Advertisement

Tuesday, June 15, 2010

The Lady Judge

Dear insansapinas,

Where have you been Part 18.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Mainit ang ulo ni The Doctor. Nagpromise kasi ang kaniyang anak na si JB na  babalik agad. Umuwi siya sa East Coast.

Pagpasok ko, naratnan ko ang isang bisita. Nang araw na iyon, dumalaw si Pinay na dati naming kasama. Siya ang receptionist/secretary ni Misis sa art gallery na isinara na rin. Siya yong crush ni JB na Pinay na biglang nagpaalam. Kaibigan siya ni A at nauna siya sa akin.  Sabi ni A, may-asawa daw yon at medyo may problema. Nagkaproblema nga siya sa asawa dahil nag-asawa siya ng US citizen na siyang nagbigay sa kaniya ng green card niya. Hindi pa niya nakukuha ang permanente niyang green card nang basta iniwan siya ni lalaki pagkatapos i-withdraw lahat ng pera sa kanilang  joint bank account (Pag kasal ka kasi sa US cit at ikaw ay penetition, joint bank account kayo, joint filing of income tax returns para proof na mag-asawa nga kayo). Pati ang bago nilang sasakyan ay tangay. Balak niyang umuwi ng Pinas kaya dumalaw siya para hingin ang telepono ni A. Gulat siya nang makita niya ako.


Tinanong ko bakit hindi na lang si JB ang pinakasalan niya. Halatado namang may gusto sa kaniya sabi ni A. Hindi raw marrying type si JB at mayroon ngang girl friend na judge.


Talking of the judge, kaya pala natagalan nang pagbalik si JB, kasama niya ang the Lady Judge. Baka magpoprose ng marriage. 



Naisulat ko na itong sa lady judge sa isang serye pero para may continuity dito ay isinulat ko rin. Ang gulo ko. toinkk


 Magkasama sila sa isang hotel. Paano ko nalaman, yong bill, dumaan sa akin, Sey ninyo, charge sa fafa.


Hindi ako pansin ng loko. Parang hangin lang ako na hindi nakikita. Minsan parang kurtina lang sa bintana na tinatagusan ng tingin pag sumilip siya kung maaraw. 
Tahimik din...


yong girl friend. Wala siyang make-up at kagalang-galang kung kumilos. Lady judge ba naman. Mahal na mahal si JB at matiyagang naghihintay ng marriage proposal. Gusto ko sanang tsikahin na paano siyang pakakasalan niyan eh ang daming tsiks.


Kaya lang pakialam ko ba. Bahala siya kung gusto niyang maging martir. Huwag na niya akong pagdalhin pa ng semento para sa monumento. Ahahay.


Martir na nga siya sa paghihintay ng taon. Biruin mo isang dosenang taon ang nawala sa kaniya. Hewan ko ba.


Bulong sa akin ng mader ni JB, tanggap na raw ng pamilya ang babae, pero siya raw eh medyo hindi. Aha intriga.


Alam ko namang unico hijo si JB kaya possessive ang mader niya. Uhmm.


Sa sulok ng mata ko nakita kong tinitingnan ako ng lady judge. Haynaku ha, hindi ako kalaban. Kahit na siya pa ang natitirang lalaki sa mundo (Sabi ko na huwag magsasalita ng patapos at kakainin ang sinabi). Wala akong interes.


Hindi sila nagtagal. Uwi rin sila. Para bang walang kakulay-kulay sang kanilang relasyon. Yon bang mag-aaway at magbababambuhan, tapos magbabati.


Nang araw na iyon may dumating na isang residente-pasyente. Tatlo na lang raw na bulate ang pipirma at magpapaalam na sa mundo.


Pinaysaamerika

2 comments:

Anonymous said...

yun ang masaklap, yung lahat ng naipon at pinaghirapan mo e matangay.
mam,baka kako nalimutan myung cont ng BMW (paaaaak, sabay sampal sa sariliko e apurada masyado marunong pa sa direktor).
my nadagdag nanaman na mga tauhan sa storya.
talagang pocket book na pocket book ang dating hehe.

~lee

cathy said...

hindi bago yang si Pinay. siya talaga ang gusto ni JB na maging kapartner niya at hindi ako. Simumbatan pa nga ako ni jb niyan.