Advertisement

Saturday, June 12, 2010

The Judge and the Knitter

Dear insansapinas,
Where have you been Part 16.

(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Hindi siya ang lady judge ni JB na matiyagang naghihintay ng marriage proposal. Siya yong judge na nandoon sa resident facility. Dementia na rin siya kaya nasa isa rin siyang private room. Iba ang resident facility na state-run at iba ang facility na may bayad. 


May pera ang pamilya ni judge kaya siya nandoon. Pero hindi sapat ang maganda ang facility na lalagyan sa mga matatandang magulang. Kailangan din nila ang dalawin regularly para hindi nila masabing abandonado sila.


Sa department na yan walang tatalo sa pamilya ni JB. Talagang alaga ang ama.


Si Knitter ay isang matandang babae na may kaya rin. Knitter ang tawag ko sa kaniya dahil nakaupo lang siya sa kaniyang wheel chair at kunwari nagniknit. Purl 1, Knit, Purl 2 Knit. Mabait siya. Hindi niya sinisigawan ang mga nurses. Nakatining lang siya tagus-tagusan saiyo.


Minsan ay nagkakagulo ang mga nurses. Si Judge nagbarikada sa isa sa mga elevators. Dinalaw siya ng pamilya niya, Nang makaalis ang pamilya, nakalusot siya sa laser guard.


Para sa mga nakakapaglakad pang residente, may inilalagay silang parang bracelet sa paa na oras lumampas sila sa isang parte ng hallway, ito ay magtatatarang. Tatakbo ang mga nurses niyan para alamin kung sino ang nagtangkang lumabas. Hindi sila bilanggo. Dahil nga may dementia na sila, ang ikinatatakot ay ang maglaboy ito at makalabas. Kagaya ng isang matandang babae na hindi pa nadidiagnose na may dementia at nakatira pa ito sa mga apartments sa itaas (Mga residente na walang sakit nakabili ng unit doon kung saan may security at services). May biniling apartment sina JB kung saan nakatira ang kaniyang mother at nagsisibi ring opisina,
Pag nagkaroon sila ng sakit, dadalhin na sila doon sa mga private suites kung saan may doctor at mga nurses on floor 24/7. Pag magaling na sila, ibabalik sila sa apartment nila. Pag may dementia sila, doon na sila maglalagi para maprotektahan.

Binuksan ng maintenance ang elevator para hindi magamit ng iba. Ayaw talagang umalis ang matandang judge. Binigyan na lang siya ng upuan para di siya mapagod habang pinalilipas ng kaniyang "sumpong".


Siyempre nandoon si Engineer, at nandoon din si The Nurse, nagpapabeautiful eyes. (slap, slap, slap).


Dating si JB. Nakita niya ang judge. Choir member pala si judge. Ang laki ng boses nito. Talagang judge nq judge. Sabi ni JB, bakit di mo gamitin mo ang iyong "magic power" para palabasin siya sa elevator?


Sabi ko ang dami nang nagtry, pati si The Nurse.

"Why don't you try? you little witch. Nakangiti siya. Nang-aalaska.


"Nak ng pating ang kulit. Pinagbigyan.


Awa ako sa judge, Nakaupo lang siya roong mag-isa.


"Hello, judge, how are you doin' today?"


"Waiting for my family."

"Oh, were they the beautiful couple and cute children that I saw with you?"


"You saw them?" 


"Yes, I did, only a while ago. You even saw them leave."


"No, they forgot about me, already.


"I don't think so. I heard you singing. I did not know you are a singer."


"Oh no. I am just a choir member."


"But you got good voice. Wow. I wished I stayed a while to hear you sing but I do not mean to mean to interrupt your bonding with your family. Aren't they sweet?"


"They really came? " tanong niya pero hindi tumitingin sa akin.


"Oh yes, they did. How would I know that you got these beautiful grandkids when I do not know you from Adam." By the way, don't you feel thirsty? I am on my way to getting my 100th glass of orange juice. Would you like to join me? 


"NO." 


Patay, hindi mabisa.


Patalikod na ako nang sabihin niyang. "Wait."


Naglakad kami, magkaabrisyete. 



"You must really be a witch. Tawa ni JB."


"Would you like me to turn you into a frog."


ribitt, ribitt, ribbit.


Siguro nga inilagay ako ng Diyos sa facility na yon para makita ko ang parte ng buhay na hindi ko nakikita. 


Sumunod na araw ay sinalubong ako ng balita na patay na si Mrs. Knitter. Nagulat ako dahil ang lakas-lakas pa niya.


Yon pala namatay sa lungkot at sama ng loob. Ang anak niyang lalaki ay nilimas ang pera at ari-arian niya kaya wala nang pambayad sa facility na yon. Executor yata ang anak niya.


Inilagay ang matandang babae sa charity ward doon sa facility. Mula noon ay malungkot na ang matanda. Hindi na siya dinalaw ng kaisa-isa niyang anak. 


Hanggang makita ng mga nurses na patay na siya sa kaniyang kuwarto. Pag ganoon ang nangyayari, nalulungkot ako. Hindi ko maipaliwanag ang aking kalungkutan sa awa sa matanda.


Pinaysamerika



.

8 comments:

Anonymous said...

ngayon ako talaga kumbinsido mam na nagkamali ka ng propesyon pinasok...
~lee

Anonymous said...

yan ang isa sa mga dahilan(isa lang naman sa napakaraming mga dahilan)kaya yoko sa remika na kahit ipagtulakan akot nasabihan na ng tanga dahil ayaw kong pumunta, e no regret talaga ako.
na para bang sa remika kalang makakatikim ng ginhawa sa buhay,masyado kasi akong old fashion pgdating sa family ties.
~lee

cathy said...

nakakaawa talaga lee. kaya nga noon pag wala rin lang naman akong ginagawa, naglilibot ako at ginigreet yong matatanda. kesehodang para ba ako ang director doon. Pinapasok ko ang mga kuwarto, inutulungan ko yong mga nurses na hirap pasunurin ang mga matatanda. kaya pag may problema sila tawag sa akin, minsan sumusobra naman.

meron doon matandang babae, may-ari raw yon ng deparment store chains, grabe lungkot niya. pag- umaga.

meron doong german na matanda. Pag nakita niya ako ngiti siya. prof ang awag ko sa kaniya

yong mga nurses kasi doon lalo yong mga poregner, ang tawag nila first name.

Lee said...

kawawa talaga, sa mga pinoy ba sa merika ganyan din? siguro naman yung mga pamilyang pinoy na nandyan e di ganyan, kasi iba talaga ang mga asian pagdating sa trato nila sa mga nakakatanda lalo pa nga sa mga magulang.

Lee said...

kaya nga sabi ko sa anak ko, wala akong pakelam kung sinung mapusuan nya di ako manghihimasok, isa lang ang hiling ko, yung kunin nyang mapapangasawa e may respeto sa magulang at di binabastos mga magulang nya, dahil kung yung mga magulang nya e nakaya nyang bastisin e ako pa ang hindi? baka kako maibitin ko sya ng patiwarik sa puno ng kamias jjejeje

Unknown said...

dito sa Amerika pag nakuha na ng mga anak ang kayamanan ng magulang, tinatapon na nila sa seniors home tapos kinakalimutan na nila, my friends neighbor, got sick after his daughter sold his properties, she promised to take care of him, but after she got the money, naglaho ng parang bula

cathy said...

lee,
ang mga matatanda naman dito ay hindi nilalagay sa nursing home, sa casino sila inilalalgay. Ahoy.

Ang mga pinoy na senior dito mahilig sa ballroom dancing. Merong mga nonprofit na itinayo ng pinoy para magbigay ng kasiyahan sa mga senior na. Kaya matatanda na pustoryosa pa at umaalingasaw ang pabango. hehehe

Taga-alaga ng mga anak at tagabantay nhg mga bahay ng mga anak pero at least kasama sila sa bahay.

Yong iban naman nagreretire sa pinas. pabing-bingo, pasakla-sakla. hehehehe

cathy said...

lorena,
karamihan yata ganiyan ang nangyayari sa mga matatandang ito. alam kasi nilang hindi na nila pakikinabangan dahil mauubos na sa pag-aalaga sa matanda.