Advertisement

Tuesday, June 29, 2010

Heat Wave, Illegal Recruiters. Last Song Syndrome

Dear insansapinas,

Heat Wave
Yes, I am awake and I have done a lot of things while I am trying to find the elusive sleep. Naah, it's not  because of the heat wave which is on the tenth day already. I went out and I just could not bear the heat. Think of two eggs that you accidentally break on top of your car. Tapos naging fried eggs. Nang makabalik lang ako sa bahay saka ako nakahinga. Coolness. Isang basong malamig na tubig at tapat sa AC. 

Kinahapunan, umulan. Ang weather namin parang babaeng nagmemenopause. mwehehhe


Illegal Recruiters


Siguro naman nabalitaan na ninyo yong involved sa textbook scam at ngayon ay sa pag promise ng student and working visas. Nang mabasa ko ang pangalan ng company nila, parang may naalala ako. Hindi ko nga lang maalala kung ano yon. Toinkk.


Siguro sa pag-inom ko noong coke na nasa maliit na bote, naalog yong natutulog kong brain cells. AHA. Yon pala yong kumpaniyang pinacheck sa akin ng kaibigan ko nang nasa Pinas siya at kasalukuyang ginagatasan ng girl friend niya. Ganito yon, nag-aapply ang girl friend sa  trabaho dito sa States. Sa hotel daw. Pero kailangan ng pera.


Sabi ko sa aking kaibigan, huwag bigyan. Isa, girl friend lang niya yon, may-asawa pa at nasa Pinas. Nagbalikbayan lang ang kaibigan ko para madalaw siya. Ikalawang beses na silang nagkita. Sandali saka ko na ikuwento ang love story nila.


Hinanap ko ang website ng kumpaniya at contact us info. May telepono nga, wala namang sumasagot. Hmmmm


Long distance ulit kaibigan ko sa akin. Kinukulit na daw siya ng girl friend. 


Sa hotel daw magtatrabaho at in 90 days daw makakaalis na. Kaya yong unang makakapagbigay ng pera ay unang papaalisin.


Huli ka. Sabi ko sa aking kaibigan, ipupusta ko ang aking bolang kristal, peke yan.


Isa walang makakakuhang working visa in 90 days sa US. Ako noon inabot ng isang taon. Ngayon mas malala, taon ang binibilang.


Sa hotel ba kamo magtatrabaho. Eh noon...

nagbabawasan na nga ng mga empleyado. Maliliit lang ang sweldo ng nasa service. Nadadagdagan lang ito nang pinaghahahating gratuity (tips). Nagtrabaho ako sa chains of hotel sa accounting kaya alam ko ang mga sweldo nila. Isa pa, ang mga empleyado dito sa hotel ay kasapi ng mga union. Kaya nga nang  nag strike yong mga hotel staff namin paralyzed talaga ang serbisyo,


Medyo nagtampo sa akin ang kaibigan ko. Hindi naniwala. Pag-ibig talaga. Palaging nakaray-ban kung hindi naman bulag.  Me and my big mouth. Hindi ko alam kung binigyan niya kasi nahuli niya may iba pa palang boyfriend. Ooops, another love story.


Last Song Syndrome


Akshually, hindi naman last song syndrome. Nabasa ko lang kay resty yong tungkol sa kantang Malayo pa ang umaga.


Favorite namin kasi noong grupo namin noon sa California. Kami ay nagkabuo-buo dahil sa aming mga problema. Pag may problema ang isa, pinupuntahan namin pag weekend at nagkakaraoke kami. Paborito namin si Rey Valera at Basil Valdez. Ang mga kanta kasi nila ay talaga namang pang-emo. 


Minsan kumakanta yong aking kaibigan, may iyak pa siya, ginagaya pala siya noong two year old niyang anak.


Maghapon tuloy ngayon panay banat ko ng Malayo Pa Ang Umaga.


Malayo pa ang umaga,
'di matanaw ang pag-asa
hanggang kailan matitiis
ang paghihirap ko? 
at sa dilim hinahanap
ang pag-asa na walang landas

kailan ba darating ang bukas para sa'kin?


Pinaysaamerika

2 comments:

Resty Odon said...

Hahahahah!

Anonymous said...

hahahaha grabe mam, ang daming nakapilang love story na mga susunod sa post mo pero mas interested ako sa love story mo kesa love story nila hahaha
masyado lang akong chismosa mam, pramis, yung 2nd part ng love story mo pag natuloy mag ha hunger strike ako, kakain lang ako twing ipopost mo yung kada kabanata ng love story mo, at habang wala yung post ng kabanata hunger strike ako, matitiis mo bang mangayayat ulit ako sa gutom?(singhot) bwahaha
ang kapal ko talaga (sabay ilag)
~lee