Advertisement

Thursday, June 03, 2010

The OC and Boy Abunda

Dear insansapinas,
Tumawag ang aking kaibigan. Pagod daw siya. Sitter siya the whole night. Pag sinabing sitter, yong nurse ay nakatoka lang sa isang pasyente. Ang isa sa mga reasons nito ay baka bilanggo yong pasyente. Pag ganong kaso, maykasama siyang pulis na nagbabantay.

Yong binantayan niya OC. Kaya natatawa ako pag sinasabi ng mga blogger na OC sila sa kanilang profile. Hindi nila alam ang disorder na ito. 


Ang pasyente ng kaibigan ko ay hindi natulog magdamag. Inayos ang mga gamit sa ospital. Pinagpapantay-pantay ang mga bagay-bagay. Pati basura ay pinaggrupo-grupo katulad ng tissue, plastic cup at iba pa.


Gusto raw niyang itali. Napagod siya kasusunod.


Boy Abunda


Ano ang kaibahan ng feeler sa offer. Yong feeler, ganito. Feel mo bang maging Secretary ng Tourism?


Ang offer ay. I am appointing you as Secretary of Tourism.


"Fee"l pa lang tinanggihan na ni Boy Abunda kahit na ba ang sabi ni President -elect Aquino ay Atenista naman siya. Taas kilay. Kahit natapos siya sa ADMU (na hindi naman) ang ibig bang sabihin, isa sa qualification yon?

Pakibaba ang kilay ko. Nakadikit sa kisame nang umigkas. Toinkkk.


Isa pa ang pagtanggi niya ay hindi final. Baka sa isang taon, tanggapin niya. Does it mean if the position is right, like ambassadorship?


Ang kaniyang main reason ay financial. Wala raw siyang disposable income pag tinaggap niya ang puwesto. 
Next year ba, meron na siya? Hindi ba inoffer niya ang bahay niyang ipagbili noon?

Pero sabi niya: 


"I need a few years para mag-ipon sakali-kaling kung ako ay magdesisyon to join government

Para bang sinasabi niya na ang mga cabinet secretary ay maliliit ang sweldo at hindi pwedeng ibuhay ng pamilya. Insulto ba yon sa mga nagkakandarapang magkaroon ng pwesto ?




The bottomline na dapat niyang sinabi ay MAY KONTRATA PA PO AKO. yon lang.


Okay, am I closing my doors? I have a contract with ABS-CBN that I would like to honor that lasts until 2011. I will respect and honor the contract.
Naglecture siya about tourism.


A large part of the job of the Department of Tourism actually is to sell the entertainment angle of this country. It is entertainment that should draw so many people around the world to come in this country. Entertainment in the form of food, national heritage, dance, destinations, but that is entertainment.
Eh di ba naman talaga yon ang tourism. Nakikita ba niya ang mga sayaw ng iba-t-ibang lalawigan; ang mga festivals, ang mga destinations katulad ng Camsur, Palawan, Bohol, Cebu at iba pa.



Untog ng ulo sa pader.


Pinaysaamerika

4 comments:

Lee said...

hay naku maraming ka ek ekan lang yan obyus naman na tatangapin din yan e pakipot lang kunyari na ayaw nya,baka ang gusto nya e sa byutipikeysyon sya mapunta,
kung ako ayaw ko talaga sa gobyerno magtrabaho e deretchahan ko sasabihin ayokoooo at kung feel ko naman at pakipots lang ako sasabihin ko give me sometimes to calculate este to think naman diba,kasi malaki ang aking TF sa
pagiging syowbiz personality
at iba pang mga sidelines at pagmamanage sa mga career ng mga starlets e computin este pagisipan ko mung kung worth ba divah
kawawa naman ang aking mga boylet pag nagkataon,magugutuman sila (siguro naman in 1 yr time e bukod sa papaging tourism nya e my mga side side pengeng calculator dyan alam mo na)

cathy said...

noong inofferan ako ng trabaho sa BIR. tinanggihan ko. maliit ang sweldo.

sabi noong nagrekomenda sa akin, hindi naman yong sweldo ang ibubuhay mo.

sabi ko sa kaniya, yon na nga, hindi ko kaya yon.

sa accounting firm kasi kami ang humaharap sa examiner pag may audit.

sasabihan ka ng kakainin niya ang libro namin pag wala siyang nakitang mali.

eh hini ako kumakain ng libro, nagbabasa lang ako ng nobela. hehehe

biyay said...

wwaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! ampunin nyo na ako,lee at cath!!!
umpisa lang ito sa gawa-gawa ni kris!

cathy said...

biyay,
balita eh may mgaoffer siya sa mga kaibigan niya sa entertainment, pero hindi inaccept.

tatlo na raw ang K

Kamag-anak, inc.
Kaklase, inc.
Kaibigan ni Kris, Inc.

alam m bang si Ai-ai ay mag=aaral ng public ad ss UP?

hehehe short term course yata.