Advertisement

Wednesday, June 16, 2010

Human Trafficking at mga Caregivers

Dear insansapinas,

Sabi ni Lee:

i have a friend na inaaya sya nung tiyahin nyang mag remika caregiver at sinasama pako,in 2 yrs daw kuha na green card, baket kako?sinu ba mysabi seyo type ko green card in two yrs 1000 lang sweldo libre accom at food kabayaran dun sa paglakad nila ng greencard.


Karamihan sa mga ganitong offer ay scam na nakakasuhan ng human trafficking. Papupuntahin doon ang mga tao ng tourist visa pagkatapos patatrabahuhin sa mga board and care o kaya maliit na nursing home na ari ng Pinoy sa fixed na suweldo pero ang oras ng trabaho ay sobra sa 8 hours a day at five days a week, kaya mas maliit pa sa minimum ang tinatanggap. Ito ang balita sa nahuling mga Pinoy.

 FBI arrests Pinoy couple for human trafficking

PASO ROBLES, California - The Federal Bureau of Investigation (FBI) raided four nursing homes and arrested a Filipino couple for human trafficking.Maximino and Melinda Morales are accused of allegedly smuggling at least 3 Filipinos and forcing them to work in substandard conditions.Investigators said the couple smuggled them through transit visas.The Moraleses are accused of forcing Filipino nationals to work 7 days a week with little or no pay.Prosecutors said the couple took away the workers’ passports and threatened to hurt their families or deport them if they left.
The couple is in Los Angeles now for their first appearance in court.
If convicted, the couple could face jail for a maximum of 10 years for each undocumented immigrant smuggled. Balitang America
 Iba ang board and care at iba ang malalaking state-run o resident facility o mas kilala sa community assisted living facilities na pag-aari ng private organizations. Kumpleto ang facilities at personnel dito. May doctor, may mga RNs at may mga nursing assistants.


Ang board and care ay mayroon lang mga anim hanggang isang dosena na pasyente na karaniwan ay bigay ng gobyerno. Dahil maliit lang ang kita dito at malaki ang risk,(pwede silang idemanda pag may nasaktan na matanda) karaniwan ay ang mga caregiver dito na kinukuha ay walang papel na may pangakong aayusin ang papel habang nagtatrabaho doon malayong mangyari at kung makakuha man ay aabutin ng siyam-siyam,  Usually, isang caregiver ang hawak ay mahigit sa anim na pasyente. Walang RN, walang doctor at walang dietitian. 


Habang naghihintay ng greencard, patuloy ang pag-exploit sa mga walang dokumentong Pinoy.
 Ang working visa dito ay karaniwan ibinibigay sa mga college graduate na kung saan ay penitition sila ng employer sa trabahong related sa pinagtapusan nila. Kung Accounting or Business, dapat na trabahong offered ay about business, management o marketing. Kaya hindi maaring ipetition ang isang business graduate para sa caregiving job. Hindi rin maaring bigyan ng trabaho na mababa ang pasuweldo sa dapat susuwelduhan sa industry.


Kaya nga yong dati naming kakilalang recuriter ay nakasuhan dahil mga managers sa Pilipinas, nirecruit ng agency nila pero pag dating sa Florida, tagasilbi lang pala sa restaurant at tagalinis pagsara na ang restaurant. Sa suweldo nila na fixed isang buwan, halos 12 hours ang trabaho nila at pitong araw isang Linggo.


Nakasuhan yong recruiter na yon ng human trafficking. Ang mga


 legal na convalescent or resident facility ay hindi tumatanggap ng caregiver kaya hindi sila nagpepetition. Ang mga tinatanggap lang nila ay ang mga lisensyadong mga nursing assistants. licensed vocational nurses at registered nurses. May mga character investigation at verification ng legal documentation bago matanggap sa trabaho. Ang facilities ng mga high-end convalescent ay parang five-star hotel. Ang mga apartment units ay binibili ng mga pamilya sa halagang isang milyon depende kung ilang kuwarto. Pag namatay ang residente, ang apartment ay babalik sa facility.

Maari silang magpetition ng mga nurses na tapos sa BSN at nakapasa sa NCLEX na ibinibigay na rin sa Pinas. 


Kaya pag may nag-offer sainyo ng caregiving job, sabihin ninyo thank you at bigla ninyong ITsee, kagaya ni Lee.


Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

hahahahaha
mam, pagka nga naman walang wala na talagang makapitan yung iba e tiyak kakagatin narin diva?
nagkataon lang na bukod sa my trabaho naman ako at diko talaga type mag remika e naku talagang diko kaya ang magiging trabaho kong ganyan, bata nalang alagaan ko malikot at makulit lang, kahit nga bata diko tagalan 5 minutes alagaan e hahaha
yun pang matatandang uliyanin na tapos sabi nananampal at nananabunot pa ng mga caregiver?
naku mam baka maitali ko sya sa kama nya at ipapapak ko sya sa hantik jejeje.
pero sabi nga,sa mga wala ng makapitan e kahit sa patalim kakapit,yan pa kayang remika at pangakuan ka ng green card,
e talagang kakapit na rin.
yun ngang isang kebigan ko nung nasa south asia pako,diplomat si asawa kaya itong si housewife e sosyalera at kumuha pa ng katulong sa pinas, at yung katulong na nakuha nya e midwife pa mandin ang natapos, nag training ng pagiging care giver pero di makaalis pa US at maniniwala ka kung magkano yung sweldo nung frend ko sa kanya?
100usd, muntik kong mamura yung frend ko,at muntik ko masigawan yung midwife na kako tanga bakit pumayag na ganun sweldo nya?kasi daw sa pinas sa center 3,500 php lang sweldo nya,at yung passport daw nya e yung frend ko na employer nya nagprovide lahat lahat,aba e natural kako,katwiran naman nung frend ko e taga luto lang naman daw at my 2 pa naman daw syang local na katulong...ahhh ganun ba kako?taga luto lang (buti di sila nilason jejeje) ayun ipinagkalat ko na marunong din yung bata na magmanicure kaya yung aking frend galit sakin at minumura ko kasi di nawawalan ng mga pinoy na nagpapamanicure dun sa bata hahaha.
ang hirap pa naman dun wala talagang nagmamanicure kahit isa kaya sabik kami magpamanicure, sabi ko tagain yung mga customer marami namang mga pera yun kako 500 manicure at 500 pedicure hahaha kagat sila lahat ako naman palaging libre ayaw magpabayad hahaha.
teka bakit nauwi sa manicure usapan???

~lee

cathy said...

may pinoy na consul na nagdala dito ng katulong, titser yata, ang pasweldo ay ganiyan din wala sa minimum wage. nagdemanda , ayon pinabayaran ang mga back wages.

di may ambassador nga diyan na nakademanda dito. yong nurse ginawa nilang katulong. pumalag. nasa korte pa yata.

di pa makakauwi yan, wala pa sigurong papel.

pagkatapos ng assignment ng consul, pauuwiin na. ang mga katulong niya siguro, nagttnt na as caregiver habang naghihinay ng papel.

Anonymous said...

oo nga mam my mga ganyan akong alam na sa remika ang ipinangako nila dun sa tao na pagkatapos nung duty nila dyan e maiiwan na dyan yung katulong na ayos na mga papeles kapalit nung pagsisilbi sa kanila na under paid.
yung pasport nung mga pobreng katulong e hinohold nila talaga at tinatago para di makalayas yung pobre at di pinapalabas ng bahay para walang makilala sa labas at masulsulan.
yun ngang friend ko palago kolang sinusumbatan kaya ayun
hinayaan nalang na magmanicure yung katulong nya kaso nakabantay din sya para di machikahan yung isa at sya ang nakikichika dami tuloy nasasagap na chismis ng bruha hahaha.

~lee