Advertisement

Tuesday, July 13, 2010

Si Paul at si Mani

 Dear insansapinas,




Sino si Paul? Siya yong octopus na ang hula ay walo sa walong tama.Walong hula, walong tama, walong galamay.


Dahil sa kaniyang mga hula, namimiligro siyang maging sushi o maging dried octopus at maging pulutan ng mga lasinggero. Mismong  si Spanish Prime Minister Jose Ruiz Rodriguez Zapatero ng Spain ang nagpatawag ng mga bodyguards para kay Paul. Stariray.


Sino naman si Mani?

Si Mani naman ay ang parakeet sa Singapore.


Pag-aari siya ng isang manghuhula na nagchacharge ng seven dollars para lang sabihin ang mananalo sa lotto. Ha?


Namemeligro rin ang buhay ng parakeet dahil sumablay siya sa hula niya sa World Cup. Paborito rin ng mga lasinggero ang mani as pulutan. 


Pagganito ng ganito, gagamitin ko rin ang Pusa kong manghula. Five dollars lang. At least pag sumablay ang pusa ko, gagawin lang siyang siopaw. Meow.  Agh agh agh.


Pinaysaamerika

No comments: