Advertisement

Friday, June 25, 2010

Honey Pie at iba pang Pie Pie

Dear insansapinas,

Ang Pag-ibig na Bulag , Bingi at Pilay Part 2

Ikalawang Linggo ng pagkikilala, ang tawagan na nila ay Honey Pie at Sweetie Pie. (Inggit lang ako. Later, nang magpakasal ako kay JB, ang tawagan namin, Mr. B at Mrs. B. Para bang bubuyog). bzzzzz

Masaya ako para sa aking kaibigan. Masaya siya ulit. Honest, madapa man si Lady Gaga.
Dito naman kasi hindi porke boy friend mo na ay kasalan kaagad. Minsan taong nagsasama bago magpakasal. Tingnan ninyo si Harrison Ford (tulo luha) ngayon lang pinakasalan si Calista. Anyway back to the main story. 

Isang araw may nakita akong bagong furniture. Yong isang upuan na ginagamit pag nanood ng TV. Hmmm, sumikip tuloy ang sala. 

Regalo raw ni SAM kay DINA. 
Sumunod na delivery ay TV. Malaking screen. Galante. May konperensiya ng nagaganap sa aking ulo. Declaration of war.

Linggo, dumalaw si boyfriend. May game daw ang gusto niyang manood. Magsisimba muna kami sa misang panghapon. Kung puwede raw siyang maiwan sa bahay.

Hindi ako mapakali sa simbahan. Napapalakas ang aking boses sa pagkanta. Baka ako madiscover tuloy. Uso dito sa simbahan na may ikalawang homily pagkatapos ng misa. Hindi naman talaga homily kung hindi additional chance na magpaikot ulit ng collection box para sa project ng simbahan.  Gusto ko nang puntahan yong pari para tapusin na ang napakahaba niyang homily. Abah, lalong hinabaan. May batian pa ng mga bagong dating sa parish. Kulang na lang maging dedikeshyun ang homily niya. grrrr grrrrrrr


Pagkatapos ng misa, nagyaya si DINA sa convenience store. Bibili raw kami ng pagkain.


Bumili rin siya ng isang paketeng sigarilyo.

"Kanino yan? " tanong ko.

"Kay Sam." Pinabili niya ako dahil wala na siyang sigarilyo."


"Nagbigay ba ng pera ?" tanong ko.

"Hindi raw."
Palipat-lipat ang taas ng kilay ko. Dalawang nasyon na lang ang pipirma at babagsak na ang atomic bomb.

Dumating kami sa bahay. Maraming tao sa sala. Maingay. Mausok.
Amoy beer.
Nagkamali yata kami ng pasok.

Pero tama naman ang addresss. Nandoon naman ang aking retrato na nangiti at nakapatong sa isang mesa na ngayon ay parang nakasimanot na. At nandoon ang aking mga throw pillows na pinagtiyagaan kong tahiin
. Handmade ko gawa sa eyelet at may tatlong layers ng lace. Pinatungan ng bote ng beer. ARGHHHHH

This means world war, Pumpkin Pie.

Pinaysaamerika 

3 comments:

Lee said...

susmaryosep, nadapa ang gagang babae hahaha.
kasi naman yung sapatos nya e walang takong, parang sapatos ng kabayo.

naku mam,abusado naman pala at nag feeling at home na ang
lalaking pinamahayan ng bubuyog ang mukha(di rin ako kakain ng lunch bukas on time) aba e sakin yan kung malamig ang ulo ko,ipapabitbit ko sa kanya that same time yung TV nyat ipagbubukas ko sya ng pinto, at kung nagkataon mainit ang ulo ko,dadagdagan ko yung usok sa bahay para walang makakita ng gagawin ko sa kanya,pagkawala ng usok makikita nalang nila yung lalaking pinamahayan ng bubuyog ang mukha (ok,wala ng lunch sakin para bukas) sa labas ng bahay naglalakad wala ng ulo...yung TV na ang ulo nya,nakasuklob sa kanya.

cathy said...

lee,
hindi lang yan ang abuso niyan, marami pa.

nang mawala nga yan nabawasan ang timbang ko. mas epektibo kaysa sa diet pills.

Amy said...

lol kaya Umaasa ako sa iyo ay isang magandang panahon