Advertisement
Thursday, April 19, 2007
The Suicidal -Pinay Reminisces-Part 2
Dear insansapinas,
May mga paregners akong mga istudyent. Mga professional istudyents sila hindi kagaya ng mga Pinoy kong istudyent na mga working na. Siyempre, makapal ang mga bulsa dahil hindi sila makakapag-aral sa ibang bansa kung wala silang kadatungan.
Kaya naman, para silang matamis na nilulusob ng mga hantik. Ang mga hantik mga kabarangay ay mga babaeng naghahanap ng mga mapapangasawa o kaya ay karelasyon.
Maroon akong isang istudyent na anak daw ng heneral sa kanilang bansa. Naipadala na raw ito sa Europe, Estet, Australia para mag-aral nang mag-aral kasi sa bansa raw nila ay sakit sa ulo ng mga high profile na magulang. Tawagin natin siyang si D.
Tahimik siya sa klase ko insan. Mukha siyang bored. Dahil grupo ang recitation, tumatayo lang siya pag kaniyang tokang mag report.
Minsan may nahalata akong pagbabago niya. Nakangiti siya kahit walang kangitian. Masama na ito. Baka nalilipasan na siya ng gutom. Pero naging pustoryoso.
Nakipagchikahan ako sa kababayan at kaklase niya. In-lab daw ang damuho. Sabi ng nagtsismis sa akin, true love raw yata dahil naging disiplinado raw.
Sabi ko buti naman kasi nakita ko nagiging happy siya at studious. May pinasisikatan siguro.
Maghahatinggabi na. Nakapajamas na ako at balak ko ng magdive sa aking kama ng may nagdoorbell.
Mga istudyent kong kabarkada ni D.Kung pwede raw sumama ako. Nag-attempt daw magsuicide si D dahil nahuli ang girl pren na mayroon pang isang boypren. Ang Hudasa.
Bakit ako? Bakit hindi doctor o kaya isugod sa ospital? Mangkukulam lang ako. ehek.
Nadala na pala nila sa ospital. Kailangan lang raw kausapin ako dahil they look up to me. (hindi nanay ha, dahil sasampalin ko sila ng aking birth certificate). Ako raw kasi ang pinakaapproachable sa mga faculty kaya hindi sila nangingiming lumapit. :)
Eh ano naman kaya ang magagawa ko sa taksil niyang girl pren? Sabunutan ko? Kausapin ko? Naku ha. Baka mapagkamalan pa akong nagseselos. Ano ako nauulol?
Naawa naman ako nang makita ko siya. Inalo ko na lang siya na sa mundong ito, hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya.(Bulong, kasi spoiled eh) Buti na lang kako at maaga pa ay nakilala niya ang pagkatao ng babae. Ako ba yong nagsasalita? Parang gusto kong humarap sa salamin at sabihin, hoy bruha, seryoso ka ba?
Ilang araw lang ay nakalabas na siya. Tinawagan ako ng kaniyang mommy ng overseas. Pinasalamatan ako sa pagdamay sa kaniyang anak. Sabihin ko lang daw ang gusto ko.
Ay, sinaktan na naman niya ang sensitibo kong puso. Parang sinabi niyang magkano ka?
Pinagalitan siya ng kaniyang anak. Beh.
Ang iyong pinsan,
Related article:
The Loner, the Lonely, the Depressed-Pinay Reminisces
The Suicidal-Pinay Reminisces
Pinoy,Pinay, balikbayan,
Virginia Tech,loner,suicidal,suicidal

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment