Advertisement
Sunday, April 08, 2007
Happy Easter- Pinay Reminisces
Dear insansapinas,
Happy Easter. Maswerti ang mga may pangalang Ester, ano? Wala ritong celebration na katulad diyan na may Salubong. Yon bang may anghel na bumababa sa tuktok at may mga anghel na nagsasaboy ng mga bulaklak.
Isinasama ako ng aking mother, insan sa mga maliliit na anghel na ito. Ginagawan din niya ako ng pakpak na gawa sa carton at mga puting balahibo ng aming white leghorn. Kawawang manok. Kalbo pag ganitong panahon kung hindi, tuloy siya sa kawali.
Hindi ako ang nasa retrato insan. Padala lang sa akin yan sa e-mail.
Tagal naman ng ceremonyas, insan. Inaantok tuloy ako eh gumigising pa naman kami ng alas kuwatro para makarating kami sa simbahan. Kung pwede lang na tukuran ko ang aking mata. Panay ang bagsak ng ulo ko at panay naman ng salo ang aking mother na may kasamang kurot sa tagiliran ko. Aray !!! Ang init pa. Haba ng suot ko at mahaba rin ang manggas. Daming tao sa simbahan kahit ang simbahan namin ay maliit lang dahil Aglipay. Ang Romano Catolico ang malaki. Pero iminulat kami na ang Romano ang nagpapatay kay Hesus. OO nga naman, isip ko. Nakauniporme ng sundalo yong mga nasa retrato doon sa Stations of the Cross.
Isa pa karamihan sa bulaklak na nakalagay doon sa basket namin ay kalachuchi. Ang baho, insan. Yuck. Gutom pa ako kasi walang almusal. Kahit hindi pa ako nagkokumunyon, ang mga kasama ko naman ay dapat huwag daw kumain bago magkomunyon.
Ang akala ko pa naman ong Ostiya pag kinain, hindi sa bituka pumupunta kung hindi sa Puso. O di va. Mga batang paniniwala.
Ang natatandaan ko pa, pinatatalon kami ng aming mother pag Easter para daw kami tumangkad. Yong mga hindi pa nakakapagsalita ay sinususian ang bunganga para makapagsalita na.
Ngayong lumaki na ako, ang naiintindihan ko lang ay ang Easter symbolizes triumph and new life.
Pag-uwi namin insan, masarap ang almusal. Tinapay na may palamang sardinas. yehey.
Insan, di namin pinapansin ang mga malalaking isda at manok sa probinsiya. Ang special na pagkain noon doon ay carne norte at sardinas.
Ang iyong pinsan,
Related article:
Pinay goes romantic and religious Part 1
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love,Robert de Niro,Jane Fonda, romance

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment