Advertisement

Tuesday, April 03, 2007

Nuclear Department, nuclear scientists-Pinay Goes to Hospital

Dear insansapinas,
Araw ng aking laboratory, insan. Maaga akong gumising. Alasingko. Naligo ako at kumain ng aking cerwreal. Tusok muna siyempre ng aking dugo. aray.

Tinanong ako ng aking kapatid kung magpapahatid ako sa ospital. Sabi ko magbabus na lang ako kasi alas nuweve eh, masyado akong maaga.

Yon pala puwede naman ang maaga doon, kasi maaga sa listahan. *heh*

Hinanap ko ang radiology department, ang nakalagay sa pagpasok ay welcome to Nuclear Department. Aha.. mga nuclear scientists ba ang mga tao dito?

Dalawa ang aking appointment. Isang follow-up sa isang lab exam sa San Francisco noong isang taon at isa ang test ko sa puso. Gusto nilang malaman kung may puso pa ako. Ehek. O kaya kung ito ay titibok sa ngalan ng pag-ibig. Hanubayan, pinagsasabi ko. Erase, erase.

Cancelled yong una kong exam. Six months palang daw at kailangan makita nila ang film ng aking chest. Ano raw ba ang dahilan ng aking pagpunta ko. Ipinakita ko yong sulat sa akin ng makulit na doctor. Tawag siya sa San Francisco para iforward yong aking
film pero dahil alas nuwyve pa lang sa East Coast, alas seis pa lang sa San Francisco. Oo, pinsan ganyan ang dipersensiya ng oras namin. Nag-aalmusal na kami dito, naghihilik pa sila.

Balik ako ulit sa reception para sa susunod na exam. Gulat noong clerk dahil ang bilis ko naman. Kaya mamaya lang may tumawag na naman sa akin. Para naman sa test ko sa puso.

Pakistani siya. So kuwento, kuwento. Binutas niya ang parte ng aking kamay kung saan palaging kumukuha ng dugo. Hindi siya kumuha ng dugo, insan. Inenjectionan niya ako ng tatlong chemicals. Akala ko magiging green ako, o kaya magiging invisible. *heh*

Tapos, pinahiga niya ako at kinumutan sa isang kama na may malaking bagay na nakasabit sa itaas. Akala ko ibabagsak sa akin yon para malaman kung kaya ko ang bigat. stress test eh. *heh*

Unit-unti, bumaba ang bagay na yon. Gusto kong sumigaw. Alisin ninyo ako dito. Maiipit ako. Nasaan ba yong bato ni Darna? hehehe

Hindi naman ako pinipi. Umiikot-ikot ito sa malapit sa aking puso kaya nakita ko ang aking puso sa screen na malapit sa akin. Oy mga thumbnails lang, pero iba-ibang position.

Pagkatapos kung mahimasmasan, "binitbit" naman ako ng "nuclear scientist" doon sa isang kama. Pinahiga ako, nilagyan ng IV at ng digital sphygmomanometer ang aking kanang braso. Sa dibdib ko ay maraming patseng ginamit kung saan nilagyan ako ng mga plastic tubes na nakakabit sa isang makina na may monitor.

Bawa't inject yata sa akin nang chemical mula sa IV, tumataas ang aking presyon kaya automatic na sinasakal ang aking bisig ng blood pressure cuff. Tapos dugudong ang aking puso at parang may nakadagan sa aking dibdib. Araaaay. Hinga ako ng malalim. Hinga ako sa bibig. Hah hah hah. Masakit na ang aking ulo. Parang katulad ng mataas ang aking presyon.

Ang cardiologist ay nakatingin sa monitor kung saan may mga lumalabas na maraming linya na liko-liko. May hawak siyang microphone at nagsasalita siya. Para bang nagkakaraoke.

Hanu, kinakanta niya ang aking heart rhythmn? Rock kaya o ballad. Di ko naman siya nakitang lumiyad, liyad o kaya sumasayaw na nagrarap. *heh*

Pagkatapos nila akong i"torture", sabi ng "scientist", kumain raw muna ako, para sa susunod na examination. Hanu, hindi pa pala tapos. Kaya hanap ko ang cafeteria.
Alam mo naman ako, insan, mahina sa direction, kaya kaligaw-ligaw kahit may mga arrows at signs. Wala akong makitang Pinoy sa hospital na iyon. Yohoo, nasaan kayo?
Ayaw yata ng mga Pinoy dito dahil pag winter, may snawww.

Yong ngang kaisa-isang Pinoy store sa malapit na siyudad, nagsara na. Walang namimili eh. Wala tuloy akong mabilhan ng pangsigang, puto, pandesal at kutsinta. Waaah.

Wala ring pinay sa cafeteria. Merong mukhang pinay, pero Thai pala siya. OO, pinsan, karamihang nakikita kong Asian dito ay Thai. Di siya siguro marunong magbasa ng English kasi tinanong ko kung magbubukas na yong parte ng cafeteria na may mga sandwiches at salad, sabi niya pizza lang daw ang tinda doon kasi pizza nga lang naman ang nakaretrato doon sa labas. Pero sa loob a iba-ibang klaseng sandwich ang mabibili at may salad bar pa.

Pagsapit ng alas dose, balik ako sa laboratory. Dinala ulit ako sa lugar kung saan niretrato ang aking puso. Ngayon naman ay niretrato nila ang aking tiyan. Nakita ko ang malaking intestines at maliit na intestines. Mga pakialamero.

Nang sabihin na Tapos na, nakahinga ako. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako, hindi naman ako nagtrabaho.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,

No comments: