Advertisement

Tuesday, June 08, 2010

The Physical Therapist

Dear insansapinas,
Where have you been part 12. 
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)


Pinababalik ako ng boss-lawyer ko. Walang makakaya sa matanda.
Tinatanong nga niya ako kung anong secret formula ko.
Sabi ko I do not raise my voice especially when he is suffering from anxiety. I always assured him that he is safe with me. I guessed it is the trust and confidence that he had in me.

Si A matagal nawala and besides, ang memory ng matanda  sa kaniya ay isang magaling na housekeeper. Hindi  rin siya masyadong nagsasalita . May inferiority complex siya. Ako makapal. Ang mukha.  Pero ang trato niya sa akin ay kaibigan.  I am a friend na pwede niyang kausapin lalo pag walang nakakarinig at kami lang ang nag-uusap. Marahil nakasulat sa tadhana ang aming pagkakaibigan hanggang sa kaniyang kamatayan.Kaya marahil ako ang huling taong nakausap niya at nakita bago siya namatay. Pero huwag na nating pag-usapan yan.

Isa pa buntis na naman si A at kahit wala pang mg sintomas na mahihirapan siya sa kaniyang ikalawang anak, inaanticipate ng pamilya na hindi magiging regular ang pagpasok nito lalo at mayroon pa siyang anak na inaalagaan. Ang asawa niya ay retired na. Sabi nga niya siya raw yata ang pinakamatandang naging tatay. Si  A ay wala pang apatnapu, pero malapit ng mahulog. Isang taon na lang.


Alam ni bossing  ang aking trabahong naghihintay. Counter-offer siya ng suweldo na doble ng susuwelduhin ko sa school. 


Tao lang ako, Lee. May pagkagahaman. Nasa iskwela lahat ng aking tsikiting gubat at nagsusunog ng kilay kahit na ang kilay ko ay matagal ko ng pinatattoo. Kaya sabi nga ng iba, bakit daw hindi nagugulo at hindi masyadong tumataas. Sandali, bakit napunta sa kilay. Sa totoo lang dapat seryoso talaga itong nobelang ito.


Kinwenta ko ang dagdag na dolyareses. Omoo na ako. Hindi na nagpakipot. 

Nag-usap kami ni A. Sabi niya mahihirapan siya pag walang trabaho kasi retirement pay na lang ang kanilang aasahan. Pinayuhan ko siya na lakarin niya ang sa SSS. Meron ding matatangap ang anak niya. May bahay na naman sila at bayad na. Pag nakapanganak na siya ay gusto niya ang trabaho, ibibigay ko sa kaniya ulit.


Feeling santa ako sa sinabi ko. Meron pang bilog na halong lumabas sa aking tuktok. Aleluya. Alam ko yong puwesto ko sa iskwela ay hindi ibibigay sa akin pag kailangan ko. Pero totoo naman ang sinabi ko. Promise.


Nang araw ng aking pagbabalik, dumating si Physical Therapist. Hinahanap si JB.

Siya yong habol na habol kay JB.  Nang  hindi siya pansinin, yong Charge Nurse na lalaki ang "niligawan" niya. Bago lang na nurse yong lalaki. Siya ang nagdadala ng mga gamot sa residente.  Balita ko doon sa isang nurse ay brineak na raw ni PT dahil "mahirap" lang at hindi tanggap ng pamilya. Ano ba yan bakit may teleserye rin sila. Akala ko ba sa Pinas lang yong poor-boy-meets-rich-girl-they-fell-in-love-broke-up-because-parents-will-disinherit-the-rich-girl. Kanino ba kasing script yan?



So ang target ni PT ay si JB na trust-fund baby na ang dami namang hinahabol na mga tsikas. 


Nakaingos siya nang sinabi kong wala pa si JB. Sabi ko huwag siyang mag-alala, isusulat ko sa reminder na dumating siya...rolleyes.


PT siya, hindi man lang binati yong matanda kaya pag-alis niya. Tanong ng matanda kung anong gusto ng babaeng pumasok.


Sabi ko naghahanap ng nawawalang kalabaw. (water buffalo). 


Confused siya kaya sagot niya." Meron ba tayo noon?"  Sabi ko meron, nawawala nga lang.


Biglang dating si JB. "Hello, hello, hello", Hinalikan ang ama at hinarap ako. 


"So you are back". sabi niya.


Sagot ng father niya na confused pa rin. "Why where did she go?" 


" Oh, Dr. B, I had my short vacation  in our backyard. There is a small stream and I have to paddle to go after a big fish that got away." Patama kay JB na hindi sinipot ng babaeng nameet niya sa cruise nang dumalaw siya sa UK. Sabi ni Misis, baka raw hindi naman talaga totoo yong kwento niya sa cruise at ayaw siyang mabuking.


Tsssk tsssk. Iiling-iling ako na nakangiti.Kulang na lang sabunutan niya ako.


"Oh, by the way, PT came, asking for you." 


Sagot nang papa niya. "Is that the lady looking for the missing buffalo?" 


Pinandilatan ako ni JB.


Pinaysaamerika

2 comments:

Lee said...

hahahahaha
bitin nanaman akoooooh....
ganyan din ako dati, kilala ako na maofferan lang ng mas mataas kahit di doble e sunggab nako aba e
ang mahal ng gatas ng anak ko nung araw, biro mo nung baby yung anak ko e ang mahal ng gatas, isang lata e 500php at 3 araw lang tipid payun e kelan pa yun?mahigit isat kalhating decada na yun e magkano lang ang minimum wage nuon,
kaya palagi akong insulto ng boss ko na dagdagan lang daw ng
isang latang gatas ang sweldo ko e lilipat nako dun sa
nagooffer at
nalimutan na loyalty....loyalty? natitimpla ba yun? bakit? saan at anung kompanya ba ang my loyalty sa tao nila aber?
walang loya-loyalty sakin,
ang loyalty ko nasa sikmura ng baby ko that time,inaabot ako ng hilo sa gutom pero tinitiis ko yun para pambili ng gatas nyehehe
ngayon nalang ako di
nagtitipid at panay ang lustay kasi dina nag gagatas ang anak ko hehehe.
alam mo ba mam na kanina pako pabalik balik dito kakaabang?so wala akong mabasa kaya yung mga love letter mo sa baul ang hinalukay ko na puro bitin din naman hahaha.
yung kay JB, Robert de niro at traitor, biro mong nabasa ko yun for today lang? para ko nagbabasa ng pocket book, sus puro bitin pa rin at naiwan akong nakanganga dahil panay hanap ko sa kasunod e wala na hahaha

cathy said...

hindi ko pa naayos yon lee,
mali pa ang mga title, hindi ko nga alam kung bakit. marami akong teleserye diyan pero hindi tungkol sa akin. hehehe. may pasundot-sundot.