Advertisement

Friday, June 18, 2010

Tne Comments, The Nails, The Balisong and Bigfoot

Dear insansapinas,
The Comments
Ngayon ko lang napansin na marami akong comments na parang bulang nawala. May mga comments na nakasulat naman pero sa blog ang lumalabas, isa lang. Meron bang multo dito?


The Nails
Noong nakaraang mga araw, may nag-ayos ng bubong namin. Umuulan-ulan kasi at may marka ng tubig yong aming kisame.


Kahapon habang tinitingnan ko kung uulan, napansin ko ang mga dulo ng pako sa kisame ng patio namin. Ang hahaba. Tumagos sa kisame.  Siguro yon ang gumagawa ng mga higaan ng mga taong natutulog sa pako. Ang mga istup---.Arghhh


The Balisong


Nagbabasa ako ng isang best seller novel. Nabanggit ang Filipino Balisong. Pinagbawal pala ang pag-import noon.At least binanggit ng author na Filipino at balisong. Ang iba isusulat lang yon na fan knife o whatever. Sa Batangas noon ala eh, pinambabalat namin ng mangga.





The Bigfoot

Bigfoot In Burke County? Residents Discover Mysterious Footprint

Matagal ko nang nababasa itong Bigfoot na sinasabing hoax. Ngayon ko lang naalala ang isang island sa Bicol na may nakikitang malaking footprint sa mga batuhan.

Hindi kasi Bigfoot ang tawag nila doon. Higante. Ang sabi ng mother ko pwede raw maglagay ng sampung kalabaw sa footprint.  Ang isa raw footprint ay nasa kabilang island. Magkakatabi kasi yong maliliit na island na walang nakatirang tao.

 Tapos meron akong pinsan noon, mas malaki pa ang paa kay Kobe (oy nanalo sila). Pag natapakan ka para kang dinaanan ng pison. Wala kanyo yon, ang pinsan ko babae. Pag natulog yon, hindi kasya sa katre. Mahigit six feet ang taas. Isang baldeng margarina ang kinakain, noong bata pa, Lee, promise. Siguro nang magsabog ang Diyos ng height, sinalo para sa lahat ng clan. Ganid. mwehehe. (tingin sa salamin sa banyo,kailangan ko pala ang tapakan para makita ko mukha ko. sigh),

 Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

hahaha yung mga comments na yan matagal ko ng nakita yan bat kako nangawawala kala ko naman alam mo din na nawawala mga comments mo.
ako pa e palagi kong binabalikan pati yung mga lumang post mo
baka my mga nakiki chika na iba e maki chika nalang din ulit kaya ako nababalik at
napapansin ko nangangawalaan.

speaking of tangkad na pinakyaw, yung aming clan e puro maliliit at mga balingkinitan,kaya lang naman kami naglakihan ng konti sa average e nahaluan ng ibang lahi, lahi ng mga itang pinaglihi sa ilokano jejeje,pero yung aming bunso na sisteret e magandang babae kaso di natatanggap sa trabaho,e sukat ba namang ang height nya e 4'10 pero ang nakalagay sa CV nya e 5'2 at pag tinanong ng interviewer na "bakit 5'2 ang nakalagay di naman totoo" banatan ng sagoit yung interviewer ng "feel ko 5'2 ako, masama ba yun", ola dipa nagsisimula ang interview tapos na kagad jejeje.

cathy said...

sa amin, yon lang namang pinsan kong yon ang matangkad. average height ng mga lalaki sa amin ay 5' 6.

ako huwag mong tanungin, tatlo lang aking sinusungalingan, ang edad, ang weight at ang height. mwehehe.

Anonymous said...

hashahahahaha naku mam
ako open na open ako dyan hahaha
sabi nga nila,kung ayaw mong my makagalit e wag mong tanungin edad ng babae hahaha ako matagal ng buking hahaha

~lee