Advertisement

Sunday, June 27, 2010

The Arrest

Dear insansapinas,
Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 4
Tawag kay Dina. Tawag mula sa Presinto. Kung tama ang aking baraha, si boypren yon. Ano kaya ang kasalanan, murder, robbery  o kidnapping? Kasi kung traffic violation naman yon, padadalhan lang ng notice na kailangan niyang magbayad at mag-attend ng  schooling.

Bumilang ako ng sampu, nasa lima pa lang ako, kumatok na siya sa kuwarto ko. 
Nang hihiram ng dalawang libo. Muntik kong malunok pati yong basong may malamig na tubig. Anong akala niya sa akin Federal Reserve Bank?

Nakasuhan daw, illegal possession of ugly face eheste drugs.

So?

Sabi ko huwag siyang pupunta. Sabi ko tawagan ang kanyang mga kapatid, magulang at isang batalyong kamag-anak. Ano siya nababaliw, bakit siya ang magpapahiram ng pera. Hiram ba o bigay?


ORAS na pumunta siya sa istasyon ng Tren eheste polisya, magiging suspect din siya.

Bakiiiiiiiiiiiiit? Eh kaso possesion of illegal drugs. Nakuha sa kotse niya. Baka akalain, nagdadrugs din siya.

Ang tarantado talaga. Drug addict pala.

Hindi naman daw. Naiwan lang daw ng kaibigan niya sa kotse. Bah hindi lang siya bail bondsman, may ambsiyon pang maging lawyer.

Hoyyyyyy, kapag ang droga ay nakuha sa kotse mo at ikaw ay mukhang addict o high,
no ifs. no buts.

HAA, kahit na five dollars hindi ako magbibigay. Bigyan siyang leksiyon.. Kung magdurog din kaya ako ng siling labuyo at ilagay ko sa kinakain nila sa bahay. Priceless.

Tumawag si Dina sa mga kapatid ng boypren niya. Ayaw ding tumulong Buti raw makulong.

Nagpaalam si Dina na dadalawin raw niya.

Ilang buwan ding nakulong si SAM. Tapos pinalabas para community service. First offense raw.

Naging born again sa loob. Sabi ni Dina panay daw may praise the Lord pag nagtatapos ng salita.

Hmmm, sandali kaagad naman naconvert. Hmmmmm

Pero hindi na siya nakatapak sa bahay kahit ilang pang bibliya ang iharap niya sa akin. 

Makapagsabit nga ng maraming bawang.

 Hindi epektibo.

Isang gabi, dumating sila. May dalang maleta si SAM.

Sabi ni Dina, pinalayas daw ng landlord. Pansamantala raw titira sa bahay habang naghahanap ng trabaho at ng titirhan.

Balak pang gawing halfway house ang bahay.  Pag pinilit niya yon, tatawag ako ng pulis. 
Takot lang niya. Conditional yong pagpapalaya sa kaniya.


Hindi sila pareho kumikibo.

"Hoy babae, kung gusto mong magpakamartir, doon sa malayo sa akin. Dahil kung ikaw ay babarilin sa Luneta, ako ang sisigaw ng FUEGO."

Pinaysaamerika

4 comments:

Anonymous said...

mwehehe, ikaw mam ang sisigaw ng fuego at ako naman ang kakalbit ng gatilyo, may gusto din akong barilin, pero dont worry, hindi yang mag syotang Dina at Sam ang gusto kong barilin, my iba akong
gustong barilin at this moment jejeje.
langya,kung ako kay Dina, iiwan ko na si Sam sa ere, walang labs labs sakin pag ganyan palang magiging sakit kolang sya ng ulo, goodbye bulag na pagibig, itatry ko naman next yung pilay na pagibig nyahaha.

~lee

cathy said...

pakainin mo na lang ng dinurog na sili. hehehe

cathy said...

bulag yan lee, literally kasi di niya tiningnan ang hitsura. hindi sa nanlalait (talagang ayaw aminin) ang sama ko talaga. hehehe
bingi siya dahil hindi siya nakikinig,

malalaman mo bakit siya pilay sa susunod na kabanata.

Anonymous said...

bwahahahahaha anu beeeeeeeh dipa pala natapos dun hahaha nasa kanya na pala lahat litsi hahahaha.
di ako kumain ng lunch kanina pramis,nalutan ko sa sobrabf pagka busy kaya ok lang hahahahaha
~lee