Advertisement
Friday, April 06, 2007
Robert de Niro, Jane Fonda and Huwebes Santo-Pinay Goes Romantic and Religious? Part 2
Karugtong ng:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Dear insansapinas,
Acshually, naisama ko na siya sa aking kuwento noon. Isa siyang French na nakatira sa ibaba ng bahay na unang tinirhan ko nang ako ay humiwalay sa mga taong nagkupkop sa akin sa San Francisco. Malaking bahay yon na pag-aari ng aking kaibigan na lalaking nars. Dalawa kaming nakatira sa itaas at tatlong kuwarto ang nasa ibaba. Isa si French.
Tinulungan niya ako nang mahablot yong aking bag ng isang itim sa may harapan na ng bahay. Siya ang taga-ayos ng kuryente namin ng aking kabalay (karoommate).
May girl friend siyang Pinay na mukhang maton. hehehe. Kaya iwas kami ng aking kabalay na makipagkaibigan sa kanya. Siya naman ang nakikipagkaibigan sa amin.
Divorciyado siya at may isang anak na guwapong bata. Nasa storage pala ang mga gamit niya dahil ayaw na niya ng malaking bahay. Total ang girl friend pala niya ay may bahay. o diva may bahay na siya at mayroon pang maybahay.
Nagmamadali ako noong pumasok at inihabilin ng aking kabalay na kausapin si French para ayusin yong kuryente. Katok ako sa pinto. Walang sumasagot. Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat at idinikit ko sa pinto.
Pagdating ko nang gabi ay walang ilaw. Nakakandila ang aking kabalay. Sinisisi ako. Sabi ko, nag-iwan ako ng Dear Sir sa pinto para ayusin ang kuryente.
Wala na naman yong Dear sir na sulat kaya akala ko ay ginawa na.
May-I-katok kami sa kaniyang pinto. Tinanong ko kung nakuha niya ang aking Dear sir letter. Sabi oo. Pero, wala siyang sinabi. Kaya, nakiusap kami na ayusin ang kuryente.
Siniko ako ng aking kabalay. Tinukso. Sabi kailangan daw magpakita ako para gawin.
Gusto ko siyang sabunutan. Hmmm. parang may hinala ako. Hindi siya nakakaintindi ng sulat sa English.
Itutuloy, insan kasi nagluluto ako ng tilapya.
Ang iyong pinsan,
Related article:
1. My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love,Robert de Niro,Jane Fonda, romance

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment