Advertisement

Friday, June 04, 2010

The Doctor's Wife

Dear insansapinas,

Masaya si Doc. Dumating na si misis. May pasalubong ako. Isang keychain na hugis shell at nasa loob ay retrato ng Santo.

Wala pa si JB. Pag gumising yon, tirik na ang araw, namamasyal na ang mga roosters.  Trust fund baby. Nakatira sa hotel sa malapit sa skilled facility. Pinagbili na nila ang malaki nilang bahay at siya naman kasi ay nakatira sa East Coast at pabalik-balik lang. Ang kasama niya pusa, na tinatawagan niya gabi-gabi sa kaniyang voice mail. Nakabantay yon sa may telepono at naghihintay ng tawag. Maniwala kayo.

Ngiti ng doctor abot tainga. Dating si The Nurse. Welcome niya si misis habang hinahaplos ang  braso nito. Alam ko ang ugali ni Misis.Suspetsyosa yon sa mga babae. 
Sabi nga niya ang anak daw niya ay a good "catch". If you know what she meant.

“How’s the cruise? tanong ni The Nurse.

Hyperventilate na naman ako. Breathe in, breathe out. Gusto kung hilahin sa labas at sabihing huwag nang banggitin ang tungkol sa pagkawala ng misis. Maagitate na naman ang matanda at maalala niya na iniwanan siya nang matagal.

“ Mrs. B , I think the partner of Dr. B in the pathology department is coming today. Bigla kong singit.

“ Oh, it must be …(pangalan ay Japanese). Isn’t that sweet. M” sabi niya sa asawa niya. “It’s been years that we did not see her.”

Naexcite ang matanda. Tiningnan ako para i-confirm. “ Well she called up yesterday to ask for an appointment and aslo inquired  what is the best time to drop by. She is happy to come by before she flies back to Japan.”

Dumating ang bisita. Magkasamang nag-istima ang mag-asawa. Hindi nakahalik si The Nurse.

Lumabas din siya. Tinanong ako bakit ko siya binara. Sabi ko hindi pambabara yon. Iniiiwas ko lang ang doctor na maalala ang pagkawala ng misis niya nang ilang Linggo. Rolleyes siya. Pinaikot ko ng parang ferris wheel ang aking mata. Tseh.


Dumating si JB. Parang hinihila pa ang sarili. Winarningan ko siyang huwag magbabanggit ng tungkol sa bakasyon kung hindi magliliparan ang mga gamit sa loob pagkaalis niya. Hindi naman nagtatantrums yong matanda sa harap niya pero dinidiskitahan ang mga nurses. Inignore niya ako.

Pasok siya. “Hello, dad?” Sabay halik sa pisngi.

Nakangiti ang matanda. Paborito niya si unico hijo.

Pasok si The Nurse. Hinalikan siya ni Doctor. Kung napataas ang kilay ni JB, kunti lang. Kung nagulat siya, hindi niya pinahalata.

“Hi JB,” bati ni The Nurse kay JB.” So how’s the vacation.”

Ayos. Sa isip ko kaya siguro hindi makapasa sa state licensing ang bruja dahil hindi marunong sumunod sa instruction.

Napatingin sa akin si JB. Nakangiti siya na para bang sinasabing, hindi siya ang nagsimula.

Nag-usap silang dalawa. Parang nakalimutan nilang nandoon si Doctor.
Ayaw na ayaw noon ang parang natitake for granted siya.  Yong para bang invisible siya. (Alam ko hindi Alzheimer’s ang kaniyang sakit. Hindi ko masabi sa mga anak. Hindi ako doctor. Pero sa mga ipinapakita niya, hindi symptoms ng Alzheimer’s yon).

Gusto kong pag-umpugin si JB at si The Nurse.

Kinagabihan, hirap ang mga nurses pang gabi. Hindi nila malapitan ang matanda. Nagwawala.

Pinaysaamerika

5 comments:

Lee said...

ay tanga!

Anonymous said...

para bang nananadya?alam naman nya at sinabihan mong wag magbanggit ng mga ganun sa presence nung matanda diba?
my mga taong ganyan,nakakaasar

lee

biyay said...

di yun tanga. malisyosa. ayaw nasasapawan sya.

cathy said...

lee,
hindi tanga, bobo. hehehe

cathy said...

biyay,
natural sa kaniya yong pagkaclueless at pagkaself-conceited.

siya lang kasi ang nurse doon na nakaBMW (hulugan naman) at tnt na madaling nakakahua ng papel.