Advertisement

Friday, June 11, 2010

The BMW

Dear insansapinas,

Where have you been Part 15.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Gumawa ako ng report sa bossing-lawyer ko. Nakipagmeeting siya sa administration. Hindi namin nurse yong involved. Nurse sa facility.


Pagkatapos ng meeting, ang babait ng mga Charge Nurses sa akin. (Charge Nurse ay yong namamahala per shift). Tatlong shifts, tatlong Charge nurses. Mabait naman ang CN sa gabi. Chinese siya. Yong mga nurses niya ang mga terror. Inalis na kasi namin yong pm shift private duty to accommodate The Nurse na hanggang ten lamang naman pala puwede.

Si The Nurse din ang pumapasok pag Sunday ng umaga, Ang ibang shifts ay ibang nurse na. Nag-usap kami ng CN. Sabi niya, personal na niyang pamamahalaan ang pagcheck si matanda at sasamahan niya ang nurse na hahawak dito.


Nang morning dumating si The Nurse para makibalita sa usap-usapan ng meeting ni boss.  Binalaan ako na mainit daw sa akin ang admin. So? Hindi naman ako empleyado ng facility. Empleyado ako ng pamilya. Magmaliit, magmalaki ang organisasyon, hindi mawawala ang intriga. Siguro nga may magnet na nakakabit sa akin. Mahanap nga. Toink.



Confused ang matanda. Nakita niya si The Nurse, Hinalikan na naman niya. Swak sa labi. Rolleyes kuno si The Nurse. 


Tapos nagpaalam.


Nasa kitchen ako ng facility,  para kumuha ng orange juice, (libre ang mga iba't ibang juice) nang marinig kong may-nag-uusap sa dining room. Nakatayo ang dalawa sa likod ng wall na naghihiwalay sa kitchen at sa dining. Si The Nurse at isa pang nurse.


Tagalog ang usapan.


"Put...na" hinalikan na naman ako ng matanda. Kadiri."


"Akala ko ba gusto mo yon para malakas ka sa matanda." sagot ng kausap niya.


" Sa simula lang yon, siyempre. " Ngayon, kuha ko na ang night shift at Sunday, kesehoda siya.Isa pa, napapansin na ako ngayon ni E."


" Yong engineer sa maintenance? "


"Oo, siyanga. haaaay, kilig."


"Sandali, di ka ba napapansin ni Mister?"


"Naku yon, basta marami akong kinikita, wala siyang sey."


May dumarating sa kitchen kaya, umalis na ako. Hindi ako napansin ni The Nurse.


Dumating si JB. As usual, may dalang malaking sandwich at kape.


Sabi niya, tuwa raw ang kaniyang kapatid sa pagiispy niya. "Natin" sa isip ko. pero pinabayaan ko na lang kunin niya ang credit.Total nakausap na ako ng kapatid niya habang tulog siya.


Nagtanong ang matanda ang pinag-uusapan namin. Inexplain ni JB ang mga kurot sa kaniya ng mga nurses.


" Ow. The Nurse does not hurt me at all. She even kisses me." Tapos ngumiti siya.Tahimik si JB. Lumabas.


Kinausap ko ang doctor. Hindi ko dineretsa na hindi sincere ang paghalik sa kaniya. Ayaw ko siyang masaktan. Medyo delikado yong issue at wala akong tiwala sa The Nurse.


Sa loob ko, inis ako sa The Nurse. Ang ipokrita.


Balik si JB. Tinanong ako kung kay The Nurse yong BMW na nakaparada doon sa parking ng mga employees. Sabi ko oo.
"Why?" tanong ko.
"I feel like driving." matalinghaga niyang sagot.


Pinaysaamerika







4 comments:

Anonymous said...

tsk tsk tsk!


yan mam, marami ding meaning yan hehe

~lee

cathy said...

hehehehe

maraming meaning din yan. lalo na nang muntik nang mahuli.

Anonymous said...

muntik mahuli?nino?
abangan...

~lee

cathy said...

abangan ang susunod na kabanata.