Advertisement
Monday, July 19, 2010
Love
Dear insansapinas,
Kung Kailangan Mo Ako Part 3
Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa
Sabado habang hinihintay nina Nova at Manny ang iba nilang kasama sa opisina ni Tess.
Nova:" Naiinlove yata ako."
Manny: "Kung sa akin, huwag ka nang umasa."
Nova: "Tseh, hindi saiyo."
Manny:" Kanino, eh wala namang magtiyagang manligaw saiyo. Ang suplada mo kasi."
Nova: "Hindi totoo, naiinlove talaga ako."
Manny: "Kung pinagseselos mo lang ako, huminto ka. Wiwisikan kita ng holy water para mawala ang pagkapossessed mo."
Nova: "Ewan ko saiyo basta ako in love. Napakathoughtful niya kasi. Gentleman pa."
Manny: "Sige na nga, sinuman yong walang suerteng lalaking yon."
Dumating si Tommy at Del. Dala nila ang pagkain.Nagpingkian ang mga kilay ni Nova.
Nova: "Bakit magkasabay si Del at Tommy?"
Manny: "Dinaanan yata ni Tommy si Del. Bakit selos ka naman?"
Hindi sumagot si Nova. Kamot ng ulo si Manny. Weirdo ngayon si Nova. Baka menopause?
Inayos ni Tess ang pagkain pinagsaluhan nila ang lechong manok. liempo at piniritong daeng na bangus.
Tahimik si Novang kumain. Kahit ihulog pa nila lahat ang kubyertos, hindi niya pinapansin.
Nginuso ni Tommy kay Manny si Nova kung ano ang problema. Kibit-balikat naman si Manny at rolleyes.
Nang lumabas si Nova, nagkatinginan sila.
Tommy:" maysakit ba si Nova?
Manny: Bakit magkakasakit yon eh pati mikrobyo takot doon. Ang alam ko in love daw siya."
Dino: "Magandang balita yan, ibig pa lang sabihin, may puso din siya."
Tess: "Naku si Dino, minsan lang magsalita, nakakatawa pa."
Manny:" Maganda pa lang pakainin natin palagi si Dino ng lechong manok, at least naririnig nating magsalita. Akala ko talagang hindi na siya magsasalita eh."
Tommy: "Kanino? Kanino siya in..."
Balik sa loob si Nova. Tahimik ulit sila. Kaniya-kaniyang tayuan at hanap nang magagawa.
Tess: "Okay lang ba sainyo guys kung dito kayo matulog sa gabi. "Tinuro niya ang kuwarto. Mahahabang mesa na ginagamit pagbalot ng mga pinamimigay para sa mga biktima ng baha, pamigay pag Pasko ng simbahan at temporary classroom ng mga tinuturuan ng mga misis na tinuturuan ng mga arts and crafts.
Binigyan sila ng unan at kumot ni Tess.
Tommy: "Okay na ito. Total, kaunting oras lang naman ang itutulog natin. Yong mga pagod at inaantok pwede nang matulog habang yong may gagawin pa ay okay lang magpuyat."
Manny: "O sige, matutulog na muna ako."
Tess: "Sandali wala ka pang nagagawa ah."
Manny: "Mamaya, gigising ako. Pakibatukan lang ako pag malakas ang aking hilik."
Dino: "Irerecord namin para marinig mo bukas. Pag hindi ka gumising mamaya, lalagyan namin ng chalk ang mukha mo."
Manny: "Dino, pakiusap lang huwag ka nang kakain ng lechong manok. Nagiging madaldal ka eh. hehehe"
Tommy: "Psst (tinuro si Nova) Tahimik. Bakit ba?"
Manny: "Tahimik din naman si Del.".
Tommy: " Dati nang tahimik yan, pero si Nova. tahimik? "Magkakabagyo."
Hatinggabi, lahat ay nakappikit na kahit nakaupo lang sa silya nang marinig ang lakas ng sigaw ni Nova.
Abangan.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment