WHERE HAVE YOU BEEN PART 7 .( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).
Advertisement
Thursday, June 03, 2010
The Phlebotomist
Dear insansapinas,
WHERE HAVE YOU BEEN PART 7 .( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).
Pinaysaamerika
WHERE HAVE YOU BEEN PART 7 .( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).
Sa buhay maraming setback. Hindi mo pwedeng i-drawing ang gusto mong mangyari. Hindi mo puwedeng kontrolin ang mangyayari.
Pero pwede mong labanan. Pag wala kang ginawa para ka na ring nagsabing sige na nga, gawin na ninyo ang gusto niyong gawin. Pag hindi ka umaray, maiinterpret yon na hindi ka nasaktan. Kaya nga may drama sa buhay.
Ako naman ang nagpapasakalye. Para bang kakanta ako. Toinkk. Dapat ang nobelang ito ay seryoso.
Sinalubong ako ng charge nurse sa hall bago pa ako nakarating sa suite. Sabi niya maligalig daw ang doctor buong gabi. Pinahirapan daw ang mga narses, yong private duty at yong floor nurses.
Dagdag niya, yong bagong nurse lang daw ang nakakacontrol pero hanggang alas diyes lang siya ng gabi. Pag-alis niya, simula na ang tayo,lakad, higa, tayo, lakad, higa. Hinahanap daw ang missus.
Bago ako umalis, may advice siya sa akin. Watch your back. You are dealing with a snake. Paano ko makikita ang likod ko? Mayroon kayang nakasabit na Stupid me?
“Good morning,” bati ko. Pinaiinom siya ng kaniyang morning meds ng nurse.
Hindi niya ako pinansin. Sabi ng nurse, may darating daw na kukuha ng dugo niya.
Hindi pa siya natatapos magsalita, may dumating na puting phlebotomist. Halatang takot siya. May reputasyon kasi ang doctor na pinakamahirap na pasyente.
Hinawakan ng phlebotomist ang kaniyang braso para lagyan ng plastic tubing sa may siko. Tinabig siya ng doctor. At sinabing.” What are you doing?”
Sabi ko sa lalaki, eexplain niya ang gagawin niya. Sabi ba naman niya. “He is a doctor, he should know what I am going to do with all these paraphernalia.” ( ang phlebotomist ay certified licensed na kumuha ng dugo. Pero med tech pa rin ang nag-aanalyze ng dugo dahil short term course lang ito dito sa States).
Tigas ng ulo eh. Pag siya binatukan, hindi ko siya sagot.
Maysakit nga yong tao eh. Kung alam ko lang kumuha ng dugo, gagawin ko na. Kaya lang kinalimutan ko na ang pagkabampira ko mula nang magustuhan ko ang orange juice. Toinkk.
Tuloy pa rin siya. Ako ang nag-explain sa doctor kung ano ang gagawin. Binigay naman niya ang kaniyang braso.
Ang problema, hindi ko alam kung marunong kumuha ng dugo ang lintek na lalaki o ninerbiyos siya. Panay ang tusok niya ng karayom, walang lumalabas na dugo. Ang alam kong mga Pinoy na med tech, isang tusok lang kuha kaagad ang vein o artery o nupaman yon.
Kulang na lang magsalabid ang mga tusok, para sabihin mong nilagyan niya ng cross stitch ang kamay ng matanda. Arghhhh.
Sa huling tusok niya, pumulandit ang dugo. Tumaas ang kamay ng doctor para batukan ang lalaki. Agitated siya. Wala na naman siyang kilala. Sinalo ko ang kaniyang kamay, sabay sabi sa lalaki na lagyan kagad ng cotton at band-aid ang tinusukan. Malakas ang doctor. Hindi ko kayang pigilan ang kaniyang kamay.
“You are not going to hurt the person. Are you ?
Nanginginig pa rin siya sa galit. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ng aking kamay sa lakas ng kaniyang hawak.
Sabi ko, “You’re hurting me, sir.” Ganiyan ko pag agitated siya. Sinisir ko siya.
“Good for you, liar.” Banat niya sa akin.
Whoa. Meron nga siyang beef sa akin, meaning sama ng loob. Iniexpress niya ngayon. Naghanap siya ng pagkakataon para ako ay sumbatan.
“ Why am I liar, sir? “
“You... told... me that the... missus did not... leave me. But she did. She... has... not... come... back”.
Hindi pa rin niya binibitiwan ang aking kamay.
“ But it is the truth, sir. She went on a cruise with your son. She needs some vacation and she’s coming a few days from now.”
“No…. She’s… not …coming back. My… family…has… left… me. “ Gumgaralgal ang boses niya. Magkahalong galit at lungkot.
Sa isip ko, may naglalason ng isip nito. And talking of the devil. Pumasok ang bagong nurse. Napadaan lang daw siya. Nasa duty pa siya sa facility.
Kukumustahin daw niya ang matanda. Diretso siya sa matanda at hinalikan na naman niya. Naalis ang galit ng matanda. Binitiwan niya ang aking kamay na mapula na sa sakit.
Sabi ng bagong nurse, break daw niya kaya kung gusto ko, pwede akong lumabas.
Kailangan ko talagang lumabas. Mag-isip. Hindi ko gusto ang nangyayari pero hindi ko ugaling magsumbong ng kapwa ko sa boss.
Nagpaalam ako sa doctor. Sabi niya. “Where… are …you… going?”
“To the garden.” Sabi ko, sabay squeeze ng kamay niya parang assurance. “ I will be back.”
Nag-away ang aking dalawang anghel sa balikat. Isusumbong ko ba ang bagong nurse o hindi? Pero wala akong ebidensiya na nilalason niya ang isip ng matanda. Yong paghalik-halik niya ay di appropriate pero mahirap sabihin sa pamilya yon ng walang malisyang lalabas. Kumuha ako ng bulaklak. Tanong ko habang inaalis ko ang petals, Yes, No, Yes, No, Yes No…Sandali bakit ang bulaklak ang pinagdedecide ko.
Bumalik ako sa suite. Maraming nurses nakapaligid sa doctor na nakahiga sa kaniyang bed.
Natumba raw. Paanong matutumba, iniwanan ko nang nakaupo at nakabantay ang bagong nurse.
Sagot ng floor nurse na nakatoka sa kaniya. Nakita raw niyang nakasalampak sa may tabi ng kama . Parang tumayo pagkakahiga at bumagsak.
Sabi ko iniwanan ko yan sa bagong nurse. Kinawit ako ng isang floor nurse na itim.
“Don’t trust her.” She was not officially working with you at that time. She was still clocked in the facility. May be when you left, she urged the doctor to take a nap, put him in bed and went back to her desk".
“She does have a permit to work with the doctor. Doesn’t she.” Tanong ko.
“Yes, she was given the authorization but that is still being questioned by the other staff because others may also ask for the special accommodations like what she's doing now. Actually, she should be working on weekends only, or after regular working hours”
“So how come, she is given the privilege while others are not.”
“She had endorsement from her immediate superior. You know, (iiling-iling ang nurse na nakasmirk) she knows how to work her way to the heart of her boss.”
Uhmmm. Intriga.
Lumabas na ang mga nurses. Nagmulat ng mata ang matanda.
“WHERE HAVE YOU BEEN.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
hmmm, mukhang dilang basta ordinaryong snake ang makaka bangga mo mam.
i remember my previous boss(superior) saying that, filipino's are really good and a hard working individual pero very dangerous lalo na sa mga kapwa nila pinoy.
he was then working in saipan with lots of pinay staffs.
sabi nga nya talagang mga hard working at mahuhusay,pero sila sila nagsisiraan,nagtutukaan pag nakatalikod sa isat isa, di naman daw lahat pero karamihan.
kaya nung mapunta sya sa company namin bilang GM e siniguro nyang wala ng iha hire na pinoy yung may ari, pinagrambulan kami, my pinoy, indian, srilankan, german, british, italian at ako lang ang babaeng head ng dept,hangat maaari daw ayaw nya ng babae
kasi magulo, aba langyang yun, pinakita ko sa kanya na mas magkakagulo kami nung mga ni hire nyang halo halo nationality hehehe.
then, before i joined here,ayaw daw nung boss na kumuha ng pinoy kasi yung mga dating staffs na mga pinoy pinagtatanggal kasi walang ginawa kundi magka inggitan at magsiraan,kaso highly recommended ako nung prev boss ko kaya wala syang magawa, then wala pa kong 1 year sa company ako na hingian nya ng mga pinoy na empleyado.
i had bad experiences in the past sa mga nakasama kong pinay,
kahit na ang ako ang nagpasok sa kanila,mas marami kasi akong contact when it comes to finding a job at malakas ang recom power ko kasi ba naman mahilig ako makipag totyalan kaya marami akong naeencounter na mga prospect kaya di ako worried na my makasagupa man akong mga ganyan e mate threaten akong mawalan ng work, cheh nila!
2 nights back lang,yung besti ko tinawagan ako para mag inom sa labas (cocktail lang naman) kasi daw dina sya makahinga, ambulansya kako kelangan mo di ako, kasi nga raw e punumpuno na sya dun sa kasama nyang pinay din na
kakilala ko rin.
sabi ko nga,unahan lang yan, maasar talo,natuto nako,pag napansin kong inaahas nako e uunahan ko na at dederechahin ko wala ng ligoy ligoy wala ng pasa pasakalye,italpak mo kako sa fez nya dahil ako ganun ang gawa ko,eto kako sabihin mo sa kanya "hey, you watch out, i know whats in your mind thats why im watching my back while im watching your front over my back,get lost over my back" tama ba yun na payo mam?
lee,
totoo yan. kahit sa mga nurses diro, masisipag sila.
kinukuha ko mga filipina rin para sa private duy. ako ang kumakausap kasi pag sa registry namin kinuha halos doble ANG SWELDO dahil may cut ang registry.
itong bAGONG nurse, sa boss ko dumiretSO.
haynaku maganda ang istorya niyang THE NURSE na yan sa nbandang huli.
kaya nga excited na ko mam e pero at the same time ayoko pang matapos hahaha
~lee
Post a Comment