Advertisement

Thursday, June 03, 2010

The Confrontation

Dear insansapinas,

Inischedule ko ang mga bisita ng boss ko araw-araw; one at a time. Hindi pwedeng sabay-sabay. Macoconfuse siya.

Dumating si The Nurse. Kung pwede raw kausapin ako. Hige. Punta kami sa dining room ng floor na yon. Para sa mga ambulant residents young dining room na iyon. Sa ground floor ng 25 storey-building ay ang dining hall kung saan kailangan formal ang suot. For residents only. Walang nurse na nakakapasok doon.

“Bakit naman inireport mo sa sister-lawyer ang nangyari?” May kataasan ang boses ni The Nurse.

Yon ang trabaho ko dito. Ako ang eyes and ears ng family. Besides kahit hindi ko isulat yon, may incident report sa nurses’ desk tungkol doon sa floor nurse na in-charge sa kaniya.

“Bakit ako nasama?” halatang galit siya.

“Hindi masama ang pagkakasulat ko saiyo. Nabanggit ko lang na ikaw ang iniwanan ko. Nakita ka ng mga nurses. Ikaw ang iniwanan ko sa doctor, otherwise, doon ko siya sa nurse iiwan.

“Nagvolunteer lang naman akong tumulong.” Ako pa ang masama.

“I appreciated yong pag volunteer mo pero sana noong nakatulog siya, dapat inindorse mo doon sa nurse na in charge sa kaniya dahil wala nga ako.”

“Nasisilip tuloy yong permit ko ngayon. “ sabi niyang nakasimagot.

To tell you frankly. Hindi lang ngayon naging issue yang permit mo. Tahimik lang ang mga staff pero considering marami ring gustong magmoonlight, magiging unfair nga naman kung may exemption.

“Akala ko pa naman kakampi kita. “

Wala akong kinakampihan. Ang problema ninyo sa facility ay sainyo lang. Wala akong jurisdiction. Pag binigyan kayo ng permit, walang problema sa akin.

“Takot ka bang maagawan ka ng trabaho? Tanong niya. Sandali, biglang nagpanting ang tainga ko. Boink boink. Hinga ng malalim. Controlled breathing. Ilagay ang kamay sa bulsa at baka magwala makasampal. Thank you for cooperation.

Tapos kalmadong sumagot. “Hindi. Kasi hindi ko naman trabaho ito. Hinahawakan ko lang pansamantala para kay A. Pero pansamantala lang ako permanente, gagawin ko ang dapat kong gawin. Excuse me pero may darating pang bisita si doctor. Got to go”

Roll eyes ako pag labas. Tseh. Walang hahara-hara sa daan, baka mapagdiskitahan ko.

Kinabukasan, masamang balita na naman. Nagquit yong night shift. Sinaktan daw ni Doc.

Naghihintay sa akin. Tinanong ko kung anong nagyari. May sugat ba siya?

Wala naman daw. Kaya lang verbally abusive daw at naninigaw.

Tinanong ko kung kinakausap ba niya. OO naman daw, pero sabi hinahanap daw yong si The Nurse.

Uhmm.

Tinanong ko kung pwede pa siyang magtiyaga habang maghahanap ako ng kapalit. Sige raw. Okay.

Tumawag boss ko. Sabi niya, tumawag daw si The Nurse. Available daw siya sa shift noong aalis na nurse.

Paano niya nalalamang aalis? Tumawag na ba sa kaniya? Isip ko.

Sabi niya, siya na lang daw ang replacement. At kukuha ng iba para sa isa pang shift. Pero yong schedule para na kay The Nurse. Uhmmm. Something fishy going on. Malansa.

Nanonood kami ng TV nang dumating ang boss kong lawyer. Balita niya sa father niya na darating na si missus at si JB kinabukasan. (Thought balloon, balik na naman ang puti kong buhok nito). Reminder to self…Makabili ng isang galong hair color.


Walang response ang matanda. Tiningnan ako ng lawyer parang nagpapasaklolo na kausapin ko ang dad niya.

“ Did you hear that Dr. , Mrs. B is coming tomorrow.”

“ Oh …yeah? “ noon lang siya nagreact. Tumingin sa akin ang anak.

May theory ako sa matanda. Hindi ko lang madiscuss sa anak.

Sabi ko kausapin lang niya nang kausapin kahit walang reaction. Sabi ko naririnig ka niya. Iniignore ka lang.

One way na pangsakit niya yon sa pamilya niya. At kailangang masabihan siyang mali ang ginagawa niya.

Pagkaalis ng anak ay kinausap ko ang matanda.

“We got to prepare for tomorrow.”

“Why” tanong niya.

“Because your wife is coming. “
Hindi siya kumibo ulit.

Tamang-tama pumasok si The Nurse. Hinalikan siya ng doctor kahit hindi siya hinahalikan.

Something fishy is really going on. Hindi lang malansa. Amoy patis pa.

  Pinaysaamerika

6 comments:

Lee said...

teka teka, nagpapahanap na ko ng gas mask at mukhang magkaka bantutan na ang tinatakbo ng storya allergic pa naman ako sa amoy ng isada at patis,pero bakit naman ang bagoong isda
gusto ko?lalo
pag pinigaan ng kalamansi yum kahit yun lang ang ulam ko solve solve na nyehehe.
abah, at akala pa pala nya e kakampi ka nya hahaha
di kamo ko mahilig magsuot ng pandisco na
kumukuti kutitap,ganda ah
diko mahulaan kung san at anung tinatakbo ng storya masyadong suspense.

cathy said...

ang gusto niya kampihan ko siya laban doon sa mga pinoy a foreign nurses.

ano naman ako si darna? may mga policy sila na hinakbangan ng amo niya dahil nga talagang para siyang linta kung makasipsip.

Anonymous said...

at pano mo syang kakampihan e bine brainwash nya yung pasyente.
at sabihan kapa ng takot kang maagawan ng duty huh, anu ka nurse?
kung ako yun mamemewang akot sasabihan ko ng...

"youre nothing but a trying hard pandekoko"

sabay irap at talikod, at after 3 hakbang lilingon ulit ng bigla at sasabihing

"and by the way.... forget it,I already forget what to say"!

Anonymous said...

2 klase lang naman yang mga sipsip e, una, di naman talaga magaling at nag gagaling galingan lang kaya takot mawalan ng trabaho at dinadaan sa sipsip.
ikalwa, wala syang bilib sa kanyang magagawa at walang
tiwala sa sarili kaya
dinadaan nalang sa sipsip, kaya
nga ba ako ayokong kumain ng kuhol,makati sa nguso.

~lee
(di nanaman ako maka sign in depuger)

cathy said...

gusto ko naman ang kuhol, pero toothpick ang ginagamit ko.

ang maganda pagdating ni jb. hehehe

Anonymous said...

sadista talaga, waaaa post na kasi bitin na bitin akooooooh!

~lee