Advertisement

Sunday, April 29, 2007

Ginataang Puso ng Saging-Pinay Goes to Market

Dear insansapinas,
Ngayon niyaya ako ng aking brother, pumunta sa Oriental store. Oriental as in pwede kang makabili ng mga producktong galing sa Asia, kasama ang Pilipinas.

Layo, insan. Nasa ikapitong bundok. Dami kong pinamili. May nakita akong puso ng saging. Tuwa ko. Makakaluto na naman ako ng ginataang puso ng saging. May nakita akong kangkong sa isang cart ng namimili, hinanap ko wala na. ANG KANGKONG, bow.

Niluto ko ang puso ng saging.

ginataang puso ng saging

Huwag ninyo akong dustain. Kahit hindi maganda ang retrato ng aking niluto (dahil tira na lang yan), masarap ang lasa.

Ito ang recipe.

Isang lata ng niyog ( o diva, insan noon pag tayo ay maggagata sa probins, aakyat pa sa puno ng niyog si unkel


tapos aalisan ng bunot ang niyog. Ang bunot ginagawang lampaso, pang isis at marami pa. Tapos bibiyakin ang bao. Sarap ng sabaw ng niyog. Ang bao ginagawang uling para sa pamamalantsa at pagluto.




Pero sandali, insan nalalayo tayo.

Pagkatapos biyakin, kinudkod ang niyog. Meron kami noong kudkuran. Ganito ang hitsura.

retrato ng kudkuran

Ang tawag namin diyan kabayo kasi pag hindi ginagamit ng matatanda, sinasakyan namin at para kaming si Lone Ranger o kaya si Zorro na nagkakabayo. Hiyaaaa.

Lumalayo na naman ako insan. Hilahin mo kasi ako. Hige tuloy tayo.

Ang iba pang ingrediente ng ginataang puso ng saging.

1 butil ng bawang
1 buong maliit na sibuyas
ilang pirasong karne ng baboy o kaya hipon.
1 piraso ng Knorr chicken bullion.
asin

2 kutsarang suka (pwede ring wala)

Alisin ang ilang saha ng puso ng saging. Kasama ang mga bulaklak nito. Ang bulaklak ay parang maliliit na saging na madalas pinaglalaruan naming kunwari saging-sagingan.
Ang saha naman ay ginagawa naming bangka o kaya tsinelas.



Naligaw na naman ako. Hige, balik.

Hiwain ang puso ng saging ng pahilis at malililit na hiwa. Mga 1 cm lang ang kapal.
Ilagay sa isang bowl na malaki, lagyan ng asin at kaunting mainit na tubog.

Tapos,pigain nang pigain para maalis ang katas. Imaginin ninyo na ang pinipiga ninyo ay ang mukha ng bruha sa buhay ninyo. Yon, yon.

Palambutin ang karne sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa kawali. Lutuin hanggang lummambot o kaya maubusan ng tubig. Pero insan huwag kang sisigaw ng tubig.

Itabi sa isang sulok ng kawali, patuyuin ang kawali at lagyan ng kaunting cooking oil. Igisa ang bawang, sibuyas at ang karne. Ilagay ang puso ng saging. Ibuhos ang niyog. Ilagay ang chicken bullion a gitna.

Pag kumukulo na, ilagay ang suka, timplahan ng asin. Hayaang kumulo ang gata hanggang
kaunti na lang ang matira.

Tapos.

pinaysaamerika



,,,
,,,

5 comments:

Kiwipinay said...

naks! kala ko ay naligaw ako. naging food blog na si pinaysaamerika!

buti acheng may puso ng saging dyan? gara! wala kasi dito. yung nasa lata lang.

Pinay von Alemanya said...

Hi, I found your blog today. Think it is one of those blogs with unique postings like this one with kudkuran ng niyog...like that one. Wish it were mine.

Pinay von Alemanya

cathy said...

thank you bituin.

cathy said...

kiws,
natyempuhan. palagay ko galing sa mexico. lalaki ng bulaklak.

Sherryl said...

Naks!! Kala ko ay magkukwento ka na lng ng pamamasyal mo at di ka na magluluto ng ginataang puso ng saging. I try ko ung recipe mo. Bumibili lng kc ako ng luto ng Ginataang puso ng saging. Tnx!!!