Advertisement

Sunday, July 04, 2010

The Options

 Dear insansapinas,


Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 11

Hinintay ko siya. Palabas na sana ako para bumili na naman ng bulto-bultong paper towel, toilet paper at corned beef sa Costco. Wholesale doon. Halos ang packaging doon ay malalaki na pag bumili ka ng paper towel, gagamitin mo na ito ng dalawang taon lalo at nilalabhan mo. Huwag kayong matawa, pwedeng labhan at gamitin ulit. Pero hindi ang toilet paper. Eskus mo sa mga kumakain.

Sa lahat ng mga nakakilala ko na lahat ay tinitingala akong parang butiki sa itaas, hindi dahil sa edad kung hindi marahil sa aking inabot o kaya dahil talagang mukha akong santa ( promise, wisikan mo man ako ng holy water). (sabay ilag), si Dina ang pinakamalapit sa akin.


Nang ilang buwan pa lang kaming nagkakilala, ipinagtapat niya sa akin na ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan na nagmamalasakit. 


Ang nanay daw niya ay pinakasal siya sa isang matanda hindi para magkaroon siya ng magandang buhay kung hindi, makapunta rin sa States ang matanda.
Bilang nanay, ipinagtanggol ko ang nanay niya na walang inang gustong mapariwara ang kaniyang anak.


Pero bakit daw siya pinadala sa Saudi?


Issue nilang mag-ina yon at ayaw kong ilayo siya sa nanay niya.


Kalmado siyang kinuwento yong balak na iwanan siya ng kaniyang asawa. Una ang sabi sa kaniya, niloko raw niya ang lalaki, Pinaniwala raw na mayaman si Dina sa Amerika. Yon pala ay walang pera at kailangan siyang magtrabaho pa. (Nasaan ba ang machine gun).


Syempre naman pag nagbabalikbayan si Dina, kahit saan siya pumunta, nakasama ang kaniyang mga kamag-anak na pag kumain sila sa restaurant ay isang batalyon. Marami siyang bisita na walang ginawa kung hindi umarbor ng dala niya o kaya ay manghingi ng pera.


Pero ang totoo pala (atin-atin lang ito), may nakilalang nurse itong si lalaki sa ospital at marahil pag bakanteng oras ni babae ay dinadalaw ito sa laundry room na maraming mapagtataguan. (Ang dudumi ng isip ninyo) pero talaga namang nangyari at naging usap-usapan sa ospital. Hanubayan. Ito namang nanay ni Dina, hindi sinabi kay Dina ang pangyayari. Ewan ko kung ano ang motibo niya pero ako siguro dahil anak ko ang naaapi, mag-aalsa ako ala Gabriela.


Ilang araw lang nagtapat na ang lalaki na sasama na siya sa nurse dahil mas malaki ang kita. Bibigyan pa ng nurse si Dina ng pera. Ano siya for sale?


May-asawa ang nurse. kasal pero siguro talaga yatang nadala sa karinyo ng asawa ni Dina at wala rin namang trabaho yong asawa. (Kainis).


Buti raw nagpapaalam siya, kasi dahil sa iskandalong nangyari sa ospital ay lilipat na ng trabaho ang nurse at kasama siyang lilipat ng States. 


Tapos biglang umiyak si Dina. Gusto kong pagsasampalin. Kaliwa, kanan, kaliwa ulit, kanan.


Sabi ko papipiliin ko siya sa dalawang options. Hiwalayan niya ang lalaki na kung saan ang sampu kong daliri ay boto o kaya ay ipaglaban niya kahit hindi sya miyembro ng partidong Laban.


Paliwanag ko sa kaniya sa aking role na abugaga ba ako--ang kaniyang berdeng papel (GC) ay temporary pa lang. Pagkatapos lang na makasal sila ng tatlong taon niya matatanggap ang permanent GC.


Para siya maging permanenteng GC, may pipirmahan pa si Dina para patunayang kasal pa sila. Not unless magreklamo ang lalaki ng verbal harassment, (yong bang inaaway mo ang lalaki o babae at tinatakot na hindi pipirmahan ang papel) o kaya physical violence (na kailangan may doctor's certification) o binugbog mo ang lalaki , hindi niya makukuha ang permanenteng card.


Ang nurse ay kailangan pang idiborsiyo ang kaniyang asawa para mapakasal sa kaniya na aabutin din ng mahaba-habang buwan,


Kapag nagkaanak siya sa nurse o kahit kaninong babae, obligado siyang bigyan ng child support ang bata. Seryoso ang gobyerno diyan sa bagay na iyan dahil ginagarnish nila ang suweldo ng lalaki para ibayad diretso sa bata o kaya kung ang lalaki ay hindi magbabayad dahil hindi magrereport ng kaniyang employment, pag-aaply niya ng citizenshipo, denied siya,


Sabi ko kay Dina, nasa kaniya lahat ang alas, Alas dos, alas tres, alas kuwatro...ooops.


Nakatitig lang sa akin si Dina. Hindi ko mabasa ang kaniyang isip kahit gamitin ko ang aking power, tututututuut.


Kaya sabi ko, pag-isipan niya in the meantime, niyaya ko siyang pumunta sa Costco para kumain ng mga libreng sample na pagkain na sa karamihan, kahit hindi na kami kumain ng tanghalian.


Abangan ang The End,


Pinaysaamerika

14 comments:

Anonymous said...

nakakunot ang noo ko habang nagbabasa, nagsisikip ang dibdib ko sa inis.... hahahahahahahahaha.
buset talagang mga lalake yan oo,kung pede nga lang magbuntis ng solo ng walang lalaki e
di na rin ako nagasawa e hahahaha,kulit lang kasi ni mader magkaapo e ang bata bata ko pa nung pilitin akong magasawa at may gatas pako sa labi(kasi iniinom ko palagi white russian bwahaha)
e di sana kung di ako pinilit at kinuliglig magkaapo e wala
naman akong plano magasawa,pero infairness naman
all out naman ang support ni mader,sa hirap at ginhawa sya ang kasama ko at nakaalalay kaya
no regret din ako at
masaya naman sya sa apo nya at mabait naman daw di hamak kesa sakin nung bata pako kaya oki lang mwehehe.
~lee

Anonymous said...

yan naman ang advantage ko mam, wala akong mga batalyong kamaganak sa pinas na ililibre sa resto twing uuwi ako,walang nangungutang,walang pumupunta sa bahay (in shoert, wala akong kapwa tao hahaha)
kasi puro sila manyayaman(feeling) at ako yung hopelessly devoted to you (black sheep ng family) sa family na palagi nilang sinasabi na walang mararating, wala talaga, hopeless, walang wala, walang utak, walang isip, walang chura, walang pera, basta mam lahat ng wala nasakin na kaya awang awa sila nun kay mader kasi nga malas at nagkaanak ng kagaya ko(drama hu hu hu)BWAhahahahahaha
kaya ngayon e wala parin... walang makalapit sakin at wala silang mapapala hahahahahaha
kaya ang saya saya saya ng bakasyon ko palagi,kami lang palagi ni mader at nung aking sisteret ang naglalakwatsahan hahahahahahahaha.
~lee

cathy said...

lee,
ako nga ang kasakasama noong buntis. minsan yaya pa ako, eh sa pinas meron akong yaya sa aking mga tsikiting gubat. tapos nang dumating iiwanan na lang yong mag-ina. gusto ko talagang bugbugin.

yong nanay naman mas mahaba pa ang mga kuko sa akin. sus.

ako may gatas pa sa labinoong mag-asawa kasi kinakain ko yong gataa ng tsikiting gubat ko. mwehehe

cathy said...

haynaku sa probins kasi sila.

pag dumating kang nakatricyle at amoy dolyar,buong baryo ang kukuyog saiyo.

ang bahay daw nila parang resto, walang tigil ang luto at kain.

Anonymous said...

santisima, buti nalang kahit nung nasa probinsya kami e sinadya kong wag maging palabati at ng walang mangapitbahay samin hahahaha.
~lee

cathy said...

naku pag di ka naman nambati, sasabihing nagbago ka na.

yong iba unang balikbayan nila, galante. ikalawangbalik, medyo nagtatago na.

hanggang di na umuuwi at sa maynila na lang tumutuloy.

Anonymous said...

naku mam, yung mga taga amin nung araw na magaabroad kunu, dipa nakakaalis e baon na ng utang kaka blow out sa mga kamaganak at kapitbahay, tutal naman daw e aabroad at pag dun na saka nalang magbabayad ng utang, ayun peke pala ang mga abrodistang galante,e ako nung araw pa man
dina ko masyadong napagkikita ng mga tao kasi nga sa menila ang trabaho ko, dipa nasikat ang araw wala nako sa bahay at lubog na buwan e dipa ko nakauwi ng bahay,
nature ng trabaho e saka ang lalayo ng mga pinupuntahan ko,kaya halos wala rin akong
masyadong kilalang kapitbahay(1989 lang sila mader nag settle sa province at ako naman e 1991 na) kaya wala rin silang masyadong alam sakin.
kaya nung 1995, nung mag decide akong mag abroad e walang nakakalam at wala namang nakakapansin na wala ako dahil palagi naman akong wala.
nung malaman nilang nasa abroad ako e malapit nakong umuwi for holiday hahaha.
kaya wala akong pagpapa galantehan sa mga kapitbahay hahaha.
naku, daming masalimuot na mga storya ng baryo sa mga napekeng magaabroad sana,yung iba nakakaawa, yung iba buti nga sa kanila hahaha,dipa man kasi naka abroad e ang yayabang nat wala ng kilala at lahat ng tao sa baryo nautangan dahil kaka fiesta gabi gabi sa bahay nila hahaha.
~lee

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
cathy said...

doble doble yong comments kaya, dinelete ko.

ganiyan nga ang nangyayari. may kapitbahay ako noon, nag-aapply pa lang ng visa sa US, nag despedida na. hindi niya alam may working visa na ako.

hanggang ngayon hindi niya makalimutan yon.

Anonymous said...

hahaha di makalimutan sa sama ng loob hahaha.
naalala ko tuloy yung colleague ko na talagang nagpayabang ng husto kasi nabigyan sya ng 3 mos visa sa remika, then kinabukasan punta ko sa american express para magbayad ng application form + appointment fee para sa interview (30usd lang that time mga 1997)pero diko sinabi at wala akong sinabihan e mamya ma deny ako kakahiya nyahaha.
pagkabayad ng fee, give sila ng application,kinabukasan pila ako sa US embassy ng mga 8am, langya 8am palang haba na ng pila, 9am nasa loob nako,my mga booth,panay ang bola nung isang babae dun sa interviewer tawa ng tawa yung nagiinterview at mukhang aliw na aliw sa pambobola nung local,mamya inaabot sa kanya yung passport nya,denied bwahaha,tas yung isa
narinig ko yung matanda 10x na yatang na deny,paglabas nakangiti kasi ipinaiwan passport nya (means mabibigyan)sabi ba naman e
wala na syang balak mag remika kaso ginawa nalang libangan after 10x ma denied hahaha.
ako na,medyo kabado,pero that time dipa mahigpit,kung anu lang yung tanong yun lang sinasagot ko,walang bola,walang ek ek,sabi nya san punta ko,itinuro ko yung application paper sa kanya sabi ko nandun,ngumiti,sabi alam nya kaya lang dinodobol check nya,sabi ko north carolina aattend ng thanxgiving dinner (sushal magdidiner sa remika)
that time dina nila kinoconfirm kung totoo (wala akong kilala sa NC, imbento kolang kung makalusot)
bitbit ko yung working permit,
saka yung contract ko sa company incase lang pero di hinanap,madalas daw hinahanap e,
bata pa yung naginterview,consul pala e parang may gatas pa sa labi.
balik ako ng 3pm, para akong tumama ng lotto,10yrs multiple,
sabi nung friend ko sa NY gamitin ko daw,kaso after a week binulutong ako,nung sinundo ko yung maglola ko sa pinas,
nadukot pasport naming 3 pati
ticket pati pera malas talaga.
pero nakapagyabang naman ako nung makuha ko yung multiple visa ko pa remika hahaha.
after 9/11 humigpit ng husto,iiwan mo na ng 45 days yung passport mo sa US emb para iverify nila kung tao nga yung pupuntahan mo sa remika.
~lee

cathy said...

naku yong page na may tatak ka ng visa, inilagay na sa ibang passport.

yong lolo ng kaibigan ko na 75 years old noon, ayaw bigyan ng visa kasi matanda naraw at baka maospital pa. hinamon niya ang consul na buhatin yong mesa sa embassy.

yon binigyan ng visa. Eg presidente yon ng isang college at p[anay ang travel. hehehe