Advertisement

Friday, July 09, 2010

The Morning After

Dear insansapinas,

Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 5.

 Akala ko si Angelina ang tumawag, humihingi ng apology sa pagkalate nila. I was wrong.


Akala ko si Brad ang tumawag para ikuwento ang pagkikita nila ng boyfriend ni Angelina. I was wrong. 


Kapit opisina nina Brad. Sabi umuwi doon sa Brad, namumula ang mata. Pinapahinga na nila sa kanilang guest room. Paano kako yong mother baka hanapin siya. Nasa cruise raw kasama ang kapatid na babae ni Brad.


Inaayos ni Brad ang kanilang computer sa opisina at doon na lang siya tumuloy. Gustong magtanong ng kapit opisina nila sa akin. Pero talagang nagsara na ang mata ko. ZZZZZZ,


Kinaumagahan, tumawag si Angelina sa trabaho ko, hinahanap si Brad. Aba ewan ko, hindi naman ako ang hinahanapan ng nawawalang kalabaw, anoh.


Maghahalf-day daw kasi siya dahil sasamahan niyang mamili ng mga damit ang kaniyang boy friend na tawagin nating si Billy. Malaki raw bilbil eh. toinkk.



Magsisimula na raw kasi ng trabaho sa ospital, sa admin. kasi Management daw ang tapos. Ahhhhh. 


Wala yatang planong ipakita sa akin para kaliskisan. Kabibili ko pa naman ng mga baghong kutsilyo. Hmmm.


Nagulat ako nang sunduin ako ni Brad sa trabaho nang hapong yaon. Bilog ba ang buwan. May storm ba? Di raw siya pumasok pero tinapos daw niya yong computer ng kapit-opisina nila.


O hige kako at ililibre ko siya sa Goldilocks. Take out na lang kami at kakain sa bahay para pati naman si Dina ay makatikim.

Kinumusta ko yong boyfriend ni Angelina kung anong anyo. May ilong ba, may matam may tenga, Wapo ba?


"Tahimik," sagot ni Brad. 


"Aba ay magkakasundo kayong dalawa. Kung magkasama kayo sa isang lugar dapat ang theme song ay Sound of Silence". Tinikman ko yong dinuguan. Hmmmn sarap. Wala yatang balak kumain. Tinawag ko si Dina na nanonood ng TV sa itaas habang may kausap sa phone.



"Kain na. Tikman mo. Nagpatay ako ng baboy at nagluto ng dinuguan". Hinabol ko pa yang babyo na yan.  I LIED. Sanay naman sa akin si Dina, Eh siya rin bibili rin ng lutong pinoy, ilalagay sa kaserola, iinitin at sasabihing luto rin niya. 


"Alam mo Brad, dapat hindi ka na naghintay kagabi kasi may hinala ako talagang sinadya nila yong huwag kaagad sumipot. Syempre gusto nilang magkasarinlan. Nagkaroon ka ba ng sex education sa school. Ang alam ko unang crush mo itong si Angelina."

"Hindi naman, mayroon  din noon." sagot niya.



"Ah yong isang tingin, isang hayyyy, isang tingin, isang hayyyy. Ni hindi ka makapanligaw eh." malaking subo ng tilapya ang kinain ko. Binawi ko kagabi. Pinaghintay nila ako. Magdusa sula.  Sama ng ugali ko talaga. 


"Balita ko Brad, di ka pumasok." singit ni Dina.

"Sinong nagbalita saiyo?" tanong ni Brad.
"Si Angelina, Kausap ko kanina sa phone. Ihahatid daw niya bukas ang love of her life sa trabaho nito. Nagkataon, katabi ng ospital na tinatrabahuhan ko ang ospital na yon at ang dami kong kakilala doon.


"Siyanga pala alam ni Angelina na nadito si Brad: dagdag ni Dina.


Biglang nabilaukan si Brad.

"So anong gagawin mo ngayon na nandiyan na ang boyfriend ni
Angelina. Maghihintay ka pa ba ng Pasko? " tanong ko.


Hindi siya kumibo. Naawa na naman ako. Talagang ang puso ko maawain.

Nagpaalam na siya.

Patulog na ako nang tumunog ang telepono. 

Hilew. Si Angelina. Anong gusto niya sa disoras ng gabi?


Pinaysaamerika

No comments: