Advertisement

Thursday, April 19, 2007

The Suicidal -Pinay Reminisces-Part 1

Dear insansapinas,
Pasensiya ka na insan kung ang aking pagmumuni-muni (lalim niyan ha) ay tungkol pa rin sa mga istudyent.

Makaraan ang ilang taon, nagturo ako sa graduate school pagkatapos kong makatapos ng MBA (Manager By Accident )daw. Kuwento ko muna saiyo bakit ako nakapag-aral at nakapagturo.

Nag-aapply ako noon para magturo sa isa pang university dahil kayag ako noong isa kong kaibigang CPA. Siyempre, inggit (ahem, ahem) ako sa kaniya kasi ang dami niyang tinuturuan kung baga yong ang sinasabi naming mga "kasindikatuhan". Balak ko ring bumili ng bahay. OO insan, ganiyan ako noon kaambisyosa sa edad na ang mga kasabay ko ay bising makipagligawan. Sa akin kasi nakaraan na iyan noong ako ay teen-AGER.*heh*

Isa pa mayabang ako noon na gusto kong patunayan sa aking mother na kaya ko ring bumili ng bahay kahit hindi kasinlaki ng bahay namin sa Quezon City. But that's me. BOW.

Hila-hila ako noong kaibigan ko(matanda siya sa akin ng labinlimang taon, may-asawa (hiwalay)may tatlong anak at matagal nang nagtuturo ng Accounting subjects) sa isang university. May opening daw ng mga part-time Accounting lecturers. Hige.

Interview ang aking kaibigan. Tawanan sila ng dean. Tanggap siya. Interview ako ng dean, hindi ako tanggap. Wala raw akong kabuhay-buhay. Paano raw ako maglelecture kung makakatulog ang mga tinuturuan ko. ISa pa sabi niya, wala raw akong mek-ap.Pati ba naman yong pagkokolorete, pinakikialaman niya. Sabi niya kasi, marami silang mga istudyante na mas magaling pag mag-ayos sa akin. Pag isinama raw ako sa kanila, baka ako pa ang mapagkamalang istudyent. The NERVE. Insulto sa akin, insan. (Pero sa mga susunod na taon na naging kaibigan ko yong dean na yon, gusto lang daw talaga niya akong magblossom) Ano ako bulaklak ng katuray?

Bakit daw hindi ako mag MBA. Malaki raw ang maitutulong noon sa personalidad. If I know, pinopromote niya ang kanilang MBA.hehehe

Ang sikreto pala ng kaibigan ko ay nagpromise siyang mag-eenroll. Kaya ako rin niyaya niya total, libre naman ako sa gabi at tatlong gabi lang naman yon isang Linggo o kaya buong Sabado kung gusto kong isang araw lang kaya lang doon na ako mag-aalmusal, magtatanghalian, magmemeryenda at maghahapunan sa school. Taft talaga ng buhay.

Hindi ko pa ikukuwento saiyo ang mga kabulastugan ko sa iskuwela bilang istudyent sa MBA. Ang ikukuwento ko na lang saiyo ay nang nagtuturo na ako.

Wala silang makuhang may MBA, CPA at may experyensiya pa sa industry(ahem)kaya pagkatapos ko ng aking degree, hinila nila akong magturo sa MBA. Insan, nagsusuot na rin ako ng mga matataas na takong. Napalitan ko na ang aking boy's shoes.

Naahit ko na rin ang aking kilay. Sabog daw kasi. Hitsurang ginawa akong Miss COngeniality ng aking mentor na dean. Pati paglakad ko ay meron nang imbay. hehehe.
Pula na rin ang aking labi na madalas maiwan ang kulay sa iniinuman kong baso.
Pero ang di niya maalis insan ay ang pagsusuot ko ng denim sa signature na top blouse at stilleto shoes.Para kasi akong hinahangin pag hindi ako nakapantalon. Pinagpustahanan pa nga ako ng mga kabarangay ko sa Graduate Faculty kung ako raw ay she or he or she/he. Ang mga hibang.

Itutuloy ko insan.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related article:

The Loner, the Lonely, the Depressed-Pinay Reminisces

,,,
,,,

No comments: