Advertisement

Monday, June 28, 2010

The Wife

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 5
Naghanap ng kuwarto si Dina.  Sa pangalan niya. Siya rin ang nagbayad ng deposit at advance.

Hindi sila kasya pag dalawa sila. Can’t afford naman siyang magrent ng ng apartment. Pilay sa pagbayad sa dalawang inuupahan niya pero pansamantala lang daw yong siya ang tagabayad. Hohum. Hige na nga, kung saan ka maligaya.

Hindi na naman sila teen-ager. Ikalawang marriage na ito ni Dina Noong una sa isang matandang US citizen na Italiano. Dinivorce siya nang malamang pinadadalhan niya pa ang boypren niya noon sa Pinas. Feeling talagang charitable institution siya. Mabait naman siyang tao pero ganoon siguro talaga siya magmahal.

Kung merong Santa sa Tanga sa  Pag-ibig, irerekomenda ko siya. Highly Recommended.

Isang gabi  may nagbuzzer. Sinilip lo sa peephole. Babae.

Siya raw ay misis ni SAM.  Ha? Sabi ko pakiulit nga ? Yong dahan-dahan lang ang bigkas ng Misis.

Saan siya galing ?

Sa East Coast daw.

English spokening siya Mamah.

  "Are they going to be late?" tanong niya sa akin habang nakatingala ako sa kaniya. Matangkad siya sa akin ng ilang hibla ng buhok pero nakaboots siya.


Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay sa aking mga ugat, ibig kong simulang ang aking sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry,I got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.

Nalaman ko hiwalay na naman pala sila. Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh? Tsismosa.
"The marriage is over" explain niya sa akin nang walang tumutulong luha at walang kamerang nakatutok. Mas nauna siya kay Kris magdeclare ng The end ng kasal. Pero di pa raw finalized ang divorce.

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si Sam.  Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins. Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine.

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si S.May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi. Halos maloka siya  sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni S. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.


Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may nagtatawanan sa sala. 


Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Pinaysaamerika

7 comments:

Anonymous said...

Ahooooy ayan na nga po, di kaya tatay ko yan? ahahaha pero mukhang di naman e, wafu raw tatay ko batugan nga lang ahahaha.
~lee

cathy said...

matanda na lee, 70 years old na. yong kaibigan ko noong mapangasawa siya, late 20's lang.

Anonymous said...

ngek, 70 na si sam? at nagkapangasawahan sila? santisima (dina ko makakaatras,nakakain nako ng lunch kanina jejeje)
~lee

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
cathy said...

lee,
hindi si sam ang 70. yong unang asawa ni dina na nagpetition sa kaniya as fiancee visa.

Anonymous said...

santisima, ang gulo ko kala ko naman si Sam huhum hahaha
~lee

cathy said...

si dina nakarating sa states dahil siya ay nakapangasawa ng Puti.

si sam naman napangasawa yong babae dahil siya naman ang nagpetition.

matanda siguro si sam ng mga ilang taon kay dina.