Advertisement

Tuesday, June 29, 2010

Inauguration of President -elect Noynoy Aquino

Dear insansapinas,


Nanonood ako ng inauguration, live stream sa GMA.


Malacanan.-sinundo ni Aquino si PGMA. Bakit singkit si PGMA? Umiyak ba?


Nagkalat ang mga plastic, plastic na  kutsara, plastic na baso  at plastic na ngiti. At as usual kodakan.


In fairness, inaalalayan naman ni Noynoy si PGMA. He was every inch a gentleman.


Kumanta si Charice. Hindi makahabol si Noynoy at Binay sa pagkanta. hehehe

Kanta ng Apo minamahal ang Pilipinas. paano naman si Jim Paredes na Australian na. Bakit kasi kailangan pa ang mga musical number na ito. Pampatay ng oras. gaga. (tawag ng kaibigan ko na nanonood sa TFC).


Pero bakit ang hilig nila sa mahahabang seremonyas. Di ba nila narealize na may mga foreign dignitaries. Si Binay, hindi maipinta ang mukha. Siguro ang pinakaprotektado doon ay ang mga relos. Palaging tinitingnan eh. toinkk.

Nagpatama ang nagsasalita, wala na raw tayong kulay, tayo ay pula dilaw, asul...aray bakit nakayelo pa ang mga Aquino ladies?

Naku kung hindi ko lang gusto si Christian Bautista, sasabihin ko bakit naging kantahan yata yang inauguration.

Moments ito ni Noynoy at ni Binay. Huwag ninyong sapawan. 

Sunod naman si Regine Velasquez at Kundirana. Hanubayan?

Ang mga mukha noong mga bisita, hindi masaya. ang init nga naman nagsisibirit ang mga artista doon. sus. ginawang ASAP.

hindi pa pala tapos, sino ba yan , ang naririnig ko lang pagbabago...(bilisan ninyo, inaantok na ako).

Hindi pa rin tumititigil. akala niya siguro concert niya.toinkkk. 

Sanay kasi akong manood dito na hiwalay ang inauguration sa mga tribute ng celebrities. may schedule din sila. pag inauguration, inauguration lang.

Kung maganda man ang mensahe ng kanta, palagay ninyo magbabago ang mga corrupt. Ni hindi nga nila aminin na corrupt sila. ng kanta pang mass hysteria lang. Pag nawala na ang effect, balik sa dating gawi. O di ba, maraming paiyak-iyak, pakaway-kaway  pag kinakanta ang Ang Bayan ko noon. Ako nga kinikilabutan noon. Pagkatapos, kurakutan na. Tsee.

Pinaysaamerika 

4 comments:

Anonymous said...

hayz, kaya nga ba ako dimo maaasahan manood ng mga ganyan at tiyak syowbiz na syowbiz ang arrive, isipin ko pa lang, di kaya pati politics maging syowbiz na rin? e sa kampanyahan palang e puro syowbiz na e hangang sa panunumpa, syowbiz pa rin and dating sigh!
~lee

cathy said...

okay sana kung tig-iisang number pero ang daming number na ginawa.

at dapat huwag silang mang-aagaw ng eksena. tapos na ang election, hindi naman yon demonstration. yon dapat ay solemn.

Anonymous said...

jejeje naging inaguration concert tuloy ang ngyari,nakakaasar,
pero yun kayang mga maka noynoy natuwa at nag enjoy kaya?jejeje
~lee

cathy said...

syempre iba't ibang ibang perspectives.

sa akin naman ay huwag sanang sapawan si noynoy na para bang ang mga singers na ito ay sila ay patriotic dahil sa kanta nila.