Advertisement
Thursday, July 15, 2010
The Children
Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 10.
Namaster ko na yata yong " ano magsabi ka " look. Habang nilalantakan namin ang bulalo (hindi naman talaga siya bulalo, nagkukunyari lang) ay nagtapat sa akin si Gabby. Ay hindi yong ako niligawan, silly. Yong tungkol sa kaniyang girl friend na may-asawa.
Sinabihan na raw niya na sila ay wala na. NADA, NADA. Yon ang pangalan ng babae. Kaya simula kinabukasan ay hindi na siya magrereport. Inerekomenda niya doon sa isa niyang kaibigan na ang opisina ay tatawid pa ng ikapitong bundok.
Nagpapasalamat siya sa akin at nagising daw siya sa katotohanan. Charing pa ito. Mamaya ay dumilim ang resto except doon sa may parte ng maliit na stage. Pag gabi kasi ay nagiging entertainment center yon. May karaoke at may sayawan. Pinoy na pinoy. May tumabi sa amin. Si Dina at si Brad. Imbitado rin pala. Kumpleto ang musketeros. Si Gabby ay nawala sa upuan niya. Yon pala hawak na ang microphone. Doon siya nagpropose kay Angelina. Bigla kong nagamit yong table cloth pamahid ng luha. Naghati kami ni Dina. Ahoy, ahoy, ahoy. Tapos karaoke na. Buti na lang di bumagyo.
Makalipas ang ilang buwan, kasalang grande. Ako ay sa presidential table na naman. Tinanong ako ng isang ninong kung sino ako. How rude! I am too young to be a mother of the bride raw at hindi pa tinumbok, mestisahing Intsik si Angelina at ako naman ay mestisahing Ita. hindi pwedeng magkapatid. (baka maputi lang ako kay Binay ng isang crayola stick) bwahaha.Hindi makakarating ang nanay niya. Hindi namin alam at hindi ko inurirat. Pero may dumating siyang auntie na noon lang niya nakita.
Isang party. Katabi ko si Brad. Binata pa rin. Malaki ang bahay. May swimmming pool. Nabili nina Angelina. May malaking cake. May clown. Maraming batang nagtatakbuhan. Children's party.
Karga ni Angelina ang kaniyang dalawang taong anak. Nagtatantrum. Ang anak naman ni Dina ay tinutusok-tusok ang malaking cake ng kaniyang daliri. Napapaos na siya kasasaway.
Utang na loob. Huwag ninyong iwan sa akin ang mga batang iyan at isasabit ko sa pako sa kakulitan.
The End.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment