Dear insansapinas,
Where have you been? Part 5 ( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).
Pinatawag ako ni boss lawyer. Palagay ko nagsumbong si JB na hindi niya ako makasundo. Oweno.
Maganda ang kapatid niya. Forever page boy ang kaniyang buhok. Green ang mata niya at talagang class ang dating. Ang kapatid niya kasing doctora pag hindi nakasmocks, parang celebrity kung magdamit. Mukha naman talaga siyang artista. Blonde ba naman ang buhok at blue ang mata. Mana sa grandmother niya na model daw sa Europe.
“ I appreciate what you have been doing to my dad. I admit you are the only person he communicates with. My mom just get the kiss and the smile. Me too.”
I wouldn’t ask you how you do it but even before he trusted you already.” Pasakalye niya.
“Thank you.” Sabi ko mahaba pasakalye. Baka kasunod ay pagbalik ng prusisyon sa simbahan.
“But”. Naku nandiyan na ang but. Biglang thought balloon.
“It seems my brother has a difficulty working with you.” Patuloy niya.
Hindi pa kasi ibagsak ang ibabagsak na you are terminated. You will receive your check from the mail. Ngayon pa na may nareceived kami sa office ng nag-aaprove sa mga iskuwelang itinayo. Kailangan dawn ng mga evaluation sa ginawa kong syllabi. Panibagong basahan na naman ng libro ito ng nursing books. Para na rin akong nag-aral ng nursing.
“ He has he best intention to help your dad cope with the health issue. I can not fault him for his ideas. But I have also to insist what I think is best for him.”
Kung minsan ang bunganga hindi ko maisara.
“ Oh no, no, no. I am not reprimanding you for what you did. I know that you give a lot of thought to whatever you want to implement. I read your daily report and I agree wih your observations about my father. You identified the time when he’s alert or disoriented. You pointed to situations which caused him aggravations. I am simply amazed by that. We are guided how to behave so he will not feel that he’s abandoned. You react to situations calmly.My brother would not have done that because he is very emotional when it comes to our dad.
Ah yon pala, pero bakit niya ako pinatawag. Increase kaya. (ding, tunog ng cash register).
“You may be wondering why this conversation.”
(Thought balloon, congrats for winning the mind reading contest).
“ For three weeks, JB will be off your back. (she smiled and rolled eyes). He will be escorting mom in a cruise. Let them enjoy each other’s company. (rolleyes and smile ulit). That is an annual event for Harvard alumni and the families who like to travel. Usually, it is my dad and mom who went. “ Alam niya na palaging nag-aargue ang mag-ina. Hindi dahil sila ay magkaaway. Hindi sila magkasundo sa pananamit at lifestyle.
Patayo na ako nang marinig ko ang BTW.
“By the way, my mom and I decided to give you a raise.” Ngumiti ulit siya.
Ang lakas ng tunog ng cash register.
Pagbalik ko sa suite, nakasunod ng tingin sa akin si JB habang katabi niya ang kaniyang daddy, nanood ng TV.
Kunwari malungkot ako.
Tingin ulit siya. Gusto sigurong malaman kung ano ang nangyari.
Inom ako ng orange juice. Ohm. Fresh orange juice.
Pinaysaamerika
5 comments:
ahooooy walang nasasayang na episod, kala mo nung nakaraan maganda na e mas papaganda pa yung mga sumusunod na
kabanata,pero mam galing mo talaga manghula kahit kelan,
mapapakinabangan mo yan,pwede mo gawing sideline yang panghuhula konting ekekwek lang
at pede ka ng maglagay ng lamesa sa labas ng haus ni brader
"madam cat" o kaya "the great cat" or "tarot cat" hmmm o kaya "your future cat" parang di ok ah, "fortune cat"
kelan ka uuwi ng pinas mam tityempuhan ko makapahula seyo,
malay mo madiscover natin na yayaman pa pala ako o kaya magkakaanak pako ng octuplets at magkaron ng reality show.
whew! kala ko pa naman sasabihin, "your service is good but we need cash" o kala ko sasabihin "your service is very good but my brother is intimidated" jejeje
alam mo ba dito para makapanghula ka, magbabayad ka ng bond. ewan ko kung bakit. siguro para protection para sa mga kliyente na magrereklamo. hhahaha
nakita ko sa isang website yong manghuhula sa Quiapo. 19 kupong kupong pa. humihingi lang raw siya ng donasyon n 50 to 150.
ang hula naman ay lahat positive. hehehe
hahaha marami pang intriga yan, hindi lang kay JB. sa susunod.
aha mukhang exciting pa ang mga susunod na kabanata hahaha
Post a Comment