The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Dear insansapinas, The Comments Ngayon ko lang napansin na marami akong comments na parang bulang nawala. May mga comments na nakasulat naman pero sa blog ang lumalabas, isa lang. Meron bang multo dito?
The Nails Noong nakaraang mga araw, may nag-ayos ng bubong namin. Umuulan-ulan kasi at may marka ng tubig yong aming kisame.
Kahapon habang tinitingnan ko kung uulan, napansin ko ang mga dulo ng pako sa kisame ng patio namin. Ang hahaba. Tumagos sa kisame. Siguro yon ang gumagawa ng mga higaan ng mga taong natutulog sa pako. Ang mga istup---.Arghhh
The Balisong
Nagbabasa ako ng isang best seller novel. Nabanggit ang Filipino Balisong. Pinagbawal pala ang pag-import noon.At least binanggit ng author na Filipino at balisong. Ang iba isusulat lang yon na fan knife o whatever. Sa Batangas noon ala eh, pinambabalat namin ng mangga.
Matagal ko nang nababasa itong Bigfoot na sinasabing hoax. Ngayon ko lang naalala ang isang island sa Bicol na may nakikitang malaking footprint sa mga batuhan.
Hindi kasi Bigfoot ang tawag nila doon. Higante. Ang sabi ng mother ko pwede raw maglagay ng sampung kalabaw sa footprint. Ang isa raw footprint ay nasa kabilang island. Magkakatabi kasi yong maliliit na island na walang nakatirang tao.
Tapos meron akong pinsan noon, mas malaki pa ang paa kay Kobe (oy nanalo sila). Pag natapakan ka para kang dinaanan ng pison. Wala kanyo yon, ang pinsan ko babae. Pag natulog yon, hindi kasya sa katre. Mahigit six feet ang taas. Isang baldeng margarina ang kinakain, noong bata pa, Lee, promise. Siguro nang magsabog ang Diyos ng height, sinalo para sa lahat ng clan. Ganid. mwehehe. (tingin sa salamin sa banyo,kailangan ko pala ang tapakan para makita ko mukha ko. sigh),
Pinaysaamerika
3 comments:
Anonymous
said...
hahaha yung mga comments na yan matagal ko ng nakita yan bat kako nangawawala kala ko naman alam mo din na nawawala mga comments mo. ako pa e palagi kong binabalikan pati yung mga lumang post mo baka my mga nakiki chika na iba e maki chika nalang din ulit kaya ako nababalik at napapansin ko nangangawalaan.
speaking of tangkad na pinakyaw, yung aming clan e puro maliliit at mga balingkinitan,kaya lang naman kami naglakihan ng konti sa average e nahaluan ng ibang lahi, lahi ng mga itang pinaglihi sa ilokano jejeje,pero yung aming bunso na sisteret e magandang babae kaso di natatanggap sa trabaho,e sukat ba namang ang height nya e 4'10 pero ang nakalagay sa CV nya e 5'2 at pag tinanong ng interviewer na "bakit 5'2 ang nakalagay di naman totoo" banatan ng sagoit yung interviewer ng "feel ko 5'2 ako, masama ba yun", ola dipa nagsisimula ang interview tapos na kagad jejeje.
hashahahahaha naku mam ako open na open ako dyan hahaha sabi nga nila,kung ayaw mong my makagalit e wag mong tanungin edad ng babae hahaha ako matagal ng buking hahaha
This is a blog about the adventures and misadventures of a Filipina in the US of A who wants to save the world from clutches of evil but is too lazy to don her costume. It also includes her reminisces of her journey of life in her birth country. Sinimulan ko ito ng 2004 at pansamantalang iniwan ng magbukas ako ng marami pang blogs katulad ng Now What, Cat?. Ngayon na pinahihinga ko ang aking pusa, dito naman ako nanggugulo.
Mga kuwento ng pag-ibig(lintek na pag-ibig yan, pagpapakasakit (uso pa ba ang martir ngayon),pagtataksil (hulihin si Hudas)
at mga karanasan ng mga Pinoy na nangingibang bansa.
Mga kuwentong parang pelikula na hindi naman pelikula pero pwedeng isa pelikula. Gulo ko. Ang mga KUWENTO po dito ay mga nakaraan na at sa kasalukuyan na may kasamang mga salawikain, totoo
at tagp-tagpi.Minsan ay sumisipa rin ako sa pulitika at lalo sa showbiz. Frusrated actress kasi. Toinkk.
Dito rin ninyo mababasa ang mga sariwang balita dahil hindi pa man nangyayari ay naibabalita ko na. ahek.
3 comments:
hahaha yung mga comments na yan matagal ko ng nakita yan bat kako nangawawala kala ko naman alam mo din na nawawala mga comments mo.
ako pa e palagi kong binabalikan pati yung mga lumang post mo
baka my mga nakiki chika na iba e maki chika nalang din ulit kaya ako nababalik at
napapansin ko nangangawalaan.
speaking of tangkad na pinakyaw, yung aming clan e puro maliliit at mga balingkinitan,kaya lang naman kami naglakihan ng konti sa average e nahaluan ng ibang lahi, lahi ng mga itang pinaglihi sa ilokano jejeje,pero yung aming bunso na sisteret e magandang babae kaso di natatanggap sa trabaho,e sukat ba namang ang height nya e 4'10 pero ang nakalagay sa CV nya e 5'2 at pag tinanong ng interviewer na "bakit 5'2 ang nakalagay di naman totoo" banatan ng sagoit yung interviewer ng "feel ko 5'2 ako, masama ba yun", ola dipa nagsisimula ang interview tapos na kagad jejeje.
sa amin, yon lang namang pinsan kong yon ang matangkad. average height ng mga lalaki sa amin ay 5' 6.
ako huwag mong tanungin, tatlo lang aking sinusungalingan, ang edad, ang weight at ang height. mwehehe.
hashahahahaha naku mam
ako open na open ako dyan hahaha
sabi nga nila,kung ayaw mong my makagalit e wag mong tanungin edad ng babae hahaha ako matagal ng buking hahaha
~lee
Post a Comment