DPA, when Hayden was rushed to the Makati Med,
he tried to hide his identity with an iron mask that he had to remove anyway when he went through a CT scan.

Yes, it’s true, confirmed Hayden, “I wrote ‘I love Vicks’ on my tummy with a Pentel Pen. That was sincere and honest. For what do you expect a man who is dying but to tell the truth?”

Wow, dramatic, isn’t it?

Now, if
Hayden did take those pills on purpose, didn’t he realize that he was putting his credibility and integrity as a doctor (pa naman siya!) in question? Oh, my God, a doctor like him, so healthy and so “blessed” (by a sugary-sweet girlfriend), wanting to kill himself while hundreds of terminally-ill people would do anything, including storm the gates of heaven, to live longer? Could you imagine what would have happened if Hayden succeeded in that futile attempt. If he took those pills “by accident,” would you as his patient feel safe and secure if he prescribed you a medicine?

Is Dr. Vicki Belo worth dying for?

Think Porsche. Think posh condo unit. Think trips abroad on business class. Think five-class hotels. Think of all the quirks millions of ordinary mortals can never imagine to experience even in two lifetimes. Ask Mo Twister, the “un-couple’s” traveling companion.

Well, Dr. Vicki Belo must really be worth dying for.

As of press time, a Funfare DPA said that Vicki has decided “with finality” to break up and break away from Hayden, ending their three-year May-September romance which was, still according to people close to them, doomed from the start.

An afterthought: Did showbiz destroy Dr. Hayden Kho?

The last word has it that Hayden might go abroad “to study” on a “scholarship grant” from, you guessed it, Dr. Vicki Belo.

(Paging Charo Santos-Concio: When will you dramatize the “Viden” affair — as in Bradgelina referring to the Brad Pitt and Angelina Jolie saga, in Maalaala Mo Kaya! It will be a top-rater!).

(Postscript:
A Funfare DPA said that after watching the 24 Oras, Vicki rushed to Hayden’s side to “console” him. If hysterics doesn’t work, histrionics surely does.)

Pasko Pa Rin



Dear insansapinas,

Padala sa akin ng isa kong reader si bayi. Ganda anoh? I tried to keep awake last night. Kaya alas siyete pa lang, nahiga na ako at naghilik. Hindi ako kumain. Masarap yong niluto ermm binili ko sa deli, spare ribs. yum yum. Tapos nagluto
bumili sa Boston Market din ang kapatid ko ng ham, mashed potato at coleslaw.

Nagising ako ng alas diyes. Hmmm, dalawang oras pa. Gutom na ako. Tikim ng ham, mashed potato at uminom ng Apple cider. Brrrk brrrrk. Takbo ako sa toilet. Wow, parang rapido. Anong nangyari? anong nakain ko.

Hanap ako ng immodium (anti-diarrheal pill. Wala. Hanap sa medicine cabinet. Hanap sa drawer. Hanap sa bag. Ahaa, naalala ko na meron ako sa bulsa ng aking pantalon dahil noong minsan sa takot kong abutin ako ng sakit na yon dahil kakain ako sa labas, nagbaon ako ng dalawa.

Pagkainom, nakatulog ako. Parang beybi. Gising ako. Alas kuwatro na. Waaah.

Pinaysaamerika

Wednesday, December 24, 2008

Walis tingting Christmas tree and the Christmas trees of my youth


Dear insansapinas,

Ito decoration galing sa walis tingting. Lagyan mo lang ito ng bells, stars, Christmas lights at iba pang decoration, maganda ng Christmas tree di ba?

Ako naman either pinipinturahan ko ng silver o puti tapos lalagyan ko ng mga beads, christmas balls at old Christmas cards. Pagkatapos ng Pasko, may walis kaming puti ang kulay. hehehe

Naalala pa ninyo yong Christmas tree na gawa sa sabon. Hindi yong bula. Sira.

Yong bara ng sabong may tatak na Wheel o Perla na pinagtapyas tapyas para bumuo ng cube.Tapos tinusok ng toothpick at saka sinalansan para bumuo ng christmas tree.

Pagkatapos ng Pasko, magagamit panlaba.

Ang paborito naman noon sa isang opisina ay yong gawa sa Chicken wire. Bawa't butas ay nilalagyan namin ng Japanese paper na nagmumukhang bulaklak. Tapos sinasabitan nami ng iba'tibang color ng Christmas balls. Ganda.

Syempre maganda yong Christmas tree na galing sa tuyong branch ng puno na binenbena nila sa Roxas Boulevard.Ang mahal bago magPasko. Pag isa o dalawang araw na lang,kalahati na lang ang presyo.

Kayo ano ang paborito ninyong Christmas tree?

Pinaysaamerika

Tuesday, December 23, 2008

Cory "Sorry" Aquno

Dear insansapinas,
Sabi ni Ninoy Aquino at Deedee Siytangco biro lang daw ang pag sorry ni Cory Aquino kay Erap Estrada. Pakinggan nga natin.

Monday, December 22, 2008

Mano Po Ninong, Ninang Namamasko po


Dear insansapinas,

Siguro naman may mga ninong at ninang kayo at siguro naman, dinalaw ninyo siya ng Pasko.

Ako noon hindi ko na kinagisnan ang ninong ko. Nangibang bayan na sila.

Pero ako maraming inaanak. Hindi ako umaalis ng bahay para hintayin ang pagdating nila.

Meron akong kaibigan na tatlong anak niya isa ako palagi sa ninang. Magaling kasi akong magbigay ng Pamasko? Hindi closest friend ko sya kasi.

Nang lumaki na sila, ayaw na nila ng laruan. Gusto nila pera. Yon pala, paramihan sila ng napamaskuhan. Kaya sinasampal ko na lang sila ng envelop.

Mas magastos nga lang kasi kung laruan pwede mo pang itago ang halaga. Pag pera talagang alam nila kung magkano. *heh*

Pinaysaamerika

Sunday, December 21, 2008

Another May -December affair

Dear insansapinas,

Isa munang patalastas...ermmm tsismis.

Siguro alam na ninyo ang May-December affair ni Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. At tatanungin ko kayo kung saang bato kayo nagtatago kapag hindi pa ninyo alam na sila ay hiwalay na. OWs? ulit. OWS?

Kumpirmado nang hiwalay sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho matapos ang tatlong taong relasyon.

Unang nakatawag pansin ang romansa ng dalawa dahil sa laki ng pagkakaiba ng mundo nila. Si Vicki ay isang multimillionaire doctor, hiwalay sa asawa, at may dalawang anak. Maliban sa galing sa mayamang pamilya, naitayo nitong mag-isa ang Belo Medical Group, ang pinaka-commercially successful cosmetic dermatology and surgery clinic sa bansa. Ilang linggo na lang, sa Enero 25, si Vicky ay 53 years old.

Si Hayden naman ay isang struggling doctor, single, tubong Marinduque, at galing sa pamilyang may sapat lang na pamumuhay. Noong naging empleyado ito sa Belo Medical Group ay saka siya nakapagdalubhasa sa ilang dermatological procedures, at nang maging boyfriend ni Vicki ay naging celebrity. Siya ay 28 years old noong May 20, 2008.

Ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ngayon ay walang opisyal na paliwanag. Bagamat nangyari ang breakup noong December 10, walang nagsasalita hanggang ngayon alinman kina Dra. Belo at Hayden—ang pamilyar na tawag sa dalawa ng press at ng publiko.

Gayunpaman, ang lumalabas na pinakadahilan ng breakup ay ang pagkakadiskubre raw ni Dra. Belo sa pagtataksil ni Hayden. At dawit raw sa breakup ng dalawa ang sexy stars na sina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto.

The discovery

Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol sa breakup mula sa ilang showbiz at non-showbiz sources.

Noong December 17, Miyerkoles, nag-host si Dra. Belo ng birthday party para sa kaibigang si Anton San Diego, editor ng Philippine Tattler, sa magarang bahay ng doktora sa Dasmariñas Village, Makati. Dito sa party, nailabas ni Dra. Belo sa ilang guests ang kanyang saloobin.

Isang guest sa naturang party, na nakikisimpatiya kay Dra. Belo at masama ang loob kay Hayden, ang nagkuwento sa PEP ng mga sumusunod na detalye:

Umalis noong November 24 sina Dra. Belo at Hayden papuntang Amerika para sa show ng Wowowee – ang host nitong si Willie Revillame ay endorser ng Belo Medical Group – sa San Diego, California, at para manood ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa Las Vegas, Nevada. Tinataya ng guest na ang buong biyahe ay sagot ni Dra. Belo.

Bumalik ang magkasintahan noong December 9, madaling-araw ng Martes. Kinagabihan ng Miyerkoles nangyari ang breakup.

Noong araw na 'yon ng December 10, hinihintay raw ni Dra. Belo ang kasintahan sa condo unit ng huli upang maghanda para sa lakad nila. May katagalan si Hayden dahil nag-shower pa raw ito. Sa pagkainip, naisipang mag-Internet ng doktora gamit ang laptop ni Hayden. Doon na nagsimula ang gulo. Sa laptop, nadiskubre raw ni Dra. Belo ang mga intimate o sex videos ni Hayden na kasama diumano ang maraming babae, mapa-showbiz at hindi.

Meron daw sumasayaw para kay Hayden na babae, merong nakikipagtalik, at merong mga preserved text messages ng mga flirtations ni Hayden sa ilan pa. Malinaw raw na hindi alam ng mga babae ang pagkaka-video sa kanila. Mistulang dokumento nga raw ng sex life ni Hayden ang laptop nito.



Pinqysaamerika

Monday, December 15, 2008

Puto bumbong in a restaurant- Class siya

Dear insansapinas,

Simbang gabi na naman at ibig sabihin niyan ay puto bumbong.

These days you do not have to wait for the ambulant vendors outside the church. You can go to a restaurant where they are served.

Eto.



Pinaysaamerika

Sunday, December 14, 2008

If the Shoe fits

Dear insansapinas,
The ducking of the lameduck President George Bush when a journalist threw his shoes
to him has generated several videos.

Ito ang isa.
Photobucket



Sabi siguro ni Bush, missed, try again.

ito pa ang isa.

Photobucket

more from here.

Pinaysaamerika

Saturday, December 13, 2008

The Putang Ina Moments

Dear insansapinas,
I like to keep this in my archive...the day when a distinguished gentleman uttered the most
abhored expletive which is a direct insult to mothers. Putang Ina.



I could have have forgiven him if he said, tarantado, gago, walanghiya, tanga...but to call a mother a whore or a sleaze is something unforgivable in any circumstance when young children can watch him say that.

US networks are fined 250,000 dollars if an expletive is not bleeped even during live broadcast.

Will I hear offensive language this in his miting de avance in 2010 just to be regarded as makamasa? Nakakainsulto naman siya.

PAkibigyan nga ng tubig na may lysol.

Pinaysaamerika

Friday, December 12, 2008

Hide-N-Seek

Dear insansapinas,

Kahapon, appointment ko sa doctor na pogi. Alas Onse pa kaya sabi ko daan muna kami sa Blockbuster ng kapatid ko para isoli yong DVD. Bigla siyang nawala, akala ko nasa kotse na, yon pala nasa Blockbuster na at inihulog yong DBD sa chute. Lakarin lang naman eh.

Sarado pa yong kotse kaya ito, kuha ako ng picture.



Dumating siya at pinagagalitan ako. Bakit daw ako naliligo sa ulan ng nakahood jacket. hehehe

Drive na siya pero daan muna kami sa library. Pero hindi pa bukas kaya istambay kami sa isang thrift store.

Hanap ako ng lumang libro ni Patterson at ni Sidney Sheldon. Tapos nakita ko ito. Ganda.



Wala pa siyang dollar kasi kasama siya sa ibang decor na hindi pa nabubuksan, pero dinonate na kasi, mahirap talaga buksan yong lalagyan. Rolleyes ang kapatid ko.
Hahaha.

Tuloy na kami sa library. Punta ako sa fiction. Punta naman ang kapatid ko sa isang section. Tapos hanapan kami. Hanubayan.

Hinatid niya ako sa doctor. Pinauwi ko na yong mga libro kasi may sundo naman ako pag-uwi. Besides di ko alam kung anog oras ako matatapos.

So go ako sa doctor. Complain ko ang aking mata. Inirefer niya ako sa eye doctor.
Pinatingnan niya sa akin ang kaniyang tip ng ilong habang pinabibilang niya sa akin ang kaniyang mga daliring nakabukas.

Ilong niya nakikita ko. hohoho.

Pinapunta niya ako sa receptionist at humingi ng bagong schedule para sa kaniya saka sa eye doctor.

In the meantime, tinawag na ako noong lab tech na magandang babae. Tinuruan ko siyang paano kumuha ng aking dugo. Sa dami ba namang blood tests ko sa kaniya, hindi pa niya makukuha yon nang nakapikit ang mata. Mas malaki na ang confidence niya ngayon.

Nakalabas na ako nang humabol siya. Kailangan ko raw ang urine specimen. Siyak,
kakaihi ko lang. Sabi niya, uminom daw ako ng tubig pagkatapos ay pilit umihi.

Hige.

Bumili pa tuloy ako ng tubig. Dollar and 10 pennies din. Harang.

Bumaba ako sa building. Pasok ako sa isang room na mayroong available na computer.
Habang naghihintay ako ay log-in ako sa Now What, Cat? Internet Explorer sila. Hindi pa ba nila nabalitaan ang Mozilla? Hindi maganda ang dating ng website ko. hulog ang sidebar. Uhm.

Ala-una. bukas na ulit ang lab. Pinilit ko ng umihi. Isa, dalawa, tatlo. Siyak. wala pa rin. Inom ulit. Ayan meron na at leat 1/4 noong specimen bottle.

Balik lab ako. Binigay ko sa lab tech. Lumabas siya parang nagmamadali.

Umuwi na ako. Yon pala tinawagan nila ako sa bahay. Akala yata ay umuwi na ako. Madali akong punta sa bathroom. Naiihi ako. TALAGA NAMAN. Where were you when i needed you. toink


Pinaysaamerika

Thursday, December 04, 2008

Kasal, Kasali, Kasalo

Dear insansapinas,
Hindi ito ang pelikula ni juday at ni ryan agoncillo. Ito ang mga nagaganap na kasal dito sa US of A between Philippine movie celebrities and marriageable Fil-ams, regardless of age.

Takbuhan ang US ng mga artistang nawalan na ng sikat ang araw sa popularidad, hindi dahil hindi sila magaling kung hindi maraming batang mas handang makipaglaro ng patintero sa kanilang mga gheys na mga talent na manager. Yong iba naman ay dahil sa sila ay hiwalay na sa asawa at walang pagkakitaan. kiber ko. may karapatan naman silang maghanap ng greener pasture kaya sige lang.

Ang ayaw ko ay yong hindi pa aminin na talagang naghahanap sila ng ibang oportunidad. Ang mga excuses ay mag-aaral, o kaya ay magbabakasyon. tapos matagal sila rito hanggang maging TNT.

Pag TNT na sila, ay maghahanap sila ng mapapangasawa. Dahil marami rin namang patay na patay na makaasawa ng artista, pakasal din sila.

Yong iba naman ay totoong love daw. Merong isang beteranong aktor noon na nagkahiwalay sila ng asawa niya, iniwanan ang mga anak at pumunta rito sa Estet.
Napangasawa niya ay isang batang-batang US citizen na matagal rin niyang nakasama. Pero dahil matanda na rin siya noong pumunta rito, nagkasakit siya at inilagay sa isang nursing home ng kaniyang asawa. malungkot siya. Ang mga anak niya ay naging sikat na mga artista. dumating ang panahon na sinundo siya ng isa niyang anak para iuwi sa Pilipinas kung saan siya namatay kasama niya ang mga anak niya sa unang pamilya. Ang dati niyang asawa ay namatay na rin samantalang isa niyang anak ay inatake sa puso.

Sa susunod ay iba pang kuwento.

Sa ibaba ay ang video ng kasal ni Raymond Bagatsing sa LA-based entertainment/media writer na si Cora Pastrana.



Ang alam ko pumunta rito si Raymond para magbakasakaling maging Hollywood Actor.
Ang sabi ng ibang mga nagcomment sa kasal nila ay pwede naman siyang kumuha ng green card as person with exceptional ability kagaya ng artist.

Medyo matagal yo at para siya makakuha noon ng hindi uuwi sa pinas, kailangang legal siya.

Ang pagpapakasal sa US citizen ang pinakamadali at hindi ququestionin kahit na expired na ang iyong tourist visa o anumang visa.

Mahigpit na rin sila sa pagprocess ng papeles dahil sinisiguro nila na hindi yon convenience marriage.

Isa ang edad at isa ang haba ng panahon ng pagkakilala ninyo. Pag napakalayo ng agwat ng edad, medyo suspetsyoso sila.

Gusto ko si Raymond. kalahating kapatid siya ng aking kaibigan na anak ni mayor Bagatsing. Patay na ang kaibigan ko. naatake siya sa puso. kahit siya isang milyonarya, napakabait niya. madalas niyang ipagmalaki si Raymond.

Sa kanila Good Luck.

Wednesday, December 03, 2008

The Big Fat Wedding

Dear insansapinas,
Sa katulad ko, na napipikot lang (PIKOT DAW O)na napapakasal nang madalian at ang kainan lang ay limitado sa aming ninang (would you believe ang ninang ko noong aking unang kasal ay ang aking kaklase), interesadong interesado akong pinanood kahapon yong RICH BRIDE, POOR BRIDE ?

Yong unang mag-asawa ay taga Sri-Lanka kaya dalawa ang kasal nila. Isa yong traditional at isa yong Westernized na pero sa kanilang bansa pa rin sila ikinasal. Ambisyosa si babae, talagang gusto niya BIG FAT WEDDING. Ang gagastos naman kasi ng iba ay ang kaniyang magulang ayon sa tradition nila, pero malaki rin ang kanilang contribution.

Ang motif niya ay peacock. Hindi lang feather kung hindi pati live na peacock ay dadalhin sa reception area. Ang halaga, $ 2000. mantakin ninyo yon.



Ang kaniyang entrance ay dramatic, via helicopter na ni-rent nila ng mahigit 1,000 dollar per hour, iba pa yon super super na limo na nagkakahalaga ng 1,000 dollars din for 4 hours. Ang sa groom naman ay isang Red mustang na siya rin nilang ginamit papunta sa kanilang honeymoon. 3,000 dollars for 5 days.

Ang pagkain nila ay mura as per US standard. Nine dollars din per head ang budget. Eh 600 ang kanilang guests. Pero all in all ang reception ay umabot ng 36,000 dollars. Whoa.

Ilang beses nagpalit ng gown/damit ang bride. All in all ang nagastos nila ay 75,000 dollars. Masama pa ang loob ng bride, kasi hindi raw nila naubos yong 100,000 kaya may pang shopping pa siya. Hindi naman kayamanan ang dalawa. Pareho lang nagtatrabaho.

Yong isa namang couple ay parehong itim. Puti ang kanilang wedding planner. Mas simple ang kanilang kasal. Isang gown lang ang para sa bride, isang maliit na cake, 240 lang ang guests at isang limousine lang ang ni rent nila.

Umabot ng $ 50,000 lahat samantalang ang budget nila ay $ 30,000 lang.

Sa katulad kong kuripot, hihingin ko na lang ang $ 100,000 at itatago ko. Pero to think na bawi rin nila ito sa mga pera kung ang gusto nila ay omit gifts at perahin na lang, baka tumubo pa sila kagaya noong kaibigan ko na ako naman ang naging ninang.
Exchange gidt kami eh. Siya yong aking BFF noon.

Pinaysaamerika

Tuesday, December 02, 2008

Christmas Parlor Games na hindi ko makakalimutan, BOW

Dear insansapinas,
Pag Pasko, natutuwa ako sa mga parlor games. Kasi nakaka-excite.

Istudyante ako noon sa MBA at kailangan naming umatend ng Christmas party na sponsored ng mga officers.

Ayaw kung sumali. bungisngis kasi ako eh. Minsan sumali ako sa kalamansi relay, yon bang calamansi ay "isasakay" mo sa kutsara na nakaipit saiyong ngipin. Talo. kasi habang tumatakbo ako panay hagikhik.

Tapos yong parlor game na may nilagang itlog. Ipapasok sa pantalon ng lalaki, pagugulungin hanggang sa baywang at doon kukunin. naintindihan ba ninyo?

Yong mga lalaking propesor ang mga kasali na siyang nakatayo at papasukan ng itlog sa pantalon. hehehe. Volunteer ako. Nandoon yong isang poging propesor.

Habang pinaakyat ko ang itlog sa loob ng kaniyang pantalon, napatigil ako. malapit na sa hita. Basag ang boiled egg. hmmm, buti na lang at lutong luto siya.

Sabi ko, Sir, basag ang itlog ninyo. hehehe.

Pinaysaamerika

Monday, December 01, 2008

Pasko na Sinta Ko-Monita, monito

Dear insansapinas,

Pasko na. Kaiingit kayo diyan. Dito ang Pasko malungkot. Walang Christmas parties kagaya diyan. Kung may parties man, kainan lang. Kung may exchange gift man ay yong,
ito-saiyo-nasaan-sa-aking-regalo tapos Happy Holidays, see you tomorrow.

Huwag kang magtaka, pinsan, maraming culture dito na hindi Kristiyano kaya hindi sila nagcecelebrate ng Christmas.

Sa atin, ilang Linggo bago Pasko, mayroong monita-monito o Kris Kringle o iba pang pangalan kung saan, may raffle, (hindi ka mananalo, gaga, ooops)kung hindi kukuha ka ng pangalan na kung sino ang bibigyan mo ng regalong maliliit lang. Tapos pagdating ng Pasko siya naman ang magbibigay saiyo at ikaw naman ay magbibigay doon sa nagbibigay saiyo. Tapos pagdating ng Christmas party, kayo ay magkakakilanlan. AHA IKAW PALA ANG NAGBIBIGAY SA AKIN NG MGA CHEAPIPAY na regalo---sa isip lang ho. Kung hindi masasampal ka.

Pinaysaaemrika