Advertisement

Sunday, June 27, 2010

Kris Aquino said it is over

 Dear insansapinas,

Update: Ang tatlong dahilan sa paghihiwalay. Ewan ko kung gaano katotoo.


Tatlo ang rason na ibinigay ng super reliable source na insider ng Dos kung bakit lumala ang away ng mag-asawang Kris Aquino and James Yap.
No. 1 – Nanghingi ng favor si James na kung puwede raw sanang tulungan ni Kris ang kapatid niyang nurse para maka­kuha ng US visa at ma­kapagtrabaho sa abroad. Pero parang na-misinterpret daw ni Kris at nagalit.
Sagot daw nito sa asa­wang basketbolista, hindi sila ganun na parang gumagamit ng connection.
Nurse ang nasabing kapa­tid ni James na sa bahay nilang mag-asawa nakatira habang nag-aaral.


No. 2 – Nagalit si Kris kay James dahil nagpa­alam ito na dadalaw sa kamag-anak sa Negros na hindi kakampi ni P-Noy nang kumandidato.Ayaw daw ni Kris at hindi pinayagan.

No. 3 – Nawala na rin ang closeness nina James at Joshua kaya talagang mainit na raw ang dugo ni Kris sa asawa.

Balita na matindi ang away ni Kris Aquino at ni James Yap. Nanahimik daw si Kris pero ang alter ego naman niya ang nagsasalita si Boy Abunda minus the crying scene. Maraming mga reporters ang nagtangkang alamin ang dahilan ng away pero nababaliw ba sila. Siyempre kay Abunda niya sasabihin iyon at sa The Buzz. Kaya exit siya sa The Buzz with a bang. My marriage to James Yap is over. Bonga.


Ito ang transcript ng interview ni Boy kay Boy eheste Kris.

MANILA, Philippines - This is a transcript of Kris Aquino's interview on "The Buzz," Sunday (June 27), where she disclosed that she has given up on her marriage to basketball star James Yap.
BOY ABUNDA: Krissy, maraming tanong, maraming opinyon, speculations. This is your chance. We will listen. What do you have to say?
KRIS AQUINO: First, I'm sorry about Tuesday [engagement in Cebu]. For so long, ilang buwan naman na nagampanan ko ang lahat ng tungkulin ko, lahat ng responsibilidad sa trabaho at sa kampanya kahit na mayroon kaming pinagdadaanan sa tahanan namin. It was a sign of weakness on my part not to show up, and I'm sorry about that. I'm sorry that you had to be the one to answer because you felt uncomfortable making up an excuse.
About what we've been through, I think naman Boy hindi lahat sikreto sa inyong lahat, kung ano ang mga napagdaanan namin in our married life. I think also the whole Philippines is fully aware na when my mom was alive and ngayon, my siblings have tried to bridge whatever gaps -- and I mean gaps, marami na kasi. Tinry nila na tulungan kaming ayusin yung mga problema namin.

I have not sat down [with my siblings]...lahat through text -- kay ate, kay Pinky. Through phone, nakausap ko si Viel. Nagtext din kami ni Noy. Siyempre sila lahat, gusto nila sana maayos pa.
I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work.
On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na.
Ang dami kong pinag-isipan kung paano ko maibabahagi sa lahat kung anong pinagdaanan namin without revealing anything painful. But there's no way of doing that. 
Last night, mga 4 in the morning, hindi ako makatulog pa. Katabi ko si Baby James, and I think he had a bad dream kasi he started to cry in his sleep. And that's when it came to me, and I'm sure lahat ng mga nanay maiintindihan ako. Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part I'm saying, is over, the only person I will owe and explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son.
And kagabi Boy, narealize ko, the worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old and mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are 2 sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him.
But I'm sure you will all understand me. My decision to keep quiet is not because on June 30 magiging presidente si Noy. My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag inexplain ko kay Baby James, number one mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today.
I know that will leave so many unanswered questions, but those questions, only Baby James deserves to hear the answers to. Siguro Boy, this is part of growing up. It's part of realizing that yes, I am public and I owe all of you an explanation, but apart from God, the only one I'm answerable to is kung di man mga kapatid ko eh ang anak ko.
So sana po, maiintindihan ninyo po ako na yung mga legal na aspeto ng pagsasama namin ni James, inuumpisahan na naming ayusin lahat yun. Kung anuman ang mga naging problema namin, kung anuman ang mga napag-awayan namin, kung anuman ang naganap sa tahanan namin, let it stay there. Because I'm doing this for my son, because he's only 3 years old and he really doesn't deserve na kung ano yung trials na pinagdaanan ng parents niya, kailangang ungkat-ungkatin at ulit-ulitin, wag na.
Kung this will mean na maraming hindi makakaintindi sa akin or sasabihin, ijujudge ako, then let it be. I don't mind. The world can judge me. I just want my son to be able to respect me and respect his father. Because at the end of the day, ang utang namin sa kanya. Kasi ang pinakamaaapektuhan ng pangyayaring ito ang anak ko. To a certain extent, of course, it will affect Josh but it's really Baby James who will really be affected.
And maybe, yung sinasabi ng mom ko sa akin parati na 'Krissy, love is bringing out the best in each other.' Maybe Baby James is really bringing out the best in me. And that's it, Boy. I really hope they understand that this is for my son.
BOY: Naiintindihan ko. Maraming salamat, Krissy.

Pinaysamerika

7 comments:

Anonymous said...

di bagay kay kris my asawa, manipulator kasi sya at controlling,gusto nya lahat under sa kanya pati asawa nya,kaya bagay lang syang walang asawa, at yan din ang dahilan kaya di rin bagay sakin my asawa kasi gusto ko ako palagi ang nasusunod at ako ang boss mwehehe.
~lee

Anonymous said...

nagluko nanaman ang connection ko, nawala yung comment ko hmpt!

~lee

cathy said...

lee,
totoo yan. yong in-laws niya, napuntahan niya lang noong "hiningi niya" yong kamay ni james. hehehe

wala man lang silang pics na dumalaw sila sa pamilya o yong pamilya dumalaw sa kanila.

si baby james, sinabi niya hindi niya na pag-aartistahin, balik na nman doon sa teleserye na palagay ko wala mang lang masay si james.

besides bata si james ng maraming taon.

bakit kailangang iaannounce nila ang problema ni kris doon sa mga bata at mga titser dahil hindi lang siya nakapunta.

si sandra bullock, hindi mo narinig magsalita.

ang mga asawa ng politicians dito, kahit may problema sa asawa, hindi sinasabi sa public not unless ginagamit as propaganda.

Anonymous said...

mam, si kris, magkakasakit pag walang scandal, aatakihin sa puso -pag walang naisambulat ng baho nya o ng pamilya nya, ukng ikaw ba matinong pagiisip, sarili mo binuking mo nung araw na my tulo? nyahahaha kundi ba naman talagang pinanganak na my kakambal na scandal hahaha.
~lee
yung picture nyang ipinost mo, parang sinasabi "nom nom nom hehehe next victim pls" bwahaha

Anonymous said...

obyus naman mam na kahit ang family ni james di sya type, nagkataon lang na my impluwensya siya kaya nagsawalang kibo nalang, expected naman na di sya tatagal ng my asawa,wag nalang sya magasawa,tumahimik lang sandali dahil kampanya ni noynoy,ngayong tapos na e isa isang sasambulat yang mga scandal nanaman bwahaha that why i love kris, wqlang ka boring boring ang syowbiz sa kanya.
~lee

cathy said...

bilib talaga ako saiyo. nababasa mo ang aking isip. nalalaman mo ang aking intention sa paglalagay ng mga retrato.

may mga tao talagang ganoon yata. gusto may iskandalo. sabi nga nang isa kong nabasa, hindi siya makatiis na di makagawa nang pag-uusapan tungkol sa kaniya.

napanood ko noon yong pamamanhikan niya, para yatang asiwa si james na humawak sa kaniya.

tama ka siya ang gumagawa na maging exciting ang entertainment. pag wala siyang balita, hindi mabenta ang mga showbiz news.

pero may mga taong sawa na rin sa intriga niya.

makakuha kaya siyang lalaki na magpapacontrol sa kanya?

Anonymous said...

meron naman mam, lalaking robot na de remote hahahahaha.
meron naman syang makukuha kahit pano pero gagamitin nalang sya at di sya seseryosohin at kung sakali e yung lalaking yun e ready sa mga scandal, super kapal ng mukha, gamitin lang sya stepping stone sa syowbiz,o mag-ala bella flores,madam auring,melissa mendez at tiya pusit sya hahahahaha.
pero labs ko pa rin si kris sempre.

~lee